You are on page 1of 46

2.

Ang Kabihasnang
Indus sa Timog Asya
Ang Kabihasnang INDUS
sa TIMOG Asya
• Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis
tatsulok. Sa kasalukuyan, binubuo ito ng mga bansang India,
Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at
Maldives.
Ang Kabihasnang INDUS
sa TIMOG Asya
• Bagama’t ang rehiyong ito ay
inihihiwalay ng mga kabundukan sa
hilaga, nakararanas din ito ng mga
pagsalakay at pandarayuhan.
Nakapapasok ang mga tao sa mga
daanang tulad ng Khyber Pass sa
hilagang-kanluran, dala ang
kanilang sariling wika at tradisyon,
na nagpayaman sa kulturang Indian.
Map reading
Nagsimula ang kabihasnan sa
India sa paligid ng Indus River.
Ang tuktok ng kabundukang
Himalaya ay nababalot ng
makapal na yelo at nagmumula sa
natutunaw na yelo ang tubig na
dumadaloy sa Indus River na may
habang 2,900 km.(1800) milya at
bumabagtas sa Kashmir
patungong kapatagan ng Pakistan.
Sinasabing mahirap na lubusang
mabatid ang sinaunang
kasaysayan ng India. Nakahukay
nga ang mga arkeologo ng mga
kasangkapang ginamit ng mga
ninuno subalit hanggang sa
kasalukuyan, hindi pa rin
nauunawaan ng mga iskolar ang
mga naiwang sistema ng
pagsulat ng sinaunang
kabihasnan ng India.
Mas malawak ang lupain sa
Indus kung ihahambing sa
sinaunang Egypt at
Mesopotamia. Sakop nito
ang malaking bahagi ng
hilagang-kanluran ng dating
India, at ang kinaroroonan
ng lupaing Pakistan sa
kasalukuyan.
• Ang mga lungsod na itio ay
nagsimulang humina at bumagsak
noong ikalawang milenyo B.C.E. Sa
kasalukuyan, tinatayang mahigit 1,000
lungsod at pamayanan ang
matatagpuan dito partikular sa
rehiyon ng Indus River sa Pakistan.
Ang mga lungsod ng
Harappa at Mohenjo-
Daro sa lambak ng Indus
ang pinakabagong tuklas
na mga sinaunang
sentrong kabihasnan sa
kasalukuyang panahon.
Natagpuan ng mga arkeologo ang mga labi ng dalawang
lungsod noong 1920 ang mga lugar na ito. Gayon din ang
lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pagsisimula ng
Sumer noong 3000 B.C.E.
• Unang Nanirahan ANGsaKABIHASNANG
maliliit INDUS SA TIMOG ASYA
na pamayanan ang mga
Dravidian.
• Ang kanilang lugar ay
matatagpuan sa mababang
bahagi ng lupain, may mainit
na klima at halos walang
mapagkukunan ng suplay ng
bakal.
• Sa loob ng ilang libong
ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA

taon, nakakuha sila ng


bakal, mamahaling bato,
at tabla sa
pakikipagpalitan ng
kanilang mga produkto,
tulad ng bulak, mga butil,
at tela.
• Ang irigasyon ng lupa
ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA

ay mahalaga sa
pagsasaka ng mga
Dravidian.
• Nag - aalaga rin sila ng
mga hayop tulad ng
elepante, tupa, at
kambing.
• Maaaring sila rin ang kauna- INDUS SA TIMOG ASYA
ANG KABIHASNANG

unahang taong nagtanim ng


bulak at nakalikha ng damit
mula rito.
• Mayroon din silang
masistemang pamantayan
para sa mga timbang at sukat
ng butil at ginto.
ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA

• Samantala, ang mga


artisano ay gumamit
ng tanso, bronze, at
ginto sa kanilang mga
gawain.
ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
• Ang lipunang Indus ay
kinakitaan ng malinaw na
pagpapangkat-pangkat ng
mga tao.
• Nakatira sa bahagi ng moog
ang mga naghaharing - uri
tulad ng mga
mangangalakal.
ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA

May mga bahay ring may


tatlong palapag.
Maaaring katibayan ito
ng pagkakahati-hati ng
lipunan sa iba’t ibang uri
ng tao.
ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
• Nagtatag ng mga daungan sa
baybayin ng Arabian Sea. Ang
mga mangangalakal ay
naglakbay sa mga baybayin
patungong Persian Gulf upang
dalhin ang kanilang mga
produkto tulad ng telang yari
sa bulak, mga butil, turquoise,
at ivory.
ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
• Natagpuan din sa Sumer ang
selyong Harappan na may
pictogram na representasyon
ng isang bagay sa anyong
larawan. Dahil dito, inaakalang
ginamit ang selyong ito upang
kilalanin ang mga paninda.
Patunay lamang ang kalakalan
sa pagitan ng dalawang
kabihasnannoon pa mang 2300
• Kapuna – punang wala ni isa
ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA

mang pinuno mula sa


sinaunang kabihasnang Indus
ang kilala sa kasalukuyan.
Maaaring hanggang ngayon ay
hindi pa nauunawaan ng mga
iskolar ang sistema ng
pagsulat ng kabihasnang ito
kaya hindi nababasa ang mga
naiwang tala.
ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
• Narating ng mga Dravidian
ang tugatog ng kanilang
kabihasnan noong 2000
B.C.E. subalit matapos ang
isang milenyong
pamamayani sa Indus, ang
kabihasnan at kulturang
umusbong dito ay
nagsimulang humina at
bumagsak.
ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
• Ang mga Aryan ay
pinaniniwalaang nagmula sa
steppe ng Asya sa kanluran
ng Hindu Kush at nakarating
sa Timog Asya sa
pamamagitan ng pagdaan
sa Khyber Pass.
ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
Sila ay mas matatangkad
at mapuputi kung
ihahambing sa mga
naunang taong nanirahan
sa lambak ng Indus.
Dumating ang mga Aryan
sa panahong mahina na
ang kabihasnang Indus.
ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 B.C.E.)

Ang mga Aryan ay nagtungo


sa kanluran ng Europe at
timog -silangan ng Persia at
India. Dinala nila sa mga
rehiyong ito ang wikang
tinatawag ngayong Indo -
European.
ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 B.C.E.)
Ang Sanskrit, ang wikang
klasikal ng panitikang Indian, ay
nabibilang sa pamilya ng Indo-
European. Ang mga
makabagong wika tulad ng Hindi
at Bengali ay nag-ugat din sa
Indo-European.
ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 B.C.E.)

• Ang salitang “Arya” ay


nangangahulugang
“marangal” sa wikang
Sanskrit. Ginamit ito
upang tukuyin ang
mga pangkat ng tao o
lahi.
ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 B.C.E.)

Ang Vedas ay tinipong


himnong pandigma, mga
sagradong rituwal, mga
sawikain, at mga salaysay.
apat na sagradong aklat
Rig Veda,
Sama Veda,
Yajur Veda, at
Atharva Veda.
ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 B.C.E.)

Ang kaalaman ukol sa


unang milenyong
pamamayani ng mga
Aryan sa hilaga at
hilagang - kanlurang
India ay hango sa apat
na sagradong aklat na
tinatawag na Vedas:
ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 B.C.E.)

Makikita sa Vedas kung


paano namuhay ang
mga Aryan mula 1500
B.C.E. hanggang 500
B.C.E. na tinatawag ding
panahong Vedic.
ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 B.C.E.)

Dinala ng mga Aryan


ang kanilang mga diyos
(na kadalasan ay mga
lalaki at mapandigma)
at kulturang
pinangingibabawan ng
mga lalaki.
ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 B.C.E.)

Ngunit unti-unti rin


silang umangkop sa
kanilang bagong
kapaligiran.
ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 B.C.E.)

• Hindi na pagpapastol ang


kanilang kabuhayan,
natuto silang magsaka.
• Nakabuo rin sila ng
sistema ng pagsulat.
ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 B.C.E.)

Ang lipunan ng mga


sinaunang Aryan ay may
tatlong antas lamang: –
maharlikang
mandirigma, mga pari,
at mga pangkaraniwang
mamamayan.
Nang lumaon, nabuo ang tinatawag
ANG PANAHONG VEDIC (1500-500 B.C.E.)

na sistemang caste sa India. Ang


katagang ito ay unang ginamit ng
mga Portuguese na nakarating sa
India noong ika- 16 na siglo. Ang
terminong ito ay hango sa salitang
casta na nanganga-hulugang ”lahi” o
”angkan.
ISULAT ANG TITIK NG
PINAKATAMANG
SAGOT. ¼
INTERMEDIATE PAD
A. Indus B.Harappa C.Mohenjo-Daro D.Brahman E.bulak
F.palay G.pictogram H.Aryan I.Sanskrit, J.marangal K.Vedas
L.Dravidian M.Ksatriya N.Vaisya O.Pariah
1. Ang kabihasnang Indus na nakasentro sa mga lambak ng
_____River.
2-3. Ang kabihasnang indus ay nakatuon sa kambal na
lungsod: ang________ ________
4. Unang Nanirahan sa Indus mula sa maliliit na pamayanan
ang mga______.
5. kauna-unahang taong nagtanim ng _____at nakalikha ng
damit mula rito.
6._______na representasyon ng isang bagay sa anyong larawan.
7. _____pangalawang grupo na pinaniniwalaang nagmula sa
steppe ng Asya sa kanluran ng Hindu
8. _______ang wikang klasikal ng panitikang Indian
A. Indus B.Harappa C.Mohenjo-Daro D.Brahman E.bulak
F.palay G.pictogram H.Aryan I.Sanskrit, J.marangal K.Vedas
L.Dravidian M.Ksatriya N.Vaisya O.Pariah
9. Arya” ay nangangahulugang “_______”
10. _______ay tinipong himnong pandigma, mga
sagradong rituwal, mga sawikain, at mga salaysay.
11. Mga kaparian sa sistemang caste ng India.
12. Mga mandirigma sa sistemang caste.
13. Mga artisan, mangangalakal, at magsasakang may
lupa sa sistemang caste.
14. Naglilinis ng kalsada, nagsusunog ng patay sa
sistemang caste.

You might also like