You are on page 1of 1

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

 Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa kasalukuyan, binubuo ito
ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at
Maldives.
 Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro sa mga lambak ng
Indus River. Dumadaloy ang Indus River sa kasalukuyang bansang India at Pakistan. Sa
nasabing ilog umunlad ang kambal na lungsod ng kabihasnang Indus.

Ang Harappa at Mohenjo-Daro.

• Natuklasan ang dalawang lungsod na ito sa lambak Indus at tinatayang umusbong ito
noong 2700 BCE
• Sinasabing ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus.
• Planado at malalapad ang mga kalsada nito.
• Ang mga gusali ay hugis parisukat at ang mga kabahayan ay may malalawak na espasyo.
• Ang pagkakaroon ng mga palikuran ng mga kabahayan ay itinuturing na kauna-unahang
paggamit sa kasaysayan ng sistemang alkantarilya o sewerage system.

Dravidian

 Ang kanilang lugar ay matatagpuan sa mababang bahagi ng lupain, may mainit na klima at
halos walang mapagkukunan ng suplay ng bakal. Sa loob ng ilang libong taon, nakakuha sila
ng bakal, mamahaling bato, at tabla sa pakikipagpalitan ng kanilang mga produkto, tulad ng
bulak, mga butil, at tela.
 Ang irigasyon ng lupa ay Mahalaga sa pagsasaka ng mga Dravidian. Nag-aalaga rin sila ng
mga hayop tulad ng elepante, tupa, at kambing.
 Narating ng mga Dravidian ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000 BCE subalit
matapos ang isang milenyong pamamayani sa Indus, ang kabihasnan at kulturang umusbong
dito ay nagsimulang humina at bumagsak.

Ang Panahong Vedic (1500 - 500 BCE)

 Ang mga Aryan ay pinaniniwalaang nagmula sa steppe ng Asya sa kanluran ng Hindu Kush at
nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan ng pagdaan sa Khyber Pass.
 Sila ay mas matatangkad at mapuputi kung ihahambing sa mga naunang taong nanirahan sa
lambak ng Indus.
 Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang “marangal” sa wikang Sanskrit.
 Vedas- ang tawag sa sagradong aklat ng mga Aryan. Ito ay tinipong himnong pandigma, mga
sagradong ritwal, mga sawikain, at mga salaysay.

Sistemang caste sa India

You might also like