You are on page 1of 10

Ang Kabihasnang Mesopotamia

Mesopotamia
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigationJump to searchPadron:Mesopotamia
Ang Mesopotamia (Griyego: Μεσοποταμία, isinalin mula sa Sinaunang
Persiko na Miyanrudan "Lupain sa pagitan ng dalawang Ilog"; sa pangalang Aramaic na Beth-
Nahrain"Bahay sa Dalawang Ilog"), ay isang lugar sa Timog-kanlurang Asya.Ito ang Iraq at
kanlurang Syria sa kasalukuyan. Sa isang mahigpit na pananalita, ito ang
kapatagang alluvial na matatagpuan sa pagitan ng mga ilog ng Tigris at Euphrates, binubuo
ng mga bahagi ng Iraq at Syria. Sa mas pangkaraniwang gamit, kabilang sa termino ang mga
ilog kapatagan nito sa kabuuan at kasama din ang mga napapaligirang teritoryo ng Disyerto
ng Arabia sa kanluran at timog, ang Golpo Persiko sa timog-silangan, ang mga Bundok ng
Zagros sa silangan at mga bundok ng Caucasus sa hilaga. Kilala ang Mesopotamya bilang ang
lugar ng ilang sa mga pinakamakasaysayang kabihasnan o sibilisasyon sa daigdig.
Ang mga kasulatan mula sa Mesopotamya (Uruk, makabagong Warka) ay ilan sa mga kilalang
pinakaunang kasulatan sa daigidig, nagbibigay sa Mesopotomya ng isang reputasyon sa
pagiging "Duyan ng Sibilisasyon". Kapantay ng mga kasulatang Sumeryong ito ang mga
hieroglyph ng Ehipto, at ilan sa mga mas matandang kilalang sulat, marahil itinituring bilang
pagsusulat na proto (Porma ng sulat ng Sinaunang Europeo), Naqada. Nasasakop ang
Mesopotamya ng malawak ng Fertile Crescent - isang rehiyon sa kanlurang asya na may
matabang lupain at angkop sa pagsasaka. Ito ay may hugis crescent ng buwan.[1].
Ang Mesopotamya , isinalin mula
sa Sinaunang Persiko na Miyanrudan “ang
Lupain sa pagitan ng mga Ilog”; sa
pangalang Aramaic na Beth-
Nahrain “Bahay sa Dalawang Ilog”), ay
isang lugar sa Timog-kanlurang Asya.Ito
ang Iraq at kanlurang Syria sa kasalukuyan.
Sa isang mahigpit na pananalita, ito ang
kapatagang alluvial na matatagpuan sa
pagitan ng mga ilog ng Tigris atEuphrates,
binubuo ng mga bahagi ng Iraq at Syria. Sa
mas pangkaraniwang gamit, kabilang sa
termino ang mga ilog kapatagan nito sa
kabuuan at kasama din ang mga
napapaligirang teritoryo ng Disyerto ng
Arabia sa kanluran at timog, ang Gulpo
Persiko sa timog-silangan, ang mga
Bundok ng Zagros sa silangan at mga
bundok ng Caucasus sa hilaga. Kilala ang
Mesopotamya bilang ang lugar ng ilang sa
mga pinakamakasaysayang kabihasnan o
sibilisasyon sa daigdig.
Unang nanirahan sa kapatagan ng Tigris-Euphrates ang mga
Sumerians. Ang kanilang pangunahing produkto ay trigo at barley.
Maunlad ang kanilang pamumuhay. Ziggurat kung tawagin ang
kanilang templo. Sila ay pinamumunuan ng paring-hari o patesi.
Cuneiform ang tawag sa sistema ng kanilang pagsulat. Ang
ginagamit naman nilang panulat ay ang stylus. Ang mahalagang
bagay naman na naiambag nila sa ating kasaysayan ay ang mga
gulong.
Ang sumerian ay isang grupo ng tao na tumira sa
mesopotamia. Ang mga Sumerian ang pinakaunang mayoryang
pangkat na nandayuhan sa Mesopotamia. Nagsimula sila sa mga
burol sa silangan. Nakihalubilo sila sa mga orihinal na pangkat ng
unang taong nakatira roon hanggang sa nakilinang ng kultura na
tinatawag na Sumerian. Maraming mananalaysay ang naniniwala
rito sapagkat marami silang mga naimbento na naging kapaki-
pakinabang sa kabihasnan.
Kontribusyon ng Sumerian:
Unang nakaimbento ng gulong at karwahe na hila ng asno
Paggatas ng baka, paghabi ng mga mamahaling lana at lino bilang kalakal
Nakaimbento ng unang paraan ng pagpapalitan — ang paggamit ng cacao
bilang pamalit ng kalakal
Nakaimbento ng unang unang sistema ng panukat ng timbang o haba
Unang lungsod-estado
Paggamit ng prinsipyo ng algebra at ang sistema ng pagbilang na nakabatay
sa 60
Kalendaryong lunar na may 12 buwan
Paggamit ng cuneiform at pagsulat sa luwad
Paggamit ng laryo na yari sa luwad (clay tablet)
Dome at vault sa arkitektura at inhenyeriya
Ziggurat(templo para sa mga diyos), rampa, paggawa ng dike
Pag-oopera
Pugon
Fraction at square root
Prinsipyo ng calculator
Unang organisadong pwersang paggawa
Unang gumamit ng hayop(toro) sa pag-araro
ANG MGA AKKADIAN

Ang Akkad (Sumeryo: Agade; Bibliya: Accad) ay isang dating lungsod at ang rehiyong
nakapalibot nito sa gitnang Mesopotamia. Kilala ang mga mamamayan ng Akkad
bilang mga Akkadiano. Naging kabisera din ang Akkad ng Imperyong Akkadiano at
sumunod ng hilagang bahagi ng sinaunang Imperyong Babilonyo.]Ang lungsod ay
maaring matatagpuan sa kanlurang pampang ng Eufrates, sa pagitan ng Sippar at
Kish (sa kasalukuyang Irak, mga 50 km sa timong-kanluran ng gitnang Baghdad). Sa
kabila ng malawakang paghahanap, hindi pa rin matagpuan ang tiyak na
kinaroroonan nito.
Kasaysayan
Ito ang kauna-unahang imperyo naitatag sa buong Asya. itinatag ito ni Haring Sargon
noong sirka 2350 BKE. Ang imperyo ay isang malaking estado na binubuo ng mga
kaharian at pinamumunuan ng isang tao na karaniwang tinatawag na emperador. Pinag-
isa ni Haring Sargon ang mga dating naglalabanang lungsod-estado at pinamahalaan niya
nang buong husay ang mga mamamayan nito bilang isang imperyo.[1] Nang mamatay si
Sargon, pinalitan siya ng mga mahihinang pinuno (katulad ni Haring Sargon II) na
nagbigay-daan sa pagbagsak ng imperyong Akkad.
Mga pamana at imbensyon
Sa ilalim ng mga naging kapalit ng unang Haring Sargon, napaunlad ng mga Akkadiano
ang sining ng pagsulat, at nagdisenyo sila ng unang mga pandigmang helmet na yari sa
tanso at katad.
Ang lupain ng Mesopotamia ay karaniwang nakalantad sa
pananalakay ng mga nomad at iba pang barbaro mula sa disyerto.
Ang mga pangkat na ito, na nagtagumpay sa kanilang pananalakay
ay nagtatag din ng mga estado sa lupain.
– Ang mga Akkadian ay pangkat ng mga taong Semitic na
pinamunuan ni Sargon I. Si Sargon I ang kinikilalang kauna-
unahang imperyo sa daigdig. pinuksa ni Sargon I ang
kapangyarihan ng mga Sumerian sa ilalim ni Lugal-zaggisi at pinag
isa ang buong Sumeria sa ilalim ng kanyang pamumuno. sakop ng
kanyang imperyo ang Fertile Crescent mula Elam, isang sinaunang
kaharian sa silangan ng Tigris. Ang Elam sa ngayon ay ang
kasalukuyang timog kanlurang Iran. Nang namatay si Sargon I, siya
ay pinalitan ng kanyang apo na si Naram-sin (2270-2233 B.C.E.) Ang
kaharian ay higit pang pinalawak ni NMaram-sin hanggang sa
masakop nito ang hilangang Assyria. Bunga nito, siya ay itinanghal
bilang “Hari ng Ika-apat na Bahagi ng Daigdig”.
PINAGMULAN NG SALITANG MESPOTAMIA
Ang mga kasulatan mula sa Mesopotamya (Uruk,
makabagong Warka) ay ilan sa mga kilalang pinakaunang
kasulatan sa daigidig, nagbibigay sa Mesopotomya ng
isang reputasyon sa pagiging “Duyan ng Sibilisasyon“.
Kapantay ng mga kasulatang Sumeryong ito angmga
hieroglyph ng Ehipto, at ilan sa mga mas matandang
kilalang sulat, marahil itinituring bilang pagsusulat
na proto (Porma ng sulat ng Sinaunang
Europeo), Naqada. Nasasakop ang Mesopotamya ng
malawak ng Fertile Crescent – isang rehiyon sa kanlurang
asya na may matabang lupain at angkop sa pagsasaka. Ito
ay may hugis crescent ng buwan.
Ang Kabihasnang
Mesopotamia

You might also like