You are on page 1of 2

Ang Sinaunang Kabihasnan sa Egypt

isang matandang kabihasnan sa silangang Hilagang Aprika, na matatagpuan sa mababang bahagi ng Ilog
Nilo na kung saan naroon ang kasalukuyang bansa na Ehipto. Nagsimula ang kabihasnan noong 3150 BC
kasama ang pampolitika na pagsasama ng Mataas at Mababang Ehipto sa ilalim ng unang paraon, at
umunlad sa mga sumunod na 3 milenyo.

Nile Delta dito nagsimula ang kaharian ng Egypt Abbyssinia (Ethiopia ngayon). Matatagpuan sa
Kanluran ng Fertile Crescent sumibol ang isang kabihasnan sa pampang ng Ilog Nile.

Ang madalas na pagbaha ng Ilog Nile taon taon ang nakapag-iiwan ng makapal na banlik na nagiging
matabang lupa. Ang kabuuan nito ang nakapagbuo ng hugis-tatsulok na lupain na tinawag na Nile Delta.
Natutong gumamit ng tanso ang mga tao rito.

Ang Pamahalaan ng mga Ehipsiyano (Pag-iisa ng Egypt)

Nahahati ang Egypt sa Upper Egypt at Lower Egypt.

Haring Menes – Pinagkaisa ang dalawang bahagi ng Egypt. Kinilala sya bilang kauna-unahang hari na
nag-isa sa Upper, Lower Egypt.

Djoser- ang naging unang hari ng Lumang Panahon na itinalaga ang kaniyang kabisera sa Memphis.

Theocracy- ang pamahalaan ng mga paraon (pharaoh).

Paraon- sila ay hari at diyos (God-King) na makapangyarihan tulad ng mga diyos sa kalangitan.

- Naniniwala sila na ang paraon ang nagpapasikat ng araw, kumokontrol ng pagbaha, at nagpapalago ng
mga pananim.

Taglay ang lakas militar, patuloy na pinalawak ng mga makapangyarihang paraon ang kanilang teritoryo
hanggang sa ito ay kilalaning isang imperyo.

Ang mga taong may ambag sa kanilang kaharian

Thutmose II (1492-1479 BCE) - Pinalawak niya ang imperyo hanggang sa ito ay umabot sa Euphrates.

Hatshepsut (1472-1458 BCE) Pinasigla niya ang kalakalan sa nasasakupang imperyo.

Thutmose III (1458-1425 BCE) - Natamo ng imperyo ang pinakamalawak na lupain sa kaniyang panahon.

Amenhotep III (1390-1352 BCE) - "Magnificent King" dahil natamo ng imperyo ang tugatog ng tagumpay
sa ilalim ng kaniyang pamumuno. Saksi sa pangyayaring ito ang naglalakihang mga gusali at templong
kaniyang ipinagawa.
Ramses II (1279-1213 BCE) - Sinakop niya ang Syria para sa imperyo hanggang sa makasagupa ang mga
Hittite sa Labanan sa Kadesh noong 1275 BCE.

Ang Lipunang Ehipsiyano

Pinakamataas na bahagi- Ang hari, reyna, at pamilya

Pangalawang Bahagi- Mga maykayang nagmamay-ari ng mga lupain, mga opisyal ng pamahalaan, mga
pari, at mga pinuno ng hukbo,

Gitnang antas - Binubuo ng mga mangangalakal at artisano.

Pinakamababang bahagi- piramide ay kinabibilangan ng pinakamaraming bahagi ng lipunan gaya ng mga


manggagawa at magsasaka.

You might also like