You are on page 1of 47

Ang Sinaunang

Kabihasnang sa Africa
ANG SINAUNANG
KABIHASNAN SA AFRICA
• Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak
ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang-silangang
bahagi ng Africa.
Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay mas
naunang nagsimula subalit masasabing mas
naging matatag ang kabihasnang yumabong sa
Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang
isang estado pagsapit ng 3100 B.C.E. at
nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong
milenyo.
ANG SINAUNANG
KABIHASNAN SA AFRICA
• Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan
sa Egypt bago pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile.
• Ang mga isinagawang paghuhukay sa Egypt ay patuloy na
nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol sa pinagmulan ng
kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, natuklasan ng mga
arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timog-ng
kanlurang bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan.
• Tinatayang naroroon na ang paninirahang bago
pa sumapit 8000 B.C.E. Sinasabing maaaring ang
mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang
nagpasimula sa kabihasnang Egyptian sa
Lambak ng Nile.
HEOGRAPIYA NG egypt

• Sa pag-unawa sa heograpiya ng
sinaunang Egypt, mahalagang
tandaang ang tinutukoy na
Lower Egypt ay nasa bahaging
hilaga ng lupain o kung saan
ang Ilog Nile ay dumadaloy
patungong Mediterranean Sea.
• Samantala, ang Upper Egypt ay nasa
bahaging katimugan mula sa Libyan Desert
hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na
may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba
ay dumadaloy mula katimugan patungong
hilaga.
HEOGRAPIYA NG egypt

• Noon pa mang unang panahon,


ang Egypt ay tinawag na bilang
The Gift of the Nile dahil kung
wala ang ilog na ito, ang buong
lupain nito ay magiging isang
disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na
ito ang bahaging hilagang-
silangan ng disyerto ng Africa.
HEOGRAPIYA NG egypt

• Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na


pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-
apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon.
• Ang pagbahang idinudulot ng
Nile ay nahinto lamang noong
1970 nang maitayo ang Aswan
High Dam upang makapagbigay
ng elektrisidad at maisaayos
ang suplay ng tubig.
HEOGRAPIYA NG egypt
• Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng
Nile ay nagbigay-daan upang makapagtanim ang mga
magsasaka sa lambak-ilog.
Ang tubig-baha ay nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at
nag- iiwan ng matabang lupain na mainam para sa pagtatanim.
HEOGRAPIYA NG egypt
• Ang mga magsasaka ay kaagad
nagtatanim sa pagbaba ng
tubig-baha. Ang putik na dala
ng ilog ay unti-unting naiipon
sa bunganga ng Nile sa hilaga
upang maging latiang
tinatawag na delta.
Ang lugar na ito ay nagging tahanan ng mga ibon
at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig mula rito
para sa mga lupang sakahan.
HEOGRAPIYA NG egypt
• Upang maparami ang kanilang
maaaring itanim bawat taon,
ang mga sinaunang Egyptian ay
gumagawa ng mga imbakan ng
tubig at naghukay ng mga kanal
upang padaluyin ang tubig sa
kanilang mga lupang sinasaka.
Ang ganitong mga proyekto ay nangangailangan ng malaking
bilang ng mga manggagawa, sapat na teknolohiya, at
maayos na mga plano. Ang pagtataya ng panahon kung
kailan magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din
sa mga panahong ito.
HEOGRAPIYA NG egypt
• Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile
ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay noong
mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay
ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa
pampang ng ilog.
Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang
bahagi ng ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt
sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay. Dahil
dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay nang
mapayapa at masagana sa loob ng mahabang panahon.
• Ang mga eskribano ayKABIHASNANG EGYPTIAN
nakapaglinang din ng kanilang
sariling sistema ng pagsulat na
tinatawag na hieroglyphics o
nangangahulugang “sagradong
ukit” o hieratic sa wikang
Greek.
Ang sinaunang
panulat na ito ay
naging mahalaga
sa
pakikipagkalakala
n at pagtatala ng
mga pangyayari
Ang mga kahanga- KABIHASNANG EGYPTIAN

hangang pyramid o
piramide ng Egypt na
itinayo sa panahong ito
ay nagsilbing mga
monumento ng
kapangyarihan ng mga
pharaoh at huling
hantungan sa kanilang
pagpanaw.
Ang pagtatayo ng mga ganitong
uri ng estruktura ay nangailangan
ng husay mula sa mga
arkitektong nagdisenyo at
sakripisyo naman mula sa libo-
libong taong nagtayo nito.
Ang ilan sa
halimbawa nito ay
ang Great Pyramid ni
Khufu o Cheops sa
Giza na naitayo noong
2600 B.C.E. Ito ay may
lawak na 5.3 ektarya
at may taas na 147
metro.
Makalipas lamang ang dalawang siglo,KABIHASNANG EGYPTIAN
nahinto ang pagtatayo ng mga piramide. Sa
kabuuan, tinatayang may 80 lokasyon ang
pinagtayuan ng mga piramide sa Egypt
subalit ang karamihan sa mga ito ay
gumuho na.
•Ang mga piramide ang
tanging estrukturang
Egyptian na nananatili
sa kasalukuyang
panahon. Kabilang ito
sa tinaguriang Seven
Wonders of the
Ancient World na
itinala ng mga Greek
na pinakamagandang
arkitektura sa Mundo.
KABIHASNANG EGYPTIAN

• Noong 1878 B.C.E.,


ipinagpatuloy ni Senusret o
Sesostris III (1878-1842 B.C.E.)
ang kampanyang militar sa
Nubia. Sa una ring pagkakataon,
tinangka niyang palawakin ang
kapangyarihan ng Egypt
hanggang Syria.
KABIHASNANG EGYPTIAN

Ang pinakamahusay na
pinuno ng panahong ito ay si
Amenemhet II (1929-1895
B.C.E.) na namayani sa loob
ng 45 taon.
KABIHASNANG EGYPTIAN

Si Reyna Hatshepsut (1503-1483 B.C.E.), asawa ni Pharaoh


Thutmose II (1518-1504 B.C.E.), ay kinilala bilang isa sa
mahusay na babaing pinuno sa kasaysayan.
Siya ay nagpagawa ng mga templo at nagpadala ng mga
ekspedisyon sa ibang mga lupain.
Sa kaniyang
pagkamatay, lalo pang
pinalawig ni Thutmose
III (1504-1450 B.C.E.),
anak ni Thutmose II,
ang Imperyong Egypt.
KABIHASNANG EGYPTIAN

Isa sa mga tanyag na pharaoh


noong ika-14 na siglo B.C.E. ay si
Amenophis IV o Akhenaton (1350-
1334 B.C.E.). Tinangka niyang
bawasan ang kapangyarihan ng
mga pari sa pamahalaan. Tinangka
rin niyang baguhin ang paniniwala
ng mga tao ukol sa pagsamba sa
maraming diyos.
Pinasimulan niya ang bagong
relihiyon na nakatuon sa pagsamba
sa iisang diyos, si Aton, na
sinasagisag ng araw. Sa
kasamaang-palad, hindi tinangkilik
ng mga pari ang ganitong
pagtatangka. Sa pagkamatay ni
Akhenaton, tuluyang nawala ang
kaniyang sinimulan.
•Siya ay pinalitan ni
Tutankhamen
(1334-1325 B.C.E.)
na noon ay siyam
na taong gulang pa
lamang nang
maupo sa trono.
KABIHASNANG EGYPTIAN

Ang Ika-19 na Dinastiya


ay pinasimulan ni
Rameses I (1293-1291
B.C.E.).
KABIHASNANG EGYPTIAN

Siya ay sinundan nina Seti I


(1291-1279 B.C.E.) at
Rameses II (1279-1213
B.C.E.).
KABIHASNANG EGYPTIAN

• Pinaniniwalaang ang
Exodus ng mga Jew mula
Egypt ay naganap sa
panahon ni Rameses II.
Muli na namang humina
ang pamamahala sa Egypt
sa kaniyang pagpanaw.

You might also like