You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 8

REVIEWER
Klasikong kabihasnan ng Greece
CRETE- islang pinagsimulang kabihasnang Greece
MINOAN- Unang kabihasnang umusbong sa Crete.
HARING MINOS- mala Alamat na hari na pinaghanguan ng kabihasanang Minoan
MINOA- katawagan sa mga mamamayan ng Minoan
LINEAR A- Uri ng wika na ginagamit ng mga Minoans.
KNOSSOS- Tanyag na palasyo sa Minoa ayon kay Homer.
HOMER- bulag na mananalaysay ng Odyssey.
MINOTOUR- nilalang na kalhating tao at kalahating toro, sinasabing nakatira sa ilalim ng Knossos.
FRESCO- Uri ng pagpipinta sa mga pader ng Knossos, karaniwang mga mga lamang dagat ang tema.
ARTHUR EVANS- arkiyologong nakatuklas ng Knossos.
MYCANEAN- kabihasnang nagpabagsak sa Minoa
LINEAR B- Uri ng Wika
MYCENEA- katawagan sa mga mamamayan .
Sinasabing pinagpatuloy lamang ng mga Mycenea ang kultura ng mga Minoans.
POLIS- mga lungod-estado na may sariling pamahalaan at batas
ACRO=POLIS- pinakamataas na lugar sa mga Polis.
PARTHENON- estrukturang sentro ng pagsamba ng mga Griyego.
AGORA- pamilihang bayan sa mga Polis at lugar kung saan nagaganap ang mga pagtitipon ng mga
mamamayan.
SPARTA- Mandirigmang Polis
ATHENS- Demokratikong Polis at pinagmulan ng mga sina un ang kaaalaman sa iba’t-ibang laranagan.
Sinasabing ang digmaang Peloponnesian ang dahilan ng pagbagsak ng Kabihasnang Greece dahil
nagkawatak watak ang mga lungsod-estado.
ALEXANDER THE GREAT- dakilang Emperador ng Macedonia na sumakop sa mga ibat ibang panig
ng Aprika at Asya.
KLASIKONG KABIHASNAN NG ROME
ITALY- Bansang nakasasakop sa Rome.
REMUS- Sinasabing pinagmulan ng Rome ayon sa Alamat.
REPUBLIKA- Uri ng pamahalaan ng Rome.
KONSUL AT PRAETOR- 2 taong namamahala sa Rome.
PATRICIAN- Mga taong mayayaman at maimpluwensya sa Rome. Karaniwan sila din ang namamahala
sa Republika.
PLEBIAN- Karaniwang tao sa Rome kadalasan mga magsasaka ang karamihan sa kanila.
DIGMAANG PUNIC- Serye ng Digmaan ng Rome at Carthage. Sinasabing ito ang nagpatanyag at
nagpalakas sa kapangyarihan ng Rome sa buong kontinente ng Europe.
JULIUS CAESAR, POMPEY, MARCUS CRASSUS- Unang mga pinuno na nagtatag ng Triumvirate.
Sinasabing sa kanilang 3 nagsimulang mapalawak ng Rome ang kanilang teritoryo bilang isang imperyo.
Julius Caesar- Unang diktador ng Rome na nangangahulugang pinaka-makapangyarihan.
Marcus Brutus-. Matalik na kaibigan ni Julius Caesar na siya ring pumatay sa kanya sa gitna ng
pagpupulong ng Asembleya.
IKALAWANG TRIUMVIRATE- Binubuo nina MARK ANTHONY, MARCUS LEPIDUS AT
OCTAVIUS.
OCTAVIUS- sa kanyang pamamhala nakamit ng Rome ang 200 taong katahimikan na tinatatawag
sa kasaysayan ng PAX ROMANA.
Sinasabing ang pagbagsak ng Rome ay bunga ng labis na salapi na pumasok sa kanilang bayan na
pinag-ugatan ng maraming pagnanakaw sa mga pinuno. Dahil dito Madali silang natalo ng
kanilang mga kaaway, tulad ng mga BARBARONG FRANK.
KLASIKONG KABIHASNAN NG APRIKA, AMERICA, AT MGA PULO SA PACIFIC.
APRIKA- kahariang Axum ang unang naitatag sa kontinente, ito ay nasa pagitan ng Egypt at
Anotolya na ngayon ay Turkey.
GHANA- Naitatag sa Kanluran ng Aprika
MALI- nagmula sa Estado ng kangaba sa pamumuno ni SUNDIATA KEITA.
MANSA MUSA- nagpalawak ng terirtoryo ng kabihasnang Mali. Siya rin ang nagpatayo ng mga unang
MOSQUE sa Aprika.
IMPERYO NG SONGHAI- unang kabihasnan sa Aprika na nakikipagkalakalan sa mga Berber.
DIA KOSSOI- hari ng Songhai na tumanggap ng relihiyong Islam.
HARING SUNNI ALI- bumawi sa imperyong songhai sa kamay ng Mali, sa ilalim ng kanyang
pamumuno ay lumawak ang imperyong Songhai mula 1461hanggang 1492.
Sistema ng kalakalan ang naiambag ng mga kabihasnang Aprika sa pandaigdigang kamalayan.
AMERIKA-
KABIHASNANG MAYA-namayanai sa Yucatan peninsula. Pinamumunuan sila ng HALACH UINIC
na nagangahulugang tunay na lalaki.
PYRAMID NG MGA MAYAN- di tulad ng mga Egyptians, ang pyramid ng mga Mayan ay may altar sa
tuktok bilang tandan a ang pyramid ay sentro ng kanilang pamsamba sa kanilang diyos na KUKULCAN
ang tinaguriang god of the feathered serphet.
Sinasabing ang palagiang pakikidigma at di pagkakasundo n g mga lungsod estado ng mga Mayan
ang dahilan ng kanilang pagbagsak.
KABIHASANANG AZTEC- nagmula sa AZTLAN noong 1200CE -1521CE.
HUITZILOPOCHTLI- diyos ng araw na tinuturing na pinaka mahalagang diyos sa kabihasang Aztec.
Sinasabing nag-aalay ng tao ang mga taga Aztec upang maging malakas ang kanilang diyos, karaniwan
na mga bihag sa digmaan ngunit paminsan minsan ay may mga tag ana nagkukusang loob upang ialay
ang kanilang sarili.
HERNANDO CORTEZ- Conquistidor ng Espanya ang dumating Aztec upang sakupin ito. Ito rin ang
dahilan ng pagbagsak ng mga taga Aztec.
KABIHASNANG INCA- ANG salitang Inca ay nanganaghulugang Imperyo.
MANCO CAPAC-pinuno na nagpalawak ng teritoryo ng mga Incan, tulad ng Peru, Bolivia, at
Argentina.
PACHAKUTI- pinatatag niya ang isang sentralisadong estado.
TOPA YUPANGUI- pinalawig niya ang imperyo ng Inca hanggang hilagang Argentina at Chile.
FRANCISCO PIZARRO- sumakop sa imperyo ng Inca.
Sinasabing ang tunggalian sa pamumuno at kawalang tiwala sa mga pinuno ang dahilan ng
pagbagsak ng Inca, higit sa lahat ang malawak ng na sakop ng inca na malayo sa sentrong
pamamahala ng Cuzco ang tuluyang pagbagsak nito.
MGA KABIHASNANG UMUSBONG SA PULO SA PASIPIKO
POLYNESIA- poly- marami, nesia- pulo
TOHUA- sentro ng pamayanan sa Polynesia karaniwang itong nasa gilid ng mga bundok na
pinagdadausan ng mga ritwal at pagpupulong.
MANA- pinaniniwalaang pinagmumulan ng kanilang lakas. Upang maiwasan mawala ang mana
kailangang sumunod sa mga batas.
1. Bawal pumasok sa isang banal na lugar ang pangkaraniwang tao.
2. Ang sinaunang kababaihan sa Maruesas ay hindi maaring sumakay sa bangka.
3. Bawal makihalubilo ang mga kalalakihang makikipaglaban sa digmaan at pili lamang ang
kanilang kakainin.
TAPU- ito ang tawag sa mga probisyon na pinagbabawal gawin upang hindi mawala ang bisa ng Mana.
MICRONESIA- micro- maliit, nesia-pulo
Malapait sa mga lawa at dagat dagtan ang mga unang kabihasnan sa Micronesia, ito ay upang
mapadali ang kanilang mga paglalayag at makai was sa mga bagyo.
STONE MONEY- ito ang ginagamit nil ana pambili ng kanilang mga produkto.
ANIMISMO- uri ng relihiyon ng mga Micronesian kung saan inaalay nila ang kanilang unang ani sa
kanilang diyos.
MELANESIA- mela-itim, nesia =pulo
Ang mga mamamayan dito ay hinuhubog upang maging mandirigma. Ang pamamaraan sa
kanilang pagpili ng pinuno ay sa tagumpay sa mga digmaaan. Hinuhubog ang kanilang kultura sa
pamamagitan ng katapangan, karahasan, paghihiganti at karangalan.
GITNANG PANAHON, MEDIEVAL PERIOD O MIDDLE AGES
PAGBAGSAK NG IMPERYONG ROMA- sinasabing nag pagbagsak ng Roma ang pasimula ng
Gitnnag panahaon.
MGA BARBARONG FRANK- ang mga taga- France ang tuluyang nagpabagsak sa imperyong Rome sa
pangunguna ni ni Clovis. Lahat ng estruktura, kasulatan at kabuhayan sa loob ng Rome ay kanilang
winasak, maliban sa mga Simbahan.
CLOVIS- unang hari ng barbarong Frank ang yumakap sa relihiyong Kristiyanismo.
CHARLEMAGNE- unang Emperador ng banal na imperyo ng Rome
PYUDALISMO- ideyang pamamahagi ng lupa ng hari sa kanyang mga kamag- anak o mga tapat na
kabalyero
MANORYALISMO- isang uri ng Lipunan kung saan itinuturing na lupa ang pinaka kayamanan ng isang
lugar.
LORD- tawag sa mga taong nag mamay-ari ng lupa, o panginoong may lupa.
Vassal- tawag sa mga piangkalooban ng lupain ng lord.
Bourgeoise o burgis- mga mangangalakal na yumaman sa pamamagitan ng pangangalakal at hindi
umasa mga lupa ng hari.
GUILD- sistemang pang ekonomiya upang mapanatili ang kaayusan sa pagitan ng namumuhunan
at mga manggagawa.
Bangko- nagpatupad ng pagpapautang sa mga mangangalakal upang magpasimula o magpatuloy
ang kanilang pangangalakal.
Merchnat- katawagan sa mga bumubili o nagbebenta ng produkto.
Artisan- katawagan sa mga taong may mataas na kaalaman sa sining o paggawa ng mga disenyo ng
mga kagamitan sa Negosyo o tahanan.

You might also like