You are on page 1of 54

ANG MGA KLASIKONG

KABIHASNAN SA
EUROPA

KHRISTINE JOYCE A. RENIVA


MGA PAKSA
• Ang Kabihasnang Minoan
• Ang Kabihasnang
Mycenean
• Ang Klasikong
Kabihasnang Greece
Ang Klasikal na Gresya
• Ang Gresya ay itinuturing na “Sinilangan ng
Kanluraning Sibilisasyon” dahil sa kakaibang
kulturang nalinang na naging batayan ng mga taga-
Kanluran.
• Ang Gresya ay isang peninsula. Ang malaking
bahagi ng Gresya ay bulubundukin. Ang ganitong
katangian ay nakasagabal sa pakikipagtalastasan
nito sa iba’t ibang lungsod-estado.
• Marami sa mga Griyego ay mangingisda, marino, at
mga mangangalakal. Naging mahusay na
manlalakbay ang mga Griyego dulot ng malawak na
katubigang nakapalibot sa kanilang bansa.
Ang Klasikal na Gresya
• Ang iba naman ay mga magsasaka, lalo na
yaong mga nakatira sa mga sakahang
pamayanan. Ang bulubunduking bahagi ay
hindi magandang taniman ngunit ang
katamtamang klima nito ay magandang
pagtaniman ng wheat, barley, oliba, at ubas.
• Kalaunan ay nabuo ang mga polis na isa sa mga
pangunahing salik sa paghubog ng Kabihasnang
Helleniko. Tinatawag na polis ang pamayanan
sa matandang Gresya. Ang polis ay salitang
Griyego para sa city-state o lungsod-estado.
Ang Kabihasnang Minoan

Lungsod ng
Knossos
Ang Kabihasnang Minoan
• Ang Crete at ang Greek Peninsula ang sinasabing
lunduyan(SENTRO) ng kabihasnang Kanluranin.
• Ang unang kabihasnang nabuo sa Crete ay tinatawag
na Minoan
• hango sa pangalan ng tanyag na hari ng pulo, si Minos.
• Ayon sa mito, si Minos ay anak ni Zeus, hari ng mga
diyos, at ni Europa, isang nilalang mula sa Europa.
(Europa, the daughter either of Phoenix or of Agenor,
king of Phoenicia. The beauty of Europa inspired the
love of Zeus, who approached her in the form of a
white bull and carried her away from Phoenicia to
Crete. There she bore Zeus three sons: Minos, ruler
of Crete; Rhadamanthys, ruler of the Cyclades
Islands; and, according to some legends, Sarpedon,
ruler of Lycia. )
Mga tanong:

• Saan umusbong ang Kabihasnang Minoan?


• Ano ang kahalagahan ng kabihasnang ito sa mga
Kanluranin?
• Bakit tinaguriang Kabihasnang Minoan ang
pinakaunang kabihasnang nabuo sa Crete?
HARING MINOS
ZEUS AND EUROPA
• Ang mga ninuno ng mga taga-Crete ay
nanggaling sa Anatolia at Syria.
• Dumating sila sa Crete sa pagitan ng 4000 at
3000 B.C.E.
• Nanirahan sila sa mga kuweba noong una
ngunit natuto ring gumawa ng mga payak na
tirahan.
• Batay sa kanilang mga kagamitan at sandatang
binuo ng mga kiskisang bato (flint stones),
neolitiko ang antas ng kanilang teknolohiya.
ANG LUNGSOD NG KNOSSOS
• Ang mga Minoan ay may mataas na
antas ng kalinangan sa larangan ng
arkitektura at mayroong mahuhusay
na inhinyero. Bilang patunay dito ang
nahukay na lungsod ng Knossos.
SIR ARTHUR EVANS
Sir Arthur Evans
• Noong 1899, nagsagawa si Sir Arthur Evans, isang
English na arkeologo, ng paghuhukay sa Knossos sa
isla ng Crete. Ito ay isang sinaunang lugar na binanggit
ni Homer sa kanyang mga akdang Iliad at Odyssey.
• Natagpuan niya ang mga gumuhong labi ng isang
malaking palasyong yari sa makinis na bato. Maraming
palapag ang palasyo at ang mga pasilyo nito ay
tinutukuran ng mga haliging kahoy. Ang mga hagdanan
ay malapad at yari sa pino at puting gypsum. Ang mga
dingding nito ay napapalamutian ng makukulay na
fresco.
Mga tanong:
• Sinong Amerikanong arkeologo ang
nagpasagawa ng paghuhukay at nakatuklas ng
lungsod ng Knossos?
• Saang akda nabanggit ang tungkol sa lungsod
ng Knossos?
• Ilarawan ang lungsod ng Knossos.
• Tinatayang anong panahon nabuo ang
tinaguriang lungsod ng Knossos?
HOMER
ILIAD AND
ODYSSEY
The Iliad, set during
the Trojan War, tells
the story of the wrath
of Achilles.
The Odyssey tells the
story of Odysseus as
he travels home from
the war.
Reaction Paper
• A reaction paper is a written assignment
that provides a personal opinion
regarding a given piece of work. The
paper should include a summary of the
work, but the main focus is your
thoughts, feelings, and rationalizations
about what's discussed in the original text.
Reaction Paper
Parts of your reaction paper
Part 1: The introduction and summary
• The first part of your paper will include a quick,
objective summary of the work you're reacting
to. It should include the author's name and the
title of the piece as well as the publication date.
The summarization itself should be a highlight
reel of the main points and a condensed
explanation of the key supporting elements.
Reaction Paper
Part 2: Your thoughts, feelings ,and opinions
• The second part of the paper is where you express
your opinions on the key points of the work,
supported by reliable sources. For each point in
your reaction, circle back to reference the
corresponding part in the original piece. This is
your analysis, the most important section of this
paper. Your reactions can answer a question
relating the work to real-life situations in society,
they can respond to the emotions evoked in you
when you read/watched it or they can articulate
how the original work shifted or solidified your
perspective on the subject.
Reaction Paper
Part 3 & 4: Your conclusion & List of citations and
sources
• Your evaluation should discuss the accuracy,
organization, importance a,nd completeness of the
work. This is where you'll take a stance on whether
you recommend this work to others and the
reasons for your answer. Your conclusions should
be presented concisely and reiterate your thesis
and the main points that took shape as you wrote.
Finally, your cited sources should be listed
according to the writing style you're using (MLA,
APA).
GYPSUM FRESCO
• Ang fresco ay larawang mabilisan subalit
bihasang ipininta sa mga dingding habang
basa pa ang plaster upang kumapit ng
husto sa pader angmga pigment ng metal
at mineral na oxide.
• Mayroon ding drainage o sistema ng
paagusan ng tubig sa silong ng palasyo. Isa
sa mga silid nito ay may sariling paliguan at
palikuran.
• Maganda ang pagkakagawa ng palasyo dahil
ang mga Minoan ay marunong maglilok sa
bato gamit ang mga kasangkapang gawa sa
tanso.
• Natutuhan nilang magtayo ng paagusan ng
tubig upang masolusyunan ang pagbaha
kapag bumubuhos ang malakas na ulan sa
Crete tuwing panahon ng taglamig.
• Ang paagusan ng tubig ay ginagamit din nila
upang imbakin ang tubig-ulan para sa
panahon ng tag-init.
• Ang kabisera ng kabihasnang Minoan
ay ang Knossos na matatagpuan sa
hilagang bahagi ng pulo. Lahat ng mga
daan sa Crete ay nagtatapos sa
Knossos.
• Ang iba pang mahahalagang lugar ng
kabihasnang Minoan sa Crete ay ang
Phaestos, Gournia, Mallia at Hagia
Triadha.
SISTEMA NG PAGSULAT
• Nang hukayin ni Evans ang palasyo ng Knossos, marami
siyang natagpuang lapida na gawa sa luwad.
• Dalawang uri ng sistema ng pagsulat ang nakita ni Evans sa
mga lapida.
• Tinawag niya ang mga ito bilang Linear A at Linear B.
• Pinatunayan ito ni Michael Ventris, isang cryptologist at ni
John Chadwick, isang classical scholar, na ang Linear A ay
ang sistema ng pagsulat ng mga Minoan.
• Ito ay hindi pa naiintindihan at nababasa hanggang ngayon.
• Samantala, ang Linear B na pinaniniwalaang sistema ng
pagsulat ng mga Mycenaean ay naintindihan na.
KALAKALAN SA IBAYONG DAGAT
• Yumaman ang Crete dulot ng kalakalan sa ibayong dagat.
Magagaling na mandaragat ang mga taga-Crete.
• Mayroon silang mga produktong maaaring ipagbili sa ibang
lugar tulad ng mga palayok na gawa sa luwad at mga sandata na
gawa sa tanso.
• Ipinagpapalit nila ang mga ito sa ginto, pilak, at butil-pagkain.
• Ang Crete ay mabato at maliit na pulo lamang. Wala itong
matatabang lambak at kakaunti ang mga kapatagan.
• Ang mga produktong pangkalakal ng Crete ay nakarating sa iba
pang pulo sa Aegean Sea, sa Greece, sa Cyprus,sa Syria at sa
Egypt.
• Lumawak ang kalakalan ng Crete sa ibayong dagat sa tulong ng
isang makapangyarihang plota o fleet.
ANG SINING NG MINOAN
• Ang sining ng pagpipinta ay ipinakita ng mga
Minoan sa dalawang larangan – sa mga
fresco at mga palayok.
• Isang laganap na paksa ng mga fresco sa
mga dingding sa palasyo ng Knossos ay ang
bull dancing. Ito ay ang ritwal ng pagsunggab
ng mga binata at dalaga sa sungay ng toro at
paglukso o pagsirko sa likod nito. Ang ritwal
ay maaaring nagmula sa Alamat ng minotaur
Alamat ng Minotaur
• Ayon sa alamat, si Haring Minos ay naghahandog ng
mga bihag kay Minotaur, isang dambuhala na may ulo
ng toro at katawan ng tao na nakakulong sa silong ng
palasyo ng Knossos.
• Sinasabing ang mga handog na ito ay ipinagkaloob ni
Aegeus, hari ng Greek, kay Minos bilang tributo.
• Marami ang nagsumikap na pumunta sa silong upang
hanapin at patayin ang Minotaur ngunit walang
nagtagumpay.
• Upang masiyahan si Minotaur, ipinag-utos ni Haring
Minos ang pag-aalay taon-taon ng pitong lalaki at
dalaga.
MINOTAUR
• Tanging si Theseus ang nakapatay sa Minotaur.
• Matagumpay rin siyang nakalabas sa
nakahihilong sanga-sangang pasilyo ng silong ng
palasyo.
• Sinunod niya ang payo ni Ariadne, anak na
dalaga ni Haring Minos, na magtali ng sinulid
sa pintuan ng silong at iladlad ang sinulid sa
kanyang dinaraanan.
• Pagkatapos patayin ang Minotaur, sinundan ni
Theseus ang sinulid upang madaling
matagpuan ang daan pabalik sa pinto ng silong.
• Bukod sa fresco, ang paggawa ng palayok ay
isang sining na lumaganap kasabay ng
pagpapatayo ng magagarang palasyo. Ang
karaniwang disenyo ng palayok ay mga bagay na
nakikita sa kapaligiran tulad ng mga bulaklak.
• Subalit higit na naging tanyag ang disenyong
pandagat dulot na rin ng kahalagahan ng dagat
sa kanilang buhay. Ang karaniwang ipinipinta sa
mga palayok ay mga dolphin, sea urchin, at
octopus.
• Sa kanilang paglalayag at pangangalakal,
tinanggap ng mga Minoan ang
impluwensiya ng Egypt sa kanilang sining.
• Ilan sa mga ito ay ang double axe, ang
figure-of-eight shield, at ang trident.
Bagama’t ang mga simbolong ito ay hindi
naging mahalaga para sa mga Egyptian
sapagkat hindi makikita ang mga ito sa
kanilang mga templo at mga libingan,
itinuring ng mga Minoan na banal ang mga
ito.
• Ang double axe ay nakaukit sa mga banal na
haligi sa Crete at ginagamit sa mga
panrelihiyong ritwal. Ang figure-of-eight shield
ay bahagi sa disenyo ng mga fresco sa mga
pader at ginagamit ng mga mandirigma.
• Noong lumaganap ang sining ng Minoan sa
Mycenae, ang disenyong ito ay inukit sa mga
punyal ng mga Mycenae.
• Nang maglaon, ang trident ay naging simbolo ni
Poseidon, ang diyos ng karagatan, samantalang
ang double axe ay naging simbolo ni Zeus,
POSEIDON
• Ang relihiyong Minoan ay nakasentro
sa pagsamba sa isang Mother
Goddess o Diyosang Ina na
pinaniniwalaan na ugat ng lahat ng
buhay.
KABIHASNANG MYCENAEAN
• Ang mga Mycenaean ay nagmula sa pamilyang Indo-
European. Ang mga Indo-European ay nagmula sa
lupain ng kasalukuyang Iran at Afghanistan
• Nandayuhan sa Europe, India at iba pang bahagi ng
Kanlurang Asya.
• Noong 1900 B.C.E., nandayuhan ang mga Mycenaean
sa Greece kung saan sila nagtatag ng kanilang mga
sariling lungsod.
• Noong 1400 B.C.E., sinalakay nila ang Knossos at iba
pang mga lungsod sa Crete at tinapos ang paghahari ng
kabihasnang Minoan sa Aegean Sea.
• Mga Achaean ang tawag ni Homer sa kanila.
• Ipinagpatuloy ng mga Mycenaean ang kalakalan
ng Crete sa Aegean Sea.
• Yumaman at naging makapangyarihan ang mga
Mycenaean nang lumipat sa kanilang kamay ang
pamumuno ng kalakalan sa Aegean Sea.
• Samantala, nabuo ang isang Mycenaean na
malaki ang hiniram mula sa mga Minoan
• Ayon sa Iliad, ang mga Mycenean ay gumawa ng isang higanteng
estatwang kahoy na kanilang iniwan sa labas ng Troy.
• Isa itong handog kay Athena, ang diyosa ng karunungan at
digmaan na pinapahalagahan ng mga taga-Troy.
• Hinandog din ito bilang simbolo ng pagtagumpay ng Troy
mula sa mga Mycenean.
• Sa pag-aakala na umalis na ang mga Mycenean, ipinasok ng mga
taga-Troy sa kanilang lungsod ang Trojan Horse, lingid sa
kanilang kaalaman ang laman ng estatwa ay naglalaman ng mga
sundalong Mycenean.
• Binuksan ng mga ito ang tarangkahan ng lungsod at nakapasok
ang marami pa nilang kasamahang sundalo. Naganap ang isang
madugong labanan kung saan natalo ang mga taga-Troy.
FALL OF TROY
ANG MGA LUNGSOD NG
MYCENAE AT TROY
• Ang mga Mycenaean ay nagtayo ng mga lungsod na
napalilibutan ng malalaki at matitibay na pader. Sa
loob ng mga pader na ito ay ang palasyo ng hari.
• Ang piinakamalaki s a mga lungsod na ito ay ang
Mycenae na matatagpuan malapit sa kapatagan ng
Argos.
• Si Agamemnon ang pinakatanyag na hari ng
Mycenae.
• Ang mga guhong labi ng Mycenae ay sinimulang
hukayin ni Heinrich Schliemann noong 1870.
Heinrich Schliemann
• Ang Troy ay lungsod na matatagpuan sa Turkey
malapit sa Hellespont.
• Yumaman at naging makapangyarihan ang Troy dahil
sa lokasyon nito.
• Ang Troy ay matatagpuan sa baybayin ng
Mediterranean Sea kung saan kaya nitong pigilan ang
mga barko ng mga Mycenaean na nakikipagkalakalan
sa Aegean Sea at Black Sea at sumingil ng mataas na
buwis.
• Noong una, kinubkob ng mga Mycenaean ang Troy
ngunit sila ay nabigo dahil sa matitibay na pader nito.
• Sa kalaunan, ang Troy ay bumagsak din sa kamay ng
mga Mycenaean
• Ang pagkabihag ng Troy sa ikinuwento ni
Homer sa Iliad.
• Si Homer ay isang bulag na makata na
nabuhay sa Asia Minor noong ikawalong
siglo. Ang
• Iliad ay isang epiko tungkol sa naganap na
labanan at umiinog sa kuwento ni Achilles,
isang mandirigmang Greek, at ni Hector,
isang prinsipeng Trojan.
KULTURANG MYCENAEAN
• Mayaman at maunlad ang kabihasnang
Mycenaean.
• Ito ay pinatunayan ng kanilang mga maskara,
palamuti at sandata na yari sa ginto.
• Ang mga libingan ng mga hari nito ay
naglalaman ng ginto at magagandang palayok.
• Malalaki at matitibay rin ang kanilang mga
palasyo.
• Ang mga Mycenaean ay naniniwala sa isang
makapangyarihang diyos, si Zeus, na naghahari
sa isang pamilya ng mga diyos at diyosa.
• Bumagsak ang kabihasnang Mycenaean ilang
taon pagkatapos ng ika-13 siglo B.C.E.
• Isa sa mga sinabing dahilan nito ay ang
malawakang pakikipaglaban ng Mycenaean sa
isa’t isa.

You might also like