You are on page 1of 1

PANGALAN: ________________________________________ PETSA: Ika - _____ ng ______________ taong _____

BAITANG AT SEKSYON: _______________________________ ISKOR:


PAKSA: Kabihasnang Minoan, Mycenaean at Kabihasnang
Klasiko ng Greece ____________________________________
LAYUNIN: Nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenaean at
kabihasnang klasiko ng Greece.
YOUTUBE LINK: https://www.youtube.com/watch?v=0n5tAhgOnAs&list=PLZ-wXb_ISvXxst1DYa_uRUyfiDIfdPSpA
==================================================================================================
GAWAIN BILANG: ______
==================================================================================================
PANUTO: Bilugan ang tiktik ng tamang sagot.
1. Bakit nagwakas ang Kabihasnang Minoan?
a. Nang salakayin ang Knossos ng mga di nakilalang mga mananalakay na sumira at nagwasak sa buong
pamayanan.
b. Nang salakayin ang Minoan ng mga taga-Sparta.
c. Nang magkaroon ng mahinang pinuno ang Kabihasnang Minoan.
d. Nang masira ang kabisera ng Minoan dahil sa pagsalakay ng Sparta.
2. Ano ang tawag sa kauna-unahang sibilisasyon sa Aegean?
a. Minoan b. Crete c. Knossos d. Minos
3. Kailan nagsimula ang sibilisasyon sa Aegean?
a. 1300 BCE b. 3100 BCE c. 1002 BCE d. 3102 BCE
4. Kanino ibinatay ang pangalan ng Kabihasnang Minoan?
a. Haring Knossos b. Haring Ionian c. Haring Minoan d. Haring Minos
5. Alin sa mga sumusunod ang pangkat ng tao sa lipunan ng Kabihasnang Minoan?
a. Maharlika at alipin c. Maharlika, mangangalakal at magsasaka
b. Artisan at mangangalakal d. Maharlika, mangangalakal, magsasaka at alipin
6. Ito ang sentro ng Kabihasnang Mycenaean.
a. Crete b. Knossos c. Mycenaea d. Mycen
7. Anong pangkat ang gumupo sa Kabihasnang Mycenaean?
a. Minoan b. Crete c. Dorian d. Ionian
8. Ilang taon tumagal ang dark age?
a. 110 b. 200 c. 300 d. 250
9. Bakit tinawag na dark age ang panahon ng Kabihasnang Mycenaean?
a. Dahil sa panahon na ito nagging palasak ang digmaan ng mga iba’t ibang kaharian.
b. Dahil tumagal ng 250 taon ang digmaan.
c. Dahil sa pagkahinto ng kalakalan.
d. Dahil sa digmaan, pagkahinto ng kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan.
10. Sinasabing sa kabihasnan nila nagmula ang labanan sa boksing at iba pang pampalakasan.
a. Minoan b. Mycenaea c. Mycen d. Minos
11. Ano ang polis?
a. Estado b. Pamilihang bayan c. Mataas na lungsod d. Pinagmulang lungsod
12. Ano ang metropolis?
a. Estado b. Pamilihang bayan c. Mataas na lungsod d. Pinagmulang lungsod
13. Ano ang agora?
a. Estado b. Pamilihang bayan c. Mataas na lungsod d. Pinagmulang lungsod
14. Ano ang acropolis?
a. Estado b. Pamilihang bayan c. Mataas na lungsod d. Pinagmulang lungsod
15. Dito matatagpuan ang matatayog na palasyo at templon a kung saan naging sentro ng politika at relihiyon ng
Greek.
a. Acropolis b. Metropolis c. Agora d. Polis

You might also like