Group 1
Kabihasnang Minoan
Ang kauna-unahang kabihasnang umusbong sa greece
Umusbong sa pulo ng Crete na matatagpuan sa timog na bahagi ng Peloponnesus at may layong 96
km sa kalakhang Greece.
Nanggaling ang pangalan sa maalamat na pinuno na si Haring Minos, na namahala sa pagitan ng
1750 BCE-1550 BCE, itinuring na pinakadakilang hari ng Crete.
Naging marangya ang pamumuhay
Higit na naging tanyag nang matuklasan ni Sir Arthur Evans (arkeologong Ingles) ang mga labi ng
Knossos-maunlad na lungsod ng mga Minoan sa gitnang bahagi ng Crete noong 1898.
Gawa sa makinis na bato ang palasyo
Mayroong labyrinth(liko-likong lagusan), 800 silid at mahusay na indoor plumbing at palikuran.
Mayroong drainage system sa silong at mga pader na napapalamutian ng fresco
Fresco- Ipinintang larawan gamit ang water color sa basang semento
Mahilig magsaya at makipagpaligsahan.
Nakipagkalakalan sa ibayong dagat at sumamba sa mga puwersa ng kalikasan.
Nakamit ang tugatog ng kapangyarihan bandang 1400-1230 B.C.E.
Bumagsak ang kabihasnan matapos ang 200 taon. hindi tiyak ang naging dahilan ng pagbagsak
( sakuna, pagputok ng bulkan, malalakas na alon o pagsalakay ng mga dayuhan)
Group 2
Kabihasnang Mycenaean
Mga pangkat na nagmula sa lahing Indo-European na nandayuhan sa Balkan Peninsula at tuluyang
nanirahan sa Greece noong 1900BCE.
Mycenaea –lungsod
Mahilig sa pakikidigma
Pinamahalaan ng mga punong-militar ang lungsod mula 1400-1200BCE
Kalasag, sibat at espada ang karaniwang gamit sa pakikidigma.
Itinuon ang kanilang pamumuhay sa pakikipagkalakalan
Nakipag-ugnayan sa mga Minoan at natutunan ang paggawa ng mga barko at mahusay na sistema
ng nabigasyon
Napalitan ang mga Minoan bilang pangunahing mangangalakal sa Mediterranean pagpasok ng taong
1400 BCE
Tinangkilik ang kultura ng mga Minoan tulad ng paraan ng pagsulat,sistemang nabigasyon at
disenyong Minoan sa banga at alahas
1200BCE- nakipaglaban sa mga Trojan ng Asia Minor, Trojan War ang taguri sa labanang ito.
Hindi tiyak ang dahilan ng digmaan ngunit ipinapalagay na ang isyu sa pagkontrol sa rutang
pangkalakalan ng Aegean Sea at ang pagtangay ni Paris kay Helen na asawa ng hari ng Mycenaea.
Tumagal ang digmaan ng 10 taon
Humina ang kapangyarihan, simula ng panahon ng karimlan ng Greece
Trojan War
Labanan sa pagitan ng Mycenaean at Trojan (Asia Minor)
Ilan sa dahilan ng digmaan:
1. Isyu sa pagkontrol ng rutang pangkalakalan sa Aegean Sea.
2. Ayon sa epiko, sa pagdukot ni Paris (prinsipe ng Troy) kay Helen (asawa ng hari ng Greece)
Tumagal ng sampung taon ang digmaan, nasakop ng mga Mycenaean ang mga Trojan.
Troy: City of Destiny
Mga Tauhan:
Haring Priam- hari ng Troy, responsible, maunawain at mapagmahal na ama/hari
Prinsipe Hector- panganay na anak, responsableng prinsipe.
Prinsipe Paris- bunsong anak, makasarili, iresponsableng prinsipe
Andromache – asawa ni Hector
Briseis – pinsan nina Hector at Paris, priestess(birhen na naglilingkod sa mga diyos) napamahal kay
Achilles
Aeneas – ipinagkatiwala ang espada ng Troy
Group 3
Panahon ng Karimlan
Ang Pagtigil ng Kaunlaran ng Sinaunang Greece
Ang pagbagsak ng Mycenaean noong 1100 BCE at pananalakay ng mga dayuhan ang naging hudyat
nito.
Huminto ang kalakalan sa loob ng 300 taon
Hindi napagtuunan ng pansin ang kultural na aspeto
Nandayuhan ang pangkat ng Dorian (na nagmula sa timog na bahagi ng Balkan Peninsula,
malayong kapamilya ng mga Greek)
Nabalot ng kaguluhan at karahasan ang Greece
Nawalan ng sigla ang kalakalan at bumagsak ang kabuhayan
Nalimot ang ilang kasanayan tulad ng pagsulat at paglilok.
Nagwakas ang Panahon ng Karimlan sa muling pagpapakilala ng mga Ionian Greek ng kulturang
Greek kalakhang Greece noong 750 BCE na nagpasimula ng Panahong Hellenic.
Panahong Hellenic
Hellene- Katawagan ng mga Greek sa kanilang sarili hango ito sa salitang ingles na “hellas” na
tumutukoy sa kabuang lupain ng sinaunang Greece
Panahong Hellenic- Ang panahong ng kasikatan ng kabihasnang Greek hanggang sa pagtatapos nito
noong 338 BCE.
Ang Polis
Polis- ang tawag sa pamayanan sa Greece na itinuturing ng lungsod-estado o city state sa
kadahilanang ito ay malalaya, may sariling pamahalaan ang bawat isa at ang pamumuhay ng mga
tao ay nakasentro sa iisang lungsod.
Acropolis- ang pinakamataas na lugar sa mga lungsod-estado kung saan itinayo ng mga Greek ang
kanilang mga templo.
Binubuo ng lungsod at mga pamayanan
Karaniwang 50-500 milya kwadrado ang lawak
May tanggulan na tinawag na acropolis
May pampublikong liwasan na tinawag na agora
Mga pinakakilalang polis: Athens, Sparta, Thebes at Corinth.
May sariling paraan ng pamumuhay at kabuhayan
May pinananatiling phalanx o hukbo
May iba’t-ibang paraan ng pamamahala
Agora- isang bukas na lugar sa gitna ng lungsod kung san maaaring magtinda o magtipon-tipon ang
mga tao.
Pamamahala at pagtatanggol sa Polis
Mga Uri ng Pamahalaan:
Monarkiya- pinamamahalaan ng hari.
Aristokrasya – pinamumunuan ng mga maharlikang nagkamit ng kapangyarihang politikal matapos
maglingkod sa hari,
Oligarkiya – pamamahala ng ilang mayayaman at makapangyarihang mangangalakal at artisano
na umagaw o nakibahagi sa kapangyarihan ng mga aristokrata.
Demokrasya -mamamayan ang nagpapasya
Group 4
Sparta
Isang Estado-Militar
Higit na binigyang halaga ng Sparta ang pagkakaroon ng malalakas at maggaling na sundalo.
Nanatili rin ang Sparta sa pagkakaroon ng pamahalaang Oligarkiya.
Tirahan ng Pinakamahuhusay na Mandirigma ng Greece
Nagmula sa lahing Dorian
Naging makapangyarihan at ginawang alipin ang mga helot- katutubo na mula sa pangkat ng
Messenian na sinakop ng mga Spartan.
Naglingkod bilang mandirigma ang mga kalalakihan at karaniwang atleta naman ang
kababaihan(tungkulin na magsilang ng malulusog na anak)
Pinamahalaan ng mga haring militar.
Ephor – pangkat ng tao na katuwang ng hari sa pamamahala sa lungsod-estado.
Gawain ng Ephor:
- Mangasiwa sa edukasyon at kapakanan ng publiko.
- Konseho ng matatanda
- Tagapayo ng hari
- Isang asamblea na bumoboto hinggil sa mga pasiya ng pamahalaan
Ipinagbawal ang pagpapakita ng emosyon.
Iniwasan ang pilosopiya, agham at sining dahilan upang hindi umunlad ang aspektong kultural ng
Sparta.
Buhay Spartan…….
Taon
pagkasilang,aalagaan mabuti ang sanggol, at iiwan sa kabundukan
0
kung ito ay masasakitin.
7 ipapasok na sa barracks upang magsanay sa taktikang pang militar
maaari nang mag-asawa at magkaroon ng pamilya ngunit magpapatuloy ang pagsasanay-
20
militar sa barracks.
30 ikaw ay isa nang ganap na mamamayan at mandirigmang Spartan
60 maaaring maglingkod sa pamahalaan bilang miyembro ng senado omangasiwa sa barracks
Group 5
Athens
Isang Demokratikong Estado
Kanlungan ng demokrasya sa mundo
Sentrong komersyal at kultural ng Greece
Ang mga Athenian ang pinakamalaya pagdating sa pulitika at lipunan
Itinuring ang mga sarili bilang mahuhusay at edukadong mamamayan ng buong Greece
Binigyang pansin ang gramatika, panitikan, debate.
Pinag-aralan ang kasaysayan at mga paniniwala ng mga Greek
Mahusay sa pagsasalita sa harap ng maraming tao at debate
DEMOKRASYA
Mula sa salitang Griyego na demos at kratia na nangangahulugang pamamahala ng tao
Mga Repormistang Athenian
Draco Gumawa ng unang nasusulat na kodigo ng batas sa Athens noong 621 B.C.E.
Solon Pinawalang bisa nag lahat ng pagkakautang sa lupa at pinalaya ang mga naging
alipin sa pagkakautang upang mapanatili ang kaayusan sa Athens noong 594 B.C.E,
Pisistratus Nagbahagi ng mga lupain ng mga aristokrata sa mahihirap at nagtaguyod ng sining
at kultura.
Cleisthenes Bumuo ng konseho na nangasiwa sa ugnayang panlabas, yaman ng polis at
nagpanukala ng batas na pinagbobotohan ng asamblea.
Ipinatupad ang ostracism
OSTRACISM
Ipinatupad upang pangalagaan ang mga Athenian mula sa mga mapang-abusong pinuno.
Isinagawa ito sa pamamagitan ng pagsulat ng mga kasapi ng asamblea ng pangalan ng taong
itinuturing nilang mapanganib sa polis, isinusulat ito sa ostakon o piraso ng basag na banga.
Inihanda ang mga kalalakihan upang maging mabuting pinuno sa pamamagitan ng pormal na
edukasyon. Pinag-aaralan ang Iliad at Odyssey, retorika, pagsasalita sa harap ng publiko at
matematika.
Ang mga kababaihan ay walang pormal na edukasyon at nakatuon lamang sa mga gawaing
pantahanan.