You are on page 1of 4

ISULAT ANG SAGOT DITO NA MISMO SA TEST PAPER.


NAME: __________________________________________ GRADE & SECTION:__________________________
DATE:___________________________________________
First Quarter Assessment in Araling Panlipunan 8
TEST 1: Unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot. (15 puntos)

1. Anong tema ng heograpiya ang tumatalakay sa klima, anyong lupa, tubig at likas yaman?

A. Lugar B. Relihiyon C. Lokasyon D. Paggalaw ng tao

2. Bakit mahalagang maunawaan ang mga saklaw sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng isang lugar?

A. Upang maunawaan ang mga bagay na nakapaligid sa atin


B. Upang malaman kung bakit nagkakaiba ang pag- uugali ng bawat tao sa bawat lugar.
C. Upang malaman at makilala ang isang lugar sa pamamagitan ng mga pisikal na kaanyuan nito.
D. Lahat ng sagot ay tama

3. Ang bayan ng Paracale sa Camarines Norte ay kilala sa buong mundo dahil sa mina o deposito ng ginto. Alin sa mga
saklaw ang tinutukoy ng halimbawa?

A. Klima B. Anyong Lupa C. Likas Yaman D. Anyong Tubig

4. Sa aling bahagi ng daigdig matatagpuan ang mga mineral?

A. core B. plate C. crust D. mantle

5. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng anyong lupa?

A. look B. bukal C. burol D. dalampasigan

6. Ano ang tawag sa sukat o pagitan ng isang guhit sa silangang Prime Meridian at sinusukat ng digri?

A. latitude B. parallel C. ekwador D. longhitud

7. Nag-isip at nagsimula ng pagpapangalan sa mga halaman at hayop ayon sa specie o uri.

A. Linnaeus Jean B. Baptiste Lamarck C. Charles Darwin D. Conte de George Buffon

8. Anong uri ng hominid ang tinatawag din bilang malaking bakulaw?

A. Homo B. Ramapithecus C. Hominid D. Australopithecus

9. Sa mga sumusunod na scientist, sino sa kanila ang nagtaguyod sa teoryang maka-relihiyon?

A. Buffon B. Lamarck C. Darwin D. Linnaeus

10. Anong panahon sa kasaysayan ang itinuturing na pinakamaaga at pinamahabang pananatili ng tao sa daigdig na
naganap noong 2,5000,000 – 10,000 BCE?

A. Panahong Metal B. Panahong Neolitiko C. Panahon ng Tanso D. Panahong Paleolitiko

11. Anong dibisyon sa panahon ng paleolitiko ang nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite?

A. Lower Paleolithic Period B. Upper Paleolithic Period C. Middle Paleolithic Period D. Wala sa nabanggit

12. Ang unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato na ang pangalan ay nangangahulugang
able man o handy man.
A. Homo Sapiens B. Homo erectus C. Homo habilis D. Australopithecus
13. Ang pag-aral sa agham panlipunan ay may kaugnayan sa ibat’t-ibang disiplina. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa
siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
A. Heograpiya B. Antropolohiya C. Sosyolohiya D. Agham Pampolitika
14. Si Herodotus ay nagpasimuno ng pagsusulat ng mga pangyayari sa nakaraan dahil dito siya ay tinaguriang ___?
A. Ama ng Ekonomiya B. Ama ng Antropolohiya C. Ama ng Sosyolohiya D. Ama ng Heograpiya/Kasaysayan
15. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga nakaraang pangyayari upang maunawaan ang kasalukuyan at
mapaghandaan ang hinaharap.
A. Heograpiya B. Kasaysayan C. Sosyolohiya D. Antropolohiya

TEST 2: Isulat sa patlang ang salitang SANA kung ang pahayag ay TAMA, isulat naman ang salitang ALL kung ang
pahayag ay MALI. (10 puntos)

______ 16. Equator- guhit na humahati sa globo sa hilaga at timog hemisphere o hemispero. Ito rin ay itinatakdang zero
degree latitude.
______ 17. Latitud– ay guhit na matatagpuan sa kalagitnaan ng Pacific Ocean. Nagbabago ang pagtatakda ng petsa
alinsunod sa pagtawid sa linyang ito, pasilangan o pakanluran.
_____ 18. Lokasyong Absolute - paggamit ng mga imahinasyong guhit tulad ng latitude line at longitude line na
bumubuo sa grid upang matukoy ang lokasyon ng isang lugar.
_____ 19. Continental Drift Theory- teorya na nagsasaad na dati magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super
kontinente na Pangea.
_____ 20. Heograpiyang pantao – sangay ng heograpiya na tumutukoy sa pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-
etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
______ 21. Australopithecus– tinatayang ninuno ng makabagong tao; Ape na may kakayahang tumayo ng tuwid.
______ 22. Homo Habilis– nangangahulugang able man o handy man, taong gumagawa ng kagamitang bato.
______ 23. Upper Paleolithic Period– ang panahon mula sa kalagitnaan ng Panahong Paleolitiko kung kailan higit pang
nakontrol ng mga unang hominid ang kanilang kapaligiran.
______ 24. Middle Paleolithic Period- panahon kung saan nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong campsite
na matatagpuan sa mga lambak ang mga sinaunang tao.
______ 25. Pandaigdigang Phenomenon- kaganapang pangkapaligiran na nakaaapekto saan mang dako ng daigdig.

Test 3: SHARE-YOUR-THOUGHTS (5 puntos)

 Ang tanong sa ibaba ay nakabatay saiyong sariling kaisipan, sagutan ang tanong ng tapat at buong puso, nais ko
lamang na malaman na iyong saloobin sa aking asignatura. Walang maling sagot sa tanong na ito, ang importante ay
sagutan mo ito ng naaayon sa iyong kalooban. 

Sa limang MODULE na iyong sinagutan, alin doon ang pinaka nahirapan ka at alin naman ang pinaka madali para
saiyo?

(5 puntos)

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sainyong lahat! 

Inihanda ni: Nabatid ni:

MARIA FE O. OBERO IRENIA L. SAYSON


Guro sa AP/ESP Punong Guro
ISULAT ANG SAGOT SA DITO NA MISMO SA TEST PAPER. 

PANGALAN: __________________________________________ BAITANG AT SEKSYON:__________________________


PETSA: ___________________________________________
First Quarter Assessment in Edukasyon sa Pagpapakatao 8
TEST 1: Basahing mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang ______ ay ang una at pinakamahalagang institusyon ng lipunan.


a. Simbahan b. Paaralan c. Lipunan d. Pamilya
2. Ito ang tawag sa pagmamahal na namamagitan sa mag-asawa na nakapagbibigay buhay sa pangangalaga sa
kanilang mga anak.
a. Unconditional Love b. Conjugal Love c. Paternal Love d. Radical Love
3. Ang masaya at maayos na pamilya ay hindi ligtas sa mga sigalot o suliranin. Nakararanas din sila ng mga ito., ang
kaibahan lamang ay:
a. Tinatalakay ito nang harapan at nang walang may nasasaktang damdamin
b. Hinahayaan na lamang nila itong lumipas
c. Tinatawanan lamang nila ang suliranin
d. Hindi nila ito pinag-uusapan
4. Tinatawag na unang guro ng mga anak ang magulang sapagkat:
a. Sa kanila unang natutuhan ng bata ang mga kasanayan at pagpapahalaga
b. Ang ipinakikitang halimbawa ng magulang ang siyang ginagaya ng mga anak
c. Sila ang unang nagturong bumasa at bumilang
d. Sila ang nagtuturo ng tamang pagkilos sa mga anak
5. Ang tinatawag na quality time ay pagbibigay sa anak ng :
a. Pagpapadama ng pagmamahal at pag-aaruga sa anak tuwina
b. Pagbabasa ng mga kuwento at pakikipaglaro sa anak
c. Hindi pagtatrabaho upang makapiling ang anak
d. Lahat ng oras sa maghapon
TEST 2: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Iguhit ang HAPPY FACE kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng
mabuting pagganap sa mga gampanin ng pamilya sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa paggawa ng mabuting
pasya at paghubog sa pananampalataya ng mga anak, SAD FACE naman kung hindi ito nagpapakita ng mabuting
pagganap.
________6. Si Alex ay inuutusan ang kaniyang anak na huwag na lamang pumasok sa eskuwela dahil para sa kanya hindi
naman ito mahalaga.
________7. Tuwing Linggo ay sinisiguro ni Mr. Reyes na sama-samang nagsisimba ang kanilang pamilya at pagkatapos
nito ay namamasyal at kumakain sila sa mall.
________8. “Ang pagsasabi ng hindi totoo o pagsisinungaling ay hindi mabuti”, ito ang laging paalala ni Gng. Lourdes sa
kaniyang mga mag-aaral.
________9. Hinahayaan lamang nina Mang Cardo at Aling Melissa si Carmi na gumala at umuwi na nang madaling araw
kasama ang kaniyang nobyo at mga kaibigan.
________10. Pag-uwi ng bahay ay sinisiguro ni Gng. Santos na ginagawa ng kaniyang mga anak ang kanilang takdang
aralin bago maglaro o manood ng telebisyon.
________11. Lagi na lamang nasa trabaho at wala nang oras o panahon sa kanilang mga anak ang mag-asawang G. at
Gng. Alvarez.
________ 12. Sina Mina at Minnie ay nagdadasal muna bago kumain, ito ay natutunan nila sa kanilang ina na si Aling
Maria.
________ 13. Pinag-iisipan muna ng mabuti ni Michelle ang isang bagay bago siya gumagawa ng pasya, ito ay isang pag-
uugali na ipinamana sa kanya ng kaniyang lola.
________14. Laging nakikita ng magkapatid na Carlo at Carla ang kanilang mga magulang na nag-aaway at nagsisigawan
sa kanilang kaharapan.
________15. Ikinakahiya si Minda ng kanyang mga magulang dahil sa pagiging mahina nito sa klase, para sa kanila ang
pagkakaroon ng mataas na marka ay isang karangalan.
TEST 3: Sumulat ng isang MAIKLING TULA na may malayang taludturan tungkol sa PAMILYA at iyong mga
hiling ngayong darating na PASKO at BAGONG TAON. Lagyan ito ng sariling PAMAGAT. Isulat ito sa box na
nasa ibaba.

(15 PUNTOS)

RUBRIKS NG PAGMAMARKA:
KALINISAN NG GAWA: 5 POINTS
KAAYUSAN NG MGA SALITA: 5 POINTS
KAANGKUPAN NG TULA SA TEMA: 5 POINTS
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sainyong lahat! 
Inihanda ni: Nabatid ni:

MARIA FE O. OBERO IRENIA L. SAYSON


Guro sa AP/ESP Punong Guro

You might also like