You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI
Division of Negros Occidental
San Enrique National High School

ARALING PANLIPUNAN 10
QUARTER 3
PERIODICAL EXAM
I. MULTIPLE CHOICE. Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat lang ang titik ng tamang sagot
A. Gender at Sex
1. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at
pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. bi-sexual B. transgender C. gender D. sex
2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan
para sa mga babae at lalaki.
A. sex B. gender C. bi-sexual D. transgender
3. Alin sa sumusunod ang tamang kahulugan ng sex?
A. Tumutukoy sa gawain ng lalaki at babae. C. male at female
B. Mga panlipunang gampanin, kilos at gawain. D. Pananamit at kilos
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng gender?
A. Ang mga taong kabilang sa LGBT community ay kadalasang cross dresser.
B. Ang mga babaeng muslim ay kadalasang gumagamit ng Purdah.
C. Ang mga lalaki ay may adam’s apple.
D. Ang mga babae ay may bahay bata.
5. Si Benjamin ay isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan at
ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma. Si Benjamin ay :
A. Gay B. Transgender C. Lesbian D. Bisexual

B. Diskriminasyon sa Gender. Piliin ang sagot mula sa kahon na nasa ibaba.


A. diskriminasyon B. gender discrimination C. reverse discrimination
D. harrassment E. workplace gender discrimination
6. Ito ay anumang aksyon na nagkakait ng mga oportunidad, pribilehiyo, o gantimpala sa
isang tao dahil sa kanyang kasarian
7. Hindi patas o hindi makatuqirang pagtingin o pagtrato sa isang tao o sa isang grupo dahil
sa kanyang lahi, paniniwala, kasarian, gender at iba pa.
8. Diskriminasyon laban sa mga kabilang sa nangingibabaw o mayoryang grupo, na pabor sa
mga kasapi ng minoryang grupo.
9. Diskriminasyon sa kasarian na nagaganap sa lugar ng trabaho
10. Seksuwal na pambabastos, verbal o pisikal na panliligalig na may seksuwal ang anyo.

C. Tugon ng Pamahalaan laban sa karahasan. Piliin ang sagot mula sa kahon na nasa ibaba.
A. sexual abuse B. domestic violence C. prostitusyon
D. catcalling E. sexual harassment
11. Anumang berbal o pisikal na gawi na nasa uring seksuwal na hindi naman hinihingi ng
isang tao.
12. Pangsusutsot nang may halong malisya at pambabastos
13. Anumang uri ng seksuwal na gawaing ginagawa nang labag sa kalooban ng biktima gaya
ng panghihipo, panggagahasa, at iba pa.
14. Marahas o agresibong gawi sa loob ng tahanan.
15. Gawaing seksuwal na may kapalit na kabayarang salapi o iba pang materyal na bagay na
may halaga.
II. MATCHING TYPE. Itapat ang mga kahulugan sa Hanay A sa mga konsepto sa Hanay B.
Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B
16. Pagkilos ng isang tao na kabaliktaran ng kanyang sex A. asexual
17. Lalaking may atraksiyong seksuwal sa kapwa niya lalaki B. homosexuality
18. Pagkakagusto sa kapareho at kasalungat na kasarian C. pansexual
19. Mga taong sumailalaim sa medikal na operasyon upang D. gay
magtransisyon sa kasariang nais nila
20. May atraksiyong seksuwal sa kahit na anong kasarian E. lesbian
21. Atraksiyong sexual na hindi nakapirmi o nag-iiba-iba F. transgender
22. Babaeng may atraksiyong suksuwal sa kapwa nya babae G. transsexual
23. Atraksiyong seksuwal sa miyembro ng kaparehong kasarian o H. bisexual
same sex
24. Walang atraksiyon seksuwal kaninuman I. intersex
25. Iba’t – ibang kondisyon kung saan mayroong anumang hindi J. queer
pagkakatugma sa pagitan ng panlabas at panloob na sex organs ng
isang indibidwal

III. Tukuyin kung saang larangan o institusyon nakapaloob ang sumusunod na mga papel
o bahaging ginagampanan ng kasarian sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek.

Trabaho Edukasyon Pamilya Gobyerno Relihiyon

26. Mayor

27. Housewife

28. Pari

29. Drayber

30. SMAW

IV. PAGPIPILIAN.
A. OO O HINDI. Isulat ang OO kung ang sumusunod ay nagpapakita ng diskriminasyon sa
kababaihan, kalalakihan o LGBT. Isulat naman ang HINDI kung hindi ito nagpapakita ng
diskriminasyon sa kasarian.
31. Binigyan ka ng mas mataas na sahod dahil maganda ang iyong gawa
32. Hindi ka pinapagamit ng banyo dahil ikaw ay miyembro ng LGBT community
33. Hindi ka pinapasok sa bar dahil ikaw ay menor de edad.
34. Tinatawag ka sa iyong pambabaeng pangalan kahit na ikaw ay transgender na lalaki na
35. Pinatayo si Ben mula sa kanyang pagkakaupo sa tren dahil siya ay lalaki.

B. TAMA O MALI. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay may katotohanan, at MALI
naman kung walang katotohanan.
36. Pwede ka lamang magreklamo kung hindi mo kilala ang nang-abuso sa iyo.
37. Ang mga lalaki ay maaari ring makaranas ng pang-aabuso o harassment.
38. Ang pagkuha ng litrato o video sa mga seksuwal na sitwasyon ay maituturing din na
sexual abuse.
39. Ang domestic violence ay nagaganap lamang sa pagitan ng mag-asawa o kinakasama.
40. Ang pagkakaroon ng sugar daddy o sugar mommy ay isa ring uri ng prostitusyon.

V. Tukuyin kung anong salik ng diskriminasyon ang tinutukoy ng mga sumusunod na mga
pahayag. Lagyan ng tsek ang hanay ng iyong sagot.
Relihiyon Pisikal na Trabaho Edukasyon
at kaanyuan
kultura
41. Para sa mga Muslim, ang mga lalaki ang
dapat na namumuno sa kanyang pamilya

42. Ang pagiging abogado at inhinyero ay


para lamang sa mga kalalakihan
43. Lalaki lamang ang pwedeng mag-aral ng
pagkapiloto
44. Lalaki lamang ang pwedeng magtrabaho
sa mga pagawaan o paktorya ng plastik
45. Ang kursong pagtuturo ay para lang sa
babae

VI. Bigyang kahulugan ang sumusunod na mga acronym:


46. SOGIE Bill –
47. LGBTQI Community –
48. DSWD –
49. VAWC –
50. CEDAW –

You might also like