You are on page 1of 26

ANG ISYU NG

UNEMPLOYMENT
NILALAMAN

KASANAYAN SA
1
PAGKATUTO

KONSEPTO NG
2
UNEMPLOYMENT

SANHI O URI NG
3
UNEMPLOYMENT
IMPLIKASYON NG
4 UNEMPLOYMENT
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

• Naipaliliwanag ang mga dahilan ng


pagkakaroon ng unemployment.

• Natataya ang implikasyon ng


unemployment sa pamumuhay at sa
01 pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

• Nakabubuo ng mga mungkahi upang


malutas ang suliranin ng
unemployment.
Pagtuklas ng Kaalaman
Pagsusuri ng Dokumento. Basahin ang pahayag sa pahina 166
at kumpletuhin ang tsart sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang
mga pamprosesong tanong na nasa pahina 166-167.

MGA MGA SOLUSYON


IMPLIKASYON
SANHI
ANG ISYU NG UNEMPLOYMENT

DAHILAN NG
01 UNEMPLOYMENT

MGA IMPLIKASYON
02 NG UNEMPLOYMENT

MGA SOLUSYON
03
PAGLINANG NG KAALAMAN: MGA SULIRANIN SA
PAGGAWA SA PILIPINAS

Panuto. Basahin ang Mga Suliranin sa Paggawa ng


Pilipinas na nasa pahina 167-168.

Gabay na Tanong:
1. Ano-anong suliranin sa paggawa ang kinakaharap
ng bansa sa kasalukuyan?
2. Paano nagkakaugnay ang mga suliranin sa
paggawa sa isa’t isa at sa iba pang mga suliranin na
kinakaharap ng bansa?
SULIRANIN SA PAGGAWA SA PILIPINAS

SONA: Special Report: Kondisyon ng mga manggagawa at mga isyu sa umento sa sahod
02 KONSEPTO NG
UNEMPLOYMENT
KONSEPTO NG UNEMPLOYMENT

KAHULUGAN NG UNEMPLOYMENT

Ayon sa NSCB Resolution # 15 (October 20,


2004), ang unemployment ay mga taong
nasa edad 15 pataas na: (1) walang
trabaho at kasalukuyang naghahanap ng
trabaho: (2) walang trabaho dahil sa mga
sumusunod na kadahilanan:

1. pagod/naniniwalang walang
bakante
2. naghihintay ng resulta ng
pinag-aplayan ng trabaho
3. may pansamantalang
karamdaman/kapansanan
4. masama ang panahon
5. naghihintay na marehire/ job
recall
KONSEPTO NG UNEMPLOYMENT

Sa pagpapanatili ng katatagang pang-ekonomiya ng isang


bansa, ang konsepto ng full employment at katatagan ng presyo
ang dalawang pinagtutuonan ng pamahalaan at mga
ekonomista.

❑ Full employment - ang posibleng pinakamababang lebel o


antas ng walang trabaho sa ekonomiya. (tinatawag ding
“natural rate of unemployment”)
❑ Unemployment - phenomenon na nangyayari kapag ang isang
aktibong naghahanap ng trabaho ay hindi makahanap ng
trabaho.

❖ Hindi nangangahulugan ng zero unemployment ang full


employment.
KAHULUGAN NG EMPLOYMENT, UNEMPLOYMENT, AT
UNDEREMPLOYMENT BATAY SA LABOR FORCE SURVEY

Bureau of Labor and Employment and Statistics (BLES)


▪ nagsasagawa ng Labor Force Survey tuwing ikaapat na buwan sa isang taon sa
pakikipagtulungan ng Philippine Statistics Authority (PSA)
▪ lahat ng mga konseptong may kaugnayan sa labor force ng bansa ay nagmumula sa
guidelines ng BLES na ginagamit sa pagsasagawa ng Labor Force Survey

Labor force o working age population


✓ tumutukoy sa populasyon ng mula 15 taong gulang pataas sa kanilang huling
kaarawan, na may trabaho, o walang trabaho
✓ tinatawag ding potential supply of labor at potential manpower/human resources
Binubuo ng dalawang component:
1. economically active o labor force – employed, unemployed, at underemployed
2. economically inactive o hindi kasama sa labor force –gaya ng mga “full-time
student”, stay-home midwife, at retiree
❖ hindi sila itinuturing na kabilang sa labor force o economically active dahil hindi
sila aktibong naghahanap ng trabaho at hindi nagdudulot ng presyur sa labor
market
KAHULUGAN NG EMPLOYMENT, UNEMPLOYMENT, AT
UNDEREMPLOYMENT BATAY SA LABOR FORCE SURVEY

Employed
▪ tumutukoy lamang sa “persons or individuals at work”
▪ ang ibinibilang lamang sa Labor Force Survey ay ang ‘persons at work not
jobs” at ang isang tao ay maaari lamang mabilang ng minsan nang hindi
isinasaalang ang bilang ng kanyang “jobs” (Ibig sabihin ay binibilang ang may
trabaho hindi ang trabaho)
▪ lahat ng taong mula 15 taong gulang pataas na sa panahon ng reference
period ay pumasok ng trabaho ng kahit na isang oras lamang sa isang linggo

Persons in Full-Time Employment


➢ taong may trabaho ng 40 oras o higit pa sa panahon ng reference period
Persons in Part-Time Employment
➢ sinumang tao na may trabahong mas mababa kaysa sa 40 oras sa panahon
ng reference period
KAHULUGAN NG EMPLOYMENT, UNEMPLOYMENT, AT
UNDEREMPLOYMENT BATAY SA LABOR FORCE SURVEY

Underemployed
❑ taong ang kanyang kasalukuyang trabaho ay:
1. mas mababa kaysa sa kanyang lebel ng kasanayan o iba kaysa sa kanyang
natapos na kurso sa kolehiyo,
2. naghahangad ng full-time work subalit ang kanyang nahanap lamang ay
part-time job o naghahangad ng karagdagang oras ng trabaho o dagdag
na trabaho sa kanyang kasalukuyang trabaho.

2 Uri ng Underemployed
1. visibly underemployed – mga underemployed na nagtatrabaho
nang mas mababa sa 40 oras sa isang lingo
2. invisibly underemployed- mga underemployed na nagtatrabaho
ng 40 oras o higit pa sa isang linggo
KONDISYON NG LABOR FORCE AT UNEMPLOYMENT RATE
NG PILIPINAS

PAGSUSURI NG DOKUMENTO: Pag-aralan ang dokumento at infographics sa ibaba


para sa kasalukuyang kalagayan ng paggawa sa Pilipinas

https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/labor-force-
survey/title/Unemployment%20Rate%20in%20November%202021%20is%20Estimated%20at%206.5%20Percent
PAMPROSESONG TANONG:

1. Ano-anong mga impormasyon ang makukuha sa Labor Force Survey? Ano ang
kahulugan ng mga indicator na ito?
2. Gaano kalaki ang labor force, may trabaho (employed), at walang trabaho
(unemployed) sa Pilipinas ngayong November 2021? Paano nakuha ang mga
impormasyon o datos na ito?
3. Batay sa sumusunod na mga batayan o dimensiyon, anong kongklusyon o
paghihinuha ang maaari mong mabuo ukol sa unemployment at labor force ng
Pilipinas ng November 2021?
a. Labor Force at Employment
b. Labor Force at Unemployment Rate
c. Unemployment at Underemployment
d. Unemployment batay sa kasarian
e. Unemployment batay sa edad
f. Unemploymnet batay sa sektor
g. Unemployment batay sa antas ng edukasyon
4. Alin ang higit na dapat ituring na suliranin ng bansa sa labor force: ang
unemployment rate o underemployment rate? Bakit?
SANHI O URI
NG
03 UNEMPLOYMENT
SANHI O URI NG UNEMPLOYMENT

FRICTIONAL
UNEMPLOYMENT

CYCLICAL SEASONAL
UNEMPLOYMENT URI
UNEMPLOYMENT

STRUCTURAL
UNEMPLOYMENT
SANHI O URI NG UNEMPLOYMENT
➢ produkto ng pangmaigsiang paggalaw sa pagitan
ng isang trabaho patungo sa bagong trabaho dahil sa
paglipat ng manggagawa o dahil sa pagkakatanggal
sa trabaho FRICTIONAL
➢ sanhi rin nito ang pagpasok ng mga bagong tao sa UNEMPLOYMENT
labor force partikular ng mga batang manggagawa na
naghahanap ng kanilang unang trabaho

➢ Produkto ng regular, paulit-ulit, at


predictable na pagbabago sa
pangangailangan sa manggagawa
ng ilang industriya kada taon gaya ng SEASONAL
pista opisyal, iskedyul ng pag-aani, UNEMPLOYMENT
pagsisimula ng taong-aralan, at
iskedyul ng produksiyon ng industriya
SANHI O URI NG UNEMPLOYMENT

➢ produkto ng pagbabago ng teknolohiya at iba pa sa


estruktura ng ekonomiya
➢ natatanggal dahil ang kanilang kasanayan ay hindi na
angkop o tugma sa kinakailangang kasanayan bunga STRUCTURAL
ng pagbabago ng teknolohiya UNEMPLOYMENT
• Ang mga manggagawang walang kasanayan o ayaw
ng mag-retool ng kanilang kasanayan ay maaaring
matanggal sa kanilang mga trabaho

➢ produkto ng ‘business cycle fluctuations” CYCLICAL


na mula sa recessions o economic UNEMPLOYMENT
downturns
ANG UNEMPLOYMENT BILANG SANHI AT BUNGA
NG IBA PANG SULIRANING PANG-EKONOMIKO
AT PANLIPUNAN NG BANSA

Skill/job Suliranin
/industry overpopulation
ng bansa
mismatch
1 2 3

kulang ang kasanayan/ mahina at hindi maayos na mga


Pagkakaroon ng labis na
kakayahan o kaya impraestruktura, kawalan ng
populasyon ay
naman ay hindi tugma industriyalisasyon, kawalan o
nagdaragdag ng libo-libong
ang kursong natapos sa mabagal na rural development at
manggagawa sa
kailangan at bukas na hindi matapos-tapos na repormang
labor force kada taon na
trabaho sa bansa agraryo, at di-pantay na
hindi kayang tugunan ng
distribusyon ng yaman na bunga ng
nalilikhang trabaho.
underdevelopment
IMPLIKASYON NG
04 UNEMPLOYMENT
Sa kabuoan, nagkakasundo ang mga ekonomista na para sa ganap na paglutas sa malawakan
at malubhang suliranin ng unemployment sa bansa, kailanganang ipatupad ang mga polisiya at
estratehiyang pangkaunlaran na nakabatay sa sumusunod:

Pagbalanse kapwa ng oportunidad na ekonomiko sa mga pamayanang rural at


pamayanang urban;
Buong pagpapaunlad ng mga industriyang small-scale at labor intensive;

Pagsugpo sa patuloy na paglobo ng populasyon;

Pagpili ng mga angkop na labor-intensive technologies sa produksiyon na hindi papatay sa


maraming trabaho;

Paglikha ng higit na direktang ugnayan sa pagitan ng edukasyon at employment;

Pagbawas sa migrasyong rural;

Pagpapalakas ng domestic market sa halip na nakaasa lamang sa pagluluwas sa mga


dayuhang pamilihan;
Pagpapalawak ng industrial base at pagpapatupad ng nationalist industrialization;

Pagbawas sa kahirapan.
IMPLIKASYON NG UNEMPLOYMENT SA PAMUMUHAY AT SA PAG-UNLAD
NG EKONOMIYA NG BANSA

Maaaring mauwi sa matindi at malawakang


pagkadiskontento ng maraming tao sa
pamahalaan na maaari namang magbunga ng
suliranin sa seguridad, katatagang politikal,
karahasan, kaayusan at kapayapaan, at pagtaas
ng kriminalidad gaya ng
suliranin sa droga, kidnapping, hold-up, at street
crimes
GAWAIN SA PAGLIPAT
1. Gumawa ng isang editorial cartoon na nagpapakita ng implikasyon ng
suliranin ng kawalan ng trabaho sa inyong pamumuhay.

2. Problem-Solving Activity. Kung ikaw si Pangulong Rodrigo Duterte, paano


mo sosolusyunan ang suliranin ng unemployment ng bansa? Bumuo ng
dalawang lebel ng mga patakaran, programa, at estratehiya na
ipatutupad na kagyat at pang-maiksiang solusyon (immediate, short
term) at pangmatagalang solusyon (long term). Bumuo ng isang
powerpoint presentation na ilalahad sa gabinete sa isang cabinet
meeting o sa isang business convention na lalahukan ng mga
pangunahing negosyante sa bansa.
GAWAIN SA PAGLIPAT
RUBRIK PARA SA PAGTAYA NG POWERPOINT PRESENTATION
KATEGORYA KAHANGA-HANGA KASIYA-SIYA NALILINANG NAGSISIMULA (1)
(4) (3) (2)
Kawastuhan ng Wasto ang lahat ng Karamihan sa nilalaman Sa pangkalahatan, wasto ang Nakalilito ang nilalaman
nilalaman (x2) nilalaman ng presentasyon ng presentasyon ay wasto nilalaman ng presentasyon ng presentasyon at may
at lahat ay may tamang at may tamang pero may isang maling ilang maling impormasyon
dokumentasyon dokumentasyon impormasyon
Pagtalakay sa Komprehensibo at akma Naaayon sa paksa ang May ilang puntong Kulang sa mahalagang
paksa/ ang pagtalakay sa paksa pagtalakay. nakaligtaan sa pagtalakay ng punto ang pagtalakay sa
tema o tema paksa o tema paksa o tema
Pagiging orihinal Orihinal na ideya ang Malaking bahagi ng Hindi orihinal ang ideyang Hindi orihinal ang ideyang
makikita sa presentasyon presentasyon ay ginamit sa presentasyon at ginamit sa presentasyon at
at malikhain ang nagpakita ng orihinal na binigyan ng kredito ang di binigyan ng kredito ang
pagkagawa nito ideya hiniraman nito hiniraman nito
Paggamit ng Kaakit-akit ang lahat ngKaakit-akit ang karamihan Hindi maganda ang ilang Hindi maganda ang
graphics graphics at nakatulong ng
sa mga graphics at graphics at may ilan na di maraming graphics at
malaki sa pag-unawa ng nakapagpadaloy ng pag- angkop sa tema ng nakahadlang sa pag-
tema ng presentasyon unawa sa tema ng presentasyon unawa ng tema ng
presentasyon presentasyon
Pagiging epektibo Ipinakita ng presentasyon Ipinakita ng presentasyon Hindi gaanong sapat ang Kulang sa mahalagang
ng presentasyon ang lahat ng kailangang ang mga kailangang presentasyon at kulang para punto ang presentasyon
malaman tungkol sa paksa malaman tungkol sa maging gabay sa pagbibigay at hindi epektibong gabay
at naging impormatibo at paksa at naging sapat na solusyon. sa pagbibigay solusyon
epektibo sa pagbibigay gabay sa pagbibigay
solusyon solusyon
THANK YOU

You might also like