You are on page 1of 3

Si Ibaloy; Ang Mabait Na Batang Igorot

Si Ibaloy ay isang mabait na batang Igorot. Siya ay


mabait na anak sa kanyang ama na si Kabigat. Siya ay mabait
na anak sa kanyang ina na si Daongen.
Bawat araw, gigising siya ng maaga upang tumulong sa
kanyang ina. Ang kanyang ina ay masigasig na nagluluto ng
pagkain upang dalhin sa kanyang ama na nagsasaka sa
kanilang munting bukirin. Si Ibaloy naman ay nag aayos ng
kanyang mga gamit upang dalhin sa kanyang guro.
Kung ang lahat ay handa na. Si Ibaloy ay pupunta na
nang masaya sa kanilang bukid.
“Magandang umaga , itay! Tingnan mo, may dala ako
para sayo galing kay ina.” Sabi na man ni Itay. Salamat anak,
bago ka pupunta kay guro, halika at kumain kasama ako.
Sama-sama silang kumain ng agahan na nilutong isda, kanin,
gatas ng kambing at tapuy. Tapos nito ay magtungo na si
Ibaloy sa paaralan.
Ganyan ang tagpo sa bawat araw na may pasok. Dahil si
Ibaloy ay mabait, magalang, masipag na anak at matalino pa
sa kanilang klase.
“Leron-leron Sinta”

Leron-leron sinta, buko ng papaya


Dala-dalay buslo, sisidlan ng bunga
Padting sa dulo, nabali ang sanga
Kapos kapalaran, humanap ng iba
Halika na Neneng, tayoy manampalok
Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo, lalamba-lambayog
Kumapit ka Neneng baka ka mahulog!

You might also like