You are on page 1of 3

ANG “TUWAANG” NG MGA BAGOBO

Ang tuwaang ay sinaliksik ni Prop E. Arsenio Manuel sa tulong ni Saddani Pagayaw ,isang
katutubo sa hanggahan ng Davao at Cotabato. Isinalin ito sa Filipino nina G.E Matute at E.G.
Matute. Naririto ang maikling buong ng Tuwaang at ilang maririkit na bahagi:

Si tuwaang, ang mala-diyos na bayani ng mga Bagobo, ay hinatiran ng hangin ng balita tungkol
sa Dalagang taga Langit ng Buhong, na noo’y lumikas sa bayan ni Batooy at ngayo’y humihingi ng
tulong sa bayani. Nagpaalam si Tuwaang kay Bai, Ang kapatid niya sa Kuaman, at dinaanan muna
niya ang kaibigang binata ngt pangavukas. Sa pagkibit lamang ng kanilang mga balikat ay
napailanlang na sila sa himpapawid hanggang sa makarating sa bayan ni Batooy. Doo’y
natagpuan nila ang Dalagang taga-langit ng Buhong na nalalambungan ng itim. Malungkot na
ipinagtapat ng dalaga ang pagtakas niya sa sariling bayan na sinalasa ng Binata ng Pangamanon,
nan gang pag-ibig nitong iniluhog sa dalaga ay kanyang tangggihan. Hindi pa halos natatapos ang
pagtatapat ng dalaga nang biglang dumating ang Binata ng Pangumanon, Hatid ng
dumadagundong na hangin at nagpupuyos na init. Sunod-sunod na pinuksa ng bagong dating si
Batooy at ang mga kampon nito, gayundin ang Binata ng Pabngavukad. Ang dakila’t huling
paghahamok ay sinimulan nan i Tuwaang at ng Binata ng Pangumanon. Tumagal ang kanilang
paglalaban sa tulong ng kanilang mga itak, sibat, palihuna, balaraw at patung. Sa wakas ay
nagapi ng bayani ng mga Bagobo ang kalaban. Kasama ang dalagang taga-Langit ng Buhong,
Siya’y nagbalik sa bayan ng Kuaman at mula roon, lahat ng kanyang mga kampon, pati na ang
kapatid na si Bai, ay nagtungo sa bayan ng Katusan, sa lupang walang kamatayan.
Pansinin ang mga sumusunod na bahagi mula sa Tuwaang:

“hanging nagdaraan,
Huwag kang magdamdam
Pagkat tulong ay di kita hihingan.
Masalimuot ka kung maglalakbay
Pagkat liligoy ka pa
Sa matataas na kabundukan
Pagkat nais mong sila’y maglambingan
Sa tuktok ng mga punongkahoy
Pagkat nais mong sila’y mamulaklak”

………….

At tumindig si Tuwaang,
Ilang saglit pa’y pinanay ng taga
Ang umbok ng kalasag ng kalaban,
Na maihahambing
Sa biglang putok ng kulog.

Pagsapit ng katanghalian
Ay nagsalpukan
Ang mga umbok ng kanilang kalasag
At kanilang namalayang
Sila’y nakatayo roong umiigting sag alit
Silang dalawang minuvu
Sa gitna ng bakuran.

Wari’y iyong namamalas


Mga tutubing paroo’t parito sa mabilis na paglipad,
Ang pagluksu-luksong baliuwo.
Nasa pinakamahigpit na pagsubok
Ang dalawang lalaki
Dahil sa palitan ng taga
Sa ilag at ganting ulos.
At manliliit ka sa pagtingin
Sa lupang malalalim ang bitak
Na likha ng mga tama ng sibat,
Bunga ng taga ng mga itak”

………………..

At agad silang nagsakayan,


Lahat ng kanyang mga tauhan.
At si Tuwaang ay nangusap,
“Ang sinalimba ay hilahin nang pataas”
At inyong pagtatakhan
Ang nangungunyapit na diwata
Sa mga buhol ng taling ginintuan
Na waring
Sa langit ay bulalakaw,
Bawat isa sa mga diwata
Habang sila’y pataas na hinihila.

Samantalang sinalimba’y tumataas


Sa langit na maaliwalas,
Tumindig si tuwaang
At sila’y kanyang pinasan,
Ang dalawang binibini,
At matapos na ang balikat ay ikilos,

Nakatayo na siya roon


Sa pintuan ng kalangitan,
At matapos na iyo’y marating
Ginintuang sinalimba’y dumating din.

At doon sila namuhay


Sa bayan ng katuasan,
Sa lupaing walang kamatayan.

You might also like