You are on page 1of 2

TUWAANG (Epiko ng Mindanao)

Tuwaang ang pamagat ng epikong-bayan ng mga Manobo, mga taong nakatira sa hanggahan ng
Cotabato, Bukidnon, at Davao, at tungkol sa pakikipagsapalaran ng bayaning si Tuwaang.
Sinasabing may mahigit sa 50 kanta ang mga Manobo tungkol kay Tuwaang. Dalawa sa mga ito
ang naitala at ipinalathala ni E. Arsenio Manuel, ang Mangovayt Buhong na Langit (Ang Dalaga
ng Langit Buhong) at Midsakop Tabpopowoy (Pagdalo ni Tuwaang sa Kasalan).

Buod: Sa “Ang Dalaga ng Langit Buhong”, pumunta si Tuwaang sa lugar ni Batooy upang
pakasalan ang kararating lamang na dalaga ng Langit Buhong. Matapos ang mahabàng
paglalakbay, nagpahinga si Tuwaang malapit sa dalaga, at naikuwento nito na may isang
higanteng binata ng Pangumanon na nais siyang pakasalan. Nang hindi pumayag ang dalaga sa
kahilingan ng binata, sinunog ng lalaki ang kaharian ng babae. Tumakas siya sa kalupaan upang
magtago. Nang matapos ikuwento ito ng dalaga ay dumating ang binata ng Pangumanon,
pinatay ang mga tao, at hinamon si Tuwaang sa labanan. Natalo ni Tuwaang ang taga-
Pangumanon.

KUDAMAN (Epiko ng Palawan)

Isa ang Kudaman sa umaabot sa 60 tultul o epikong-bayan ng pangkating Palawan na nakolekta


ni Nicole Revel-Macdonald pagkatapos ng 20 taóng saliksik mulang 1970. Ang saliksik ni Revel-
Macdonald ay patunay sa napakayamang panitikang-bayan ng Filipinas. Ang bayaning si
Kudaman ay datu ng Kapatagan, may putong na kalapati at may tahanang naliligid ng liwanag.
May sasakyan siyáng malaki’t mahiwagang ibon, si Linggisan, na isang kulay lilang bakaw, na
nagdadalá sa kaniya sa iba’t ibang lupain at pakikipagsapalaran. Tuwing aalis siyá, iniiwan niya
sa mga asawa ang isang bulaklak ng balanoy na kapag nalanta ay sagisag ng kaniyang kasawian.

Ang kasalukuyang Kudaman ay inawit ni Usuy, isang babaylang Palawan, at ilang gabi niya itong
inawit. Isinalin sa Filipino ni Edgar B. Maranan ang tultul nang ilathala noong 1991.

Buod: Nagsisimula ito sa istorya kung paano napangasawa ni Kudaman si Tuwan Putli, at
pagkaraan, ang tatlo pang asawa na nagturingang magkakapatid at nagsáma-sáma sa isang
tahanan. Sinundan ito ng pagdalo sa isang pagdiriwang ng mga Ilanun upang manggulo. Ilang
taóng naglaban si Kudaman at ang pinunòng Ilanun at sa ganitong labanan ay nagwawagi sa
dulo ang bayani upang kaibiganin ang nakalaban. Anupa’t malimit magtapos ang mga bahagi ng
tultul sa malaking inuman ng tabad, ang alak ng Palawan, at pagkonsumo ng mahigit sandaang
tapayan ng alak. Dili kayâ’y nagsisimula ito sa malaking inuman na nauuwi sa labanan kapag
nalasing ang mga panauhin. Sa dulo ng mga nairekord na tultul, sampu na ang asawa ni
Kudaman na nakatagpo sa iba’t ibang abentura.
Gayunman, mapapansin diumano ang taglay na hinahon at paghahangad ng kapayapaan ni
Kudaman. Maraming tagpo ng sigalot na tinatapos sa kasunduang pangkapayapaan at
pagpapasiya alinsunod sa tradisyong Palawan. Nakapalaman din sa tultul ang mga
kapaniwalaan ng Palawan at ang konsepto nilá ng sandaigdigan.

MANIMIMBIN (Epiko ng Palawan)

Ang Maninimbin ay isa sa mga nalikom at reirekord ng etnolohistang Pranses na si Nicole Revel
sa kaniyang pagsasaliksik sa Palawan. Narinig niya ang epikong-bayan kay Masinu. Nalathala ito
sa Paris noong 2000 na may kalakip na mga salin sa Pranses at Ingles. Isa pang epikong-bayang
Palawanon, ang Kudaman, ang inilathala sa Paris noong 1983 at muling inilathala noong 1991
nang may salin sa Filipino ni Edgardo Maranan.

Buod: Ang binatang si Manimimbin na naglakbay sa paghahanap ng asawa. Nakatagpo siyá ng


isang babae na inibig niya ngunit tumutol sa kaniyang panunuyò. May kapatid ang babae, si
Labit, na naging kaibigan ni Manimimbin. Sa pagpapatuloy ng kuwento, nag-away sina
Manimimbin at Labit. Dahil kapuwa may mahiwagang kapangyarihan, tumagal ang kanilang
paglalaban at walang manalo. Naisip niláng lumipad sa langit at humanap ng tagapamagitan.
Natagpuan nilá ang Kulog at bumalik silá sa lupa. Sa ikalawang paglalakbay ni Manimimbin at sa
tulong ng mga mahiwagang ibon at ng Binibini ng mga Isda, nagwakas ang epikong-bayan sa
sabay na pag-iisang-dibdib nina Manimimbin at Labit. Nakasal si Manimimbin sa kapatid ni Labit
at si Labit sa kapatid ni Manimimbin.

You might also like