You are on page 1of 1

Pasyong dapat Ipag-alab ng Puso ng Taong 

Baba sa
Kalupitan ng Fraile
Marcelo H. Del Pilar
O Fraileng lubhang malupit Fraile iyong matatamo
Na wala nang inisip Hirap,sakit sa inferno,
Kundi manlupig ,manggahis Hunghang,masakim na tao,
Fraileng hindi na nahapis Sa apoy mo ibubunto
Sa dugo ng inocentes. Pagdaya kay Hesuskristo

Fraileng lubhang alisaga Maghahari kayong hayop


Mataas magmanukala Na tinutulutan ng Diyos
At palalo kung maghaka Umaral ng liko at baluktot
Isipin mong matiyaga Ngunit tingni’t sumusipot
Lahat mong lihis na gawa Mga Elias at Enoc

Fraile na lubhang suwail Manggugulong di-kawasa


Wala munti mang panimdim Sa mga tao sa lupa,
Ang parati mong hangad din Bakit ngayon namumutla,
Ang lumigaw at manikil Hindi mabigkas ang dila
Siya mong minamagaling At nawawalan ng diwa?
Kasakiman mo’y pagbawa,
Di ka nagdadalang- awa Ngayon ay mag-isip ka na,
sa bangkay ng mga dukha Pagsisihan ang tanang sala,
ang gawa mo’y pawang daya
mang-ulol,mag-upsala At kung hindi pirme ka nang
manlupig,mangalunya Lilipad sa dinamita!

You might also like