You are on page 1of 2

Huwag Magpapaniwala sa Lahat ng Nakikita, Baka Naman Mali ang 'Like' Mo!

(Photo Essay - Pangkat 3)

Sa panahon ngayon, napakalaki na ng naging


impluwensya ng social media sa ating araw-araw
na buhay. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa atin
upang makipag-ugnayan sa ating mga kaibigan at
kamag-anak, magbahagi ng ating mga karanasan
at ideya, at makipag konekta sa iba't ibang panig
ng mundo. Gayunpaman, hindi dapat nating
kalimutan ang mga epekto nito sa ating
pangkalusugang kaisipan, dahil baka naman mali
ang "like" natin.”

Sa social media, nakakatuklas tayo ng


mga hindi totoong realidad tungkol sa mga tao.
Ito'y dahil sa mga kasinungalingan at mga
pekeng balita na madalas kumakalat sa iba’t
ibang plataporma. Gayunpaman, marami sa atin
ang napapaniwala sa mga bagay na hindi naman
talaga totoo. Dahil sa ganitong pangyayari,
nakakaapekto ito sa kalusugan ng ating
pag-iisip at kaisipan. Sa mga taong nababahala
sa ganitong uri ng social media, maaaring
magkaroon sila ng hindi tamang perspektibo sa
buhay. Sa rason na madalas ang pagkukumpara sa ibang tao na tila mas mayaman o mas
maganda, ito ay maaaring magdulot ng masamang epekto tulad lamang ng depression at
mababang self-esteem. Sa halip na magkaroon ng tamang kaisipan, nakakalimutan nila na ang
mga taong nakikita nila sa social media ay mayroon ding mga problema at mga bagay na hindi
ipinapakita sa publiko. Ito'y nagiging dahilan kung bakit hindi natin dapat ikumpara ang ating
sarili sa kanila.

Ang social media ay nagbibigay ng presyon sa mga


tao upang magpakita ng magandang imahe ng
kanilang buhay. Hindi lahat ng magagandang
larawan at kwento na nakikita natin ay nagpapakita
ng tunay na buhay ng isang tao. Dahil dito,
maraming tao ang nahaharap sa labis na presyon
upang magpakita ng magandang imahe sa social media. Ang ganitong sitwasyon ay maaaring
magdulot ng anxiety at takot sa paghuhusga ng ibang tao sa kanila, at maaari itong magdulot
ng mga problema sa kalusugan ng kaisipan at sa pang-araw-araw na buhay. Kaya't hindi dapat
tayo magpadala sa mga nakikita natin sa social media at dapat nating alalahanin na hindi lahat
ay totoo at hindi dapat magpadala sa presyon ng social media upang magpakita ng magandang
imahe sa publiko.

Kailangan nating matutunan ang tamang paraan


ng paggamit ng social media upang maiwasan
ang ganitong mga uri ng epekto sa ating
kaisipan. Kailangan natin magkaroon ng tamang
perspektibo sa buhay at huwag ikumpara ang
ating sarili sa ibang tao. Dapat ding tandaan na
hindi lahat ng nakikita natin sa social media ay
totoo. Kailangan nating maging mapanuri at
maghanap ng mga totoong impormasyon upang maiwasan ang pagkakalat ng mga pekeng
balita.

You might also like