You are on page 1of 3

Name: Sophia Isabel S.

Larawan Date: October 20, 2022

Section: BSBA-MM 1 Activity: GAWAIN 5

Panuto: Pumili ng limang (5) larawan sa ibaba. I-copy ito at bigyan ng komprehensibo at makabuluhang
pagpapaliwanag batay sa iyong sariling pag-unawa.

Sagot:

Ungrateful or unappreciative people ay yung mga taong


nao-overwhelm or nadi-distract kapag nakuha na nila ang
gusto nila kaya they tend to forget or neglect the feelings
of the other person na tumulong at gumawa ng
kabutihan sa kanila. Halimbawa nalang nito; Tinulungan
mo ang kaibigan mong magkatrabaho pero ikaw pa ang
nasisi dahil sa mababa daw ang sweldo. Ikaw na ang
gumagawa sa lahat ng household chores pero heto sila’t
walang humpay kung magkalat. Ikaw na nga ang
nagbabayad ng lahat ng gastusin, sila pa ang
nagrereklamo at demanding. Mahirap at masakit sa kalooban kapag di naaappreciate ng ibang tao yung
mga nagagawa nating kabutihan. Although hindi naman tayo tumatanggap ng kahit na anong kapalit,
masarap padin sa pakiramdam yung alam mong thankful sayo yung taong tinulungan mo.

Mahirap ang buhay lalo na kung pinanganak kang mahirap.


Kinakailangan talaga nating kumayod kalabaw kung nais
nating mabago ang estado ng ating buhay. Kung kaya
naman naging pangarap na ng karamihan ang magkaroon
ng maraming pera. Madalas tayong tumaya sa lotto at
magbakasakaling manalo. Nagtatrabaho tayo kahit hindi na
kinakaya ng ating katawan para lamang makaipon. Naging
sentro na ang pera ng ating buhay kung kaya naman hindi
na kataka-takang nilalamon na nito ang ating isipan.
Maging ang mayayaman ay malaki ang pagpapahalaga sa
pera dahil kung mawawalan sila nito, hindi na nila
maipapagpatuloy ang pagkakaroon ng marangyang buhay. Mayaman, mahirap, magkaiba man ang
estado sa buhay' pareho lang din ng sinasamba, yun ay pera. Ngunit, at the end of the day, ang pera ay
hindi natin madadala sa hukay. Nagbibigay lamang ito ng pang samantalang kaligayahan sa atin. To
pursue happiness, one needs to be content. Huwag nating gawing sentro ng ating buhay ang pera dahil
hindi lang naman ito ang kayamanan na ating ma aaccquire in our lifetime, nandyan din ang ating
pamilya at mga kaibigan.
Laganap ang kahirapan sa bawat sulok ng mundo na
nagiging dahilan upang matukso ang karamihan na
pasukin ang mundo ng prostitusyon. Bilang isang
babae hindi ko rin lubos na maintindihan kung bakit
may mga babaeng pumapayag sa ganitong
kalakaran. Hindi ko mawari ang aking pakiramdam
kung magagalit ako sa ginagawa nila sa kanilang
katawan gamit ang aming larawan ng mga
kababaihan o maaawa dahil na forced sila sa
ganitong gawain na maaaring ikapahamak ng
kanilang buhay at kalusugan. Maraming paraan
upang kumita ng pera sa malinis na paraan. Lagi nating isipin na ang buhay ay pansamantala lamang at
hanggat binibigyan tayo ng pagkakataon at oras dito sa mundo gawin natin itong matuwid at
makabuluhan. Sumunod sa pangaral ng magulang upang hindi maligaw ng landas at higit sa lahat
panatilihin ang pagkakaroon ng takot at paniniwala sa Diyos upang mailayo ang sarili sa bawat anyo ng
kasamaan.

Usong uso na ang social media sa panahon na ngayon. Dahil dito, nilalamon na ang sistema ng
karamihan ng social media. Halos lahat ng
ganap sa ating buhay ay naipopost natin sa
ibat ibang platform gaya na lamang ng
Facebook, Twitter at iba pa. Minsan, sa
sobrang pagkawili natin sa social media,
nawawala na ang ating pagiging makatao.
Halimbawa na lamang nito ay, may isang tao
ang nangangailangan ng tulong ngunit bago
pa ito saklolohan, kukunan muna sya ng
litrato o video. Bakit nga ba ito ginagawa ng
nakararami? Dahil nga sa malaking
impluwensya sa atin ng social media, mas
iniisip pa natin na magkaroon ng viral na post bago tayo tumulong sa nangangailangan. Natutuwa ang
karamihan sa mga gumagamit ng social media kapag nakakakuha ng maraming likes at comments,
mabuti man ito o hindi. Malaking tulong ang nagagawa ng mga makabagong teknolohiya, ngunit
kinakailangan ay alam natin kung paano limitahan at disiplinahin ang sarili.
Madalas akong pagalitan ng aking Mama kapag
nagbibigay ako sa mga namamalimos sa amin sa
tindahan. Ang sabi nya ay "Malalakas naman ang mga
katawan ng mga iyon, bakit mo sila bibigyan? Hindi ba
nila kayang mag trabaho?" Dalawa lang kami sa buhay
ng Mama at sya ang breadwinner sa amin. Kung kaya
naman nagagalit sya sa mga namamalimos na malakas
naman at kaya naman mag trabaho ngunit umaasa pa sa
biyaya ng iba upang maitawid ang sarili. Sabihin na
nating mahirap sila at kailangan nila ng tulong. Ngunit
bago sila humingi ng tulong sa iba, bakit hindi muna nila tulungan ang kanilang sarili na magbago.
Mahirap man ang buhay, kung mag susumikap ang isang tao, magagawa din nyang makaahon sa hirap
na ito. Huwag tayong mag rely sa iba sa ikauunlad ng ating pamumuhay dahil kung hindi natin
tutulungan ang ating mga sarili na magbago, habang buhay tayong aasa sa iba at di aahon.

You might also like