You are on page 1of 1

Sa aking guro at kapwa ko mag aaral isang napaka gandang umaga para inyong lahat.

Nais ko lang na
hiramin ang mga bawat sandali at makinig upang maitanghal ko ang aking pagkaunawa sa pagkahilig ng
kabataan sa social media.

Siguro naman na lahat tayo ay alam na ang social media? Subalit bakit nga ba ang mga kabataan ay
nakakahiligan ang pag gamit ng iba’t ibang social media at pagbisita sa site. Dahil nga ba ito ay
nakakatanggal ng ating pagiging inip sa mga bagay na ayaw natin gawin. Ngunit sa pag gamit ng social
media madami na din pwedeng gawin dito tulad ng paggamit ng iba’t ibang klaseng social med acc.
Halos lahat na ngayon ito ang pinakaginagamit sa pakikipag komunikasyon sa malayong kaibigan o
kamag anak at ginagamit din ito ng mga milenyal upang gawing libangan. At marami na din dito ang
nagkakaroon na malapit na ugnayan ng dalawang tao. Hindi natin namamalayan na sa pag gamit ng
social media hindi na natin nagagawa ang mga bagay na makakatulong sa atin gaya ng pagsunod sa ating
mga magulang, pagawa ng proyekto sa tamang oras at kadalasan tayo ay lagging napupuyat sa pagamit
nito ng dahilan ng hindi na natin naaalagaan ang ating sarili dahil sa pag pokus natin sa social media. At
sa mga kabataang hilig ang pag lalaro nakakalimutan na din ang kanilang pag-aaral dahil sa social media
at marami na ding bata na bumabagsak. Bilang ako’y nag tatanghal ng aking saloobin sa aking naging
obserbasyon ang mga kabataan ngayon ay hindi nag papahuli sa mga uso na nakikita sa social media. At
mas nagiging aktibo sila sa bawat oras na kahit saan man sila mapunta dapat ito ay malaman ng bawat
tao na kung asaan sila, anong ginagawa nila, kung saang lugar na sila nakapunta sabihin na natin na hindi
sila nag papahuli sa bawat nagaganap sa kanilang paligid dahil mas gusto natin na makisabay sa uso.
Ngunit hindi sa lahat ng oras kailangan natin malibang sa mga bagay na nakikita lang natin minsan
kailangan din natin kumlilos dahil sa social media akala natin tayo ay nakakausad o nakakaangat sa mga
bagay bagay minsan hindi na natin namamalayan na tayo ay naiiwan o nawawalan na gaya ng pag-aaral
na dapat tayo ay pokus tayo dito pwede naman natin ito ikahilig subalit dapat alam din natin ang ating
limitasyon sa pag gamit nito upang mapanatili natin ang kabutihan at kalusugan ng ating buhay.

Ngunit ano nga ba ang dapat nating gawin mga kabataan upang magkaroon ng magandang epekto nito
sa pag gamit ng social media? Gawin natin itong kalakaran upang mag karoon ng magandang kabuluhan
ang ating buhay sa mga oras na nasasayang natin bakit hindi tayo gumawa ng mas ikakataas natin sa
sarili natin gaya ng pag gawa ng proyek to sa ating eskuwela, makinig sa ating online class at mas ipakita
natin na ang pag gamit ng social media ay hindi lang nakakaapekto sa mga bata subalit may mga ilang
bata na marunong limitahan ang bawat oras nila upang mas bigyang halaga ang mga bawat oras o
Segundo sa kanilang mahahalagang bagay sa kanilang buhay. Muli maraming salamat sa pakikinig sa
aking saloobin na sana ay may natutunnan kayo at hindi lahat ng kabataan ay naapektuhan ng
masamang pag gamit ng social media subalit kailangan lang din natin limitahan ang bawat oras ng ating
buhay dahil hindi natin namamlayan tayo ay nauubos na o nawawalan na.

You might also like