You are on page 1of 1

Modyul 3- Takdang Gawain 1

Ang internet ay may mabuti at masamang epekto ito sa atin kaya naman ay dapat nating
limitahan ang paggamit ng internet para ito ay hindi makasama sa atin. Dahil ang ilan ay sa
internet na nila ginugugol ang lahat ng oras kaya naman ay wala na silang oras para sa
kanilang pag aaral at ang epekto nito ay mababang marka ang nakukuha sa eskuwelahan.

Maraming naidudulot na magandang epekto at hindi magandang epekto ang internet sa


kabataan. Nagdudulot ito ng magandang kapakinabangan sa mga kabataan ang internet lalo na
sa kanilang mga research papers, mga proyekto at mga takdang aralin. Halos lahat ng
kalangan ng isang tao ay masasabi nating nasa internet na o masasgot na ng internet sa isang
click lamang. Pero dahil sa pagiging kampante na nasa internet naman na lahat ng dapat
kailanganin tatamarin na ang mga kabataan na arlin ang kanilang leksyon. Hindi lahat ng mga
impormasyon na napost sa internet o hindi lahat ng nahahanap na source sa internet ay
makapagkakatiwalaan.

May mga websites na akala mo tama ang ibinibigay na impormasyon iyon pala ay gawa-gawa
lamang o kaya naman ay hindi maikokonsiderang fact dahil wala naman itong basihan. Ang
ibang websites naman ay ginagamit upang makapagloko ng ibang tao upang perahan sila dahil
sa subrang hirap ng buhay ngayon. Marami pang masamang epekto ang internet sa kabataan
ito ay ang hindi nila namamalayan na napapabayaaan na nila ang kanilang pag-aaral dahil mas
inuuna pa nila ang pag gamit ng internet kaysa sa mag-aral at minsan naman ay hindi na sila
nakakakain sa tamang oras at naakatulog ng tamang oras dahil ito sa pagkahumaling nila sa
paggamit ng internet. Ang epekto nito sa pag-iisip ng kabataanay ang tatamarin na mag-isip
ang mga kabataan dahil ang sagot nakakailanganin naman na nila ay masasbing nasa internet
na. ang epekto naman ng internet sa pakikitungo sa iabgn tao ay may mabuti ring epekto dahil
sa internet nalalaman nila kung paano nila pakikitunguhan ang isang tao.

You might also like