You are on page 1of 24

KAGAWARAN NG EDUKASYON

SANGAY NG LUNGSOD NG JOSE DEL MONTE


San Ignacio St., Poblacion, City of San Jose del Monte 3023
10

Filipino
Kwarter 2 – Modyul: 4
Naihahambing ang Mitolohiya
mula sa Bansang Kanluranin sa
Mitolohiyang Filipino
(F10PU-tla-b-73)
Filipino – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa
mitolohiyang Filipino

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
10

Filipino
Kwarter 2 – Modyul :4

Naihahambing ang mitolohiya


mula sa bansang kanluranin sa
mitolohiyang Filipino
(F10PU-tla-b-73)

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Isang malugod na pagbati ang ipinaabot sa iyo ng mga tagapagtaguyod ng edukasyon.
Bahagi ng hakbanging maging mapanuri, malikhain, may katatasan sa pakikipagtalastasan at
ganap ang pagkatao ng isang mag-aaral, inihanda ang kagamitang pampagkatutong ito
upang makaagapay ka sa ika-21 siglong kasanayan.
Maingat na inihanda at sinuri ng mga guro at tagapagtaguyod ng edukasyon sa
pampublikong paaralan ng Sangay ng Lungsod ng San Jose del Monte ang mga
gawain/pagsasanay sa kagamitang pampagkatutong ito upang malinang ang kritikal na
kaalaman na magagamit sa aktuwal na buhay at matamo ang konkretong pagkatuto na
maghahatid sa isang tematikong pagtanaw hinggil sa paggamit ng natutuhan.
Ang bawat gawain na inilahad sa modyul ito ay ibinatay sa pamantayang
pangkasanayan upang sanayin ang mag-aaral na tulad mo na makalikha ng isang
produktibong bunga ng iyong mga natutuhan. Bawat gawain ay iniuugnay batay sa
kakanyahang mailapat at mailipat ang mga natutuhan sa isang kapaki-pakinabang na literasi.
Hangad ng mga tagapagtaguyod na maikintal sa iyong isipan ang kapakinabangang
matutuhan mo mula sa kagamitang ito upang maging handa ka sa pagharap sa hamon ng
buhay.
Handa ka na bang harapin ang pakikipagsapalaran sa pagbungkal ng mga
karunungan at kaalaman? Kung handa ka na, halika sabayan mo ako sa pag-aaral ng mga
aralin sa Asignaturang Filipino 10 upang sabay tayong matuto. Maligayang Pag-aaral!
Naglalahad ang modyul na ito ng mga bahagi na may katumbas na icon upang
maunawaan mo ang araling iyong pag-aaralan at ang mga gawain o pagsasanay na lubos na
magpapatatag sa iyong kasanayan.

Alamin Mababasa at mauunawaan mo sa bahaging ito ang kasanayang


bibigyang diin sa modyul na ito upang mapaunlad.
Ito ay naglalaman ng pagsasanay na susukat ng iyong
Subukin natatagong kaalaman na may kaugnayan sa iyong karanasan.

Binibigyang pansin dito ang mga impormasyong napag-aralan


Balikan mo na mag-uugnay sa araling pag-aaralan mo sa modyul na ito.

Tuklasin Ipakikilala sa iyo sa bahaging ito ang bagong aralin sa tulong ng


lunsarang akdang pampanitikan.
Ang mga impormasyong dapat mong maunawaan at malinawan
Suriin ay nasa bahaging ito upang mapalawak at mapalalim mo ang
iyong pagkatuto sa aralin.

ii
Ang pagpoproseso sa mga kaalamang nailagak mo sa iyong
Isaisip isipan ay matutunghayan mo dito upang malaman mo ang
natamong kaalaman.

Ang pagtitiyak sa kasanayang nalinang ay masusukat sa


Isagawa bahaging ito sa pamamagitan ng paglilipat ng iyong natutuhan
upang magamit mo sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Titiyakin sa bahaging ito ang iyong mga natutuhan bilang


Tayahin pagtatasa upang mabigyan nang ibayong pansin ang mga
bahagi ng aralin na dapat pang paunlarin

Karagdagang Ang gawaing inihanda sa bahaging ito ay lalo pang


Gawain magpapaunlad ng mga natutuhan mula sa araling nakapaloob
sa modyul na ito

Malalaman mo ang iyong mga kamalian at wastong kasagutan


Susi sa sa tulong ng bahaging ito upang mapagnilayan ang iyong
Pagwawasto kalakasan at kahinaan sa pagtuklas ng kaalaman

Paalala
Nais kong ipaalala na ang modyul na ito ay isang mahalagang pamana sa iyo ng
Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na dapat mong pakaingatan. Narito ang ilang tagubilin na
iyong gagawin upang ito ay maingatan.

1. Panatilihing malinis at maayos ang modyul. Sagutin ang mga gawain na inihanda sa
modyul na ito.

2. Ugaliing basahin at unawain ang bawat panuto sa mga gawain bago sagutan. Huwag iiwan
ang gawain o pagsasanay na hindi natapos sagutan.

3. Itabi ang modyul sa isang maayos na lalagyan kapag hindi na ginagamit o gagamitin. Isauli
sa guro ang modyul matapos na masagutan ang mga gawain o pagsasanay kasabay ang
inihanda mong portfolio. Gawin mo itong malikhain at maayos ang paghahanay ng mga
sinagutang gawain/pagsasanay.

4. Iwasan na mabahiran ng anumang mantsa, dumi o mabasa na magiging sanhi ng


pagkupas ng kulay nito.

5. Balikan ang mga naging kasagutan sa bawat pagsasanay o gawain. Itama ito sa tulong ng
susi sa pagwawasto. Pagnilayan ang mga maling sagot.

iii
6. Maghanda ng hiwalay na sagutang papel para sa mga pagsasanay at gawain na iyong
sasagutan sa bawat bahagi ng paketeng ito. Ipunin ang mga sagutang papel at ilagak mo sa
iyong portfolio.

Narito ang iyong gabay sa paghahanda ng Portfolio:

Portfolio para sa Filipino

Pangalan:
Baitang at Pangkat:
Petsa ng Pagpasa:
Guro:
Paaralan:
Punong guro:

iv
Alamin

Matutunghayan mo sa modyul na ito ang paksa tungkol sa pagsuri ng akdang


mito kaya’t inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay iyong mahihinuha at
maihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Filipino.
(F10PU-tla-b-73)

a) Matutukoy ang katangian ng mitolohiya sa Pilipinas at sa bansang Roma.


b) Masusuri ang katangian ng mitolohiyang binasa sa tulong ng mga gabay na
tanong at grapikong presentasyon.
c) Mabibigyang pansin ang katangian ng mga pangunahing tauhan sa mitong
binasa.
d) Maisusulat ang pagkakaiba ng mitolohiya sa Pilipinas at sa kanluraning bansa.

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan o pahayag.


Punan ang nawawalang mga titik upang mabuo ang kasagutan.Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

M ___ ___ O ___ ___H I ___ ___1. Ito ay isang koleksyon ng mga alamat o
kuwento tungkol sa isang partikular na tao, kultura, relihiyon, o anumang grupo na
may mga ibinahaging paniniwala
___ L A ___ ___ T 2. Ito ay panitikang nagsasaad ng pinagmulan ng mga bagay-
bagay.
B ___ ___ H A ___ A 3.Popular na tauhan sa mitolohiyang Filipino na kilala rin
bilang Maykapal. Ang siyang lumikha ng lahat at ng buong sanlibutan. Inihahambing
sa Diyos ng mga Kristyano.
A ___ I M I ___ M ___ 4. Ito ay isa sa sinaunang relihiyon ng mga Filipino bago pa
dumating ang Kristiyanismo sa bansa.
A P ___ ___L A ___ I 5. siya ang pinapaniwalaang diyos ng digmaan, paglalakbay
at pangangalakal sa mitolohiyang Filipino.

1
Balikan

Panuto: Suriin ang katangian ng ilang diyoso at diyosa sa bansa. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

2
Tuklasin

Gawain 1: Pagsuri
Panuto: Sa loob ng kahon makikita ang mga pangalan ng diyos at diyosa. Ihanay
ang mga ngalan kung saang bansa ito nagmula. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

- Apollo - Mapolan
-Zeus - Amanikable
-Sitan -Hera
-Apolaki - Bathala
-Hermes -Poseidon

PILIPINAS GRESYA

_______

Gawain 2: Pagtatala ng impormasyon


Panuto: Batay sa iyong sariling kaalaman ilarawan ang mitlohiya mula sa bansang
Pilipinas. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Paglalarawan sa mitolohiya ng Pilipinas

3
Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga
mito/myth at alamat. Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang
pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-
diyusan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng mga
sinaunang tao. Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at
mula sa Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw
pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig.

Gawain 3: Bumasa at sumuri

“Celestina ang kalahating Diyosa”

Tauhan:
Celestina- Anak ni Mayari, nagtataglay ng hindi matatawarang kagandahan at
katapangan
Mayari- Ina ni Celestina, may angking kariktan at kababaang-loob
Kaptan- diyos ng Kalangitan at ama ni Celestina
Sidapa- diyos ng kamatayan
Balangaw- Kalahating diyos, anak ni Idiyanale na diyos ng agrikultura

Tagpuan:
Bal-Aw - Bayang matatagpuan sa kagubatan ng Bulacan
Kalibutan - Tahanan ng mga Bathala
Dag-um - Kaharian ni Sidapa

Tahimik na namumuhay sa Bal- Aw, isang liblib na gubat sa probinsya ng


Bulacan ang tribu ng Kabanwa. Pagsasaka at pangangaso ang karaniwang
ikinabubuhay ng mga taong naninirahan dito, kabilang ang mag-inang Mayari at
Celestina. Ang mag-ina ay hinahangaan hindi lamang sa kanilang tribu maging sa
mga kalapit na tribu ito ay dahil sa taglay nilang kagandahan at kabutihan. Kahit silang
dalawa lamang ang magkasamang namumuhay ay nirerespeto sila ng lahat dahil
bukod sa kanilang katangian ay kilala rin si Mayari bilang matapang na mandirigma
ng kanilang lugar. Ngunit palaisipan sa lahat kung sino ang ama ng anak ni Mayari na
si Celestina. Maging si Celestina ay hindi batid ang tunay na pagkatao ng kanyang
ama dahil hindi nagbibigay ng kahit na anong impormasyon si Mayari kaugnay sa
usaping ito.

4
Lumipas ang maraming taon at patuloy na naging tahimik ang pamumuhay ng
mag-ina hanggang sa isang araw ay dinapuan ng hindi maipaliwanag na karamdaman
si Mayari. Walang kahit na sinong babaylan sa Bal- Aw ang nakapagsasabi kung ano
ang karamdaman ng ina ni Celestina. Isang gabing maliwanag ang buwang
tumatanglaw sa kagubatan ng Bulacan ay taimtim na nanalangin si Celestina sa mga
diyos. Lingid sa kanyang kaalaman ay matagal na siyang binabantayan ng kanyang
ama na si Kaptan, ang diyos ng kalangitan. Habang nagdarasal si Celestina ay
pinagmamasdan siya ng mga diyos sa Kalibutan, ang tahanan ng mga diyos at diyosa.
Iminungkahi ni Sinukuan (diyosa ng mga butuin) na pagalingin ni Tambal (diyos ng
pagpapagaling) ang ina ni Celestina. Ngunit hindi sumang-ayon dito si Magwayen
(diyos ng karagatan) dahil isa sa kanilang napagkasunduang alituntunin na hindi
makikialam sa buhay ng mga mortal kahit ano ang mangyari. Kaya kahit mabigat sa
loob ng ilang mga diyos at diyosa ay hindi nila matulungan ang kalahing diyos na si
Celestina.
Unti-unti nang ginugupo ng kakaibang karamdaman si Mayari at hindi alam ni
Celestina ang gagawin wala siyang magawa kundi ang umiyak sa tabi ng ina. Habang
mahimbing na natutulog si Celestina ay dumalaw sa kanyang panaginip si Kaptan.
Ipinakilala ni Kaptan ang kanyang sarili ngunit hindi nito sinabi na siya ay ang kanyang
ama. Itinagubilin ni Kaptan kay Celestina na puntahan si Balangaw dahil siya ang
nakakaalam ng magiging lunas sa sakit ng ina. Bago matapos ang panaginip ay
ibinigay ni Kaptan ang isang mahiwagang kuwintas. Nang magising si Celestina ay
agad itong naghanda sa paglisan pagkat batid niyang kaunti na lamang ang natitirang
panahon upang mailigtas niya ang kanyang ina. Itinagubilin niya si Mayari sa kanilang
mga kanayon at nangakong babalik upang mapagaling ang ina. Sa loob ng dalawang
gabing paglalakbay sa mga kabundukan ay narating ni Celestinaang ang Sugbu. Hindi
maunawaan ni Celestina ang sarili pagkat pakiramdam niya ay kaya niyang lampasan
ang lahat ng balakid na kanyang tatahakin kaya buong tapang niyang hinanap ang
tinutuluyan ni Balangaw. Hanggang mapadpad siya sa isang lugar na napupuno ng
iba’t- ibang klase ng halaman at bulaklak sa gitna ng magandang lugar ay makikita
ang napakataas na punong Narra. Dito nagtungo ang dalaga, bitbit ang lakas ng loob
ay isinigaw niya ang pangalan ng kanyang sadya. Mula sa matayog na puno ay
bumaba ang makisig na binata. Pinagmasdan ng binata ang dalaga at sa unang
pagsulyap pa lamang ay nabihag na ang binata sa kariktang taglay ng dalaga.
Hanggang sa madako ang kanyang paningin sa suot na kuwintas ni Celestina.
Naramdaman ni Balangaw na tulad niya ay isa ring kalahating diyos si Celestina.
Pinatuloy ni Balangaw si Celestina sa kanyang tahanan at dito ay isinalaysay
ni Celestina ang kanyang sadya. Ipinagtapat din ni Celestina na ang kuwintas ay
galing sa diyos ng kalangitan na si Kaptan. Naunawaan ni Balangaw ang sadya ni
Celestina at dahil nabihag ng kagandahan ni Celestina si Balangaw ay ipinagtapat nito
na siya ay kalahating diyos. Gulat man ay nabuhayan ng loob si Celestina na
matutulungan siya ng binata. Sinabi ni Balangaw na nasa kanya ang ilang halamang
gamot na makatutulong upang mapagaling ang ina ni Celestina ngunit ito ay
nangangailangan ng importanteng sangkap na matatagpuan lang sa Dag-um, ang

5
kaharian ni Sidapa na diyos ng Kamatayan. Kailangan nilang maglakbay upang
marating ang kaharian ng kamatayan. Hindi na nag-atubiling sumama si Balangaw
kay Celestina upang makuha ang tubig mula sa batis ni Sidapa.
Nang marating nila ang bungad ng kwebang tanging daan patungong Dag-um
ay sinalubong sila ni Santelmo, isang asong nagbubuga ng apoy. Ito ang
tagapagbantay ng Tarangkahan ni Sidapa. Gamit ang espada na mula sa kanyang
amang si Idiyanale, (diyos ng agrikultura) buong tapang na nilabanan ni Balangaw
ang aso ngunit sadyang mabilis at malakas si Santelmo. Nakita ni Celestina na
nahihirapan si Balangaw sa pakikipaglaban ngunit wala siyang maisip na maitutulong
hanggang sa mahawakan niya ang kuwintas na bigay ni Kaptan. Ang kuwintas ay
nagliwanag at naging pana at palaso. Nagkaroon rin ng kakaibang liksi si Celestina
kaya’t agad niyang pinana si Santelmo na agad namang binawian ng buhay. Nagulat
man sa nangyari ay nagmadali ang dalawa na pumasok sa loob ng tarangkahan.
Bumungad sa kanila ang hindi mabilang na mga kaluluwa at ang napakaingay na
sigaw ng pagmamakaawa at hinagpis. Nabatid nilang sila ay nasa kaharian na ni
Sidapa. Naramdaman ni Sidapa ang pagdating ng kanyang mga mga panauhing
kalahating diyos kaya agad niyang pinuntahan ang dalawa.
Nakaharap sina Celestina at Balangaw sa trono ng diyos ng kamatayan na si
Sidapa sa likod ng kanyang trono ay naroroon ang kanilang sadya. Dumagundong sa
lugar na iyon ang sigaw ni Sidapa na hindi na sila makakaalis sa kaharian nito. Biglang
naglaho si Sidapa at lumitaw ang isang Gorgon, isang higanteng ahas na nagiging
tubig ang katawan tuwing nahihiwa ng alin mang sandata. Hindi naging mabisa ang
sandata ng dalawa kaya’t hirap na hirap sila sa pakikipaglaban kahit na magtulungan
pa sila. Hanggang matamaan ni Balangaw ang mata ng ahas subalit sa kasawiang
palad ay tuluyang natamaan nang buntot ng Gorgon si Balangaw hindi na nito
magawang lumaban dahil sa natamong pinsala. Walang magawa si Celestina kundi
umiwas. Naisip niyang ang lahat ng nilalang ay may kahinaan. Hinanap niya ang
kahinaan ng Gorgon habang siya ay umiiwas at nakita niya ang pilat nito sa mata na
marahil ay gawa ng tamaan ito ni Balangaw. Dahil doon ay nagkaroon ng ideya si
Celestina. Inasinta niya ang mata ng Gorgon sabay niyang pikawalan ang dalawang
palaso na tumama sa mata ng Gorgon. Isang matinis na palahaw ng nasasaktan na
Gorgon ang namayani sa lugar hanggang tuluyang naging abo ang Ahas. Dinaluha ni
Celestina ang binatang si Balangaw at inalalayan niya ito hanggang sa sila ay
makarating sa batis. Dahil sa pagod ay minabuti narin ni Celestina na uminom at
pinainom niya rin ang kasama. Gulat na gulat ang dalaga ng maramdamang
nanumbalik ang lahat ng kanyang lakas at nang lingunin niya ang kanyang kasama
ay nawala ang mga pasa nito at mahimbing na lamang na natutulog. Agad na sumalok
ng tubig ang dalaga at ginising ang kasamang binata.
Nang makauwi sa Bal-Aw ay agad sinalubong ng mga katribu si Celeste at ang
binatang kasama nito. Inihanda agad ni Balangaw ang gamot para sa ina ng dalaga.
Makalipas lamang ang ilang minuto ay nanumbalik ang sigla ng mukha ng ina ng
dalaga na tila mas bumata ang anyo. Sa sobrang tuwa ay nayakap ng dalaga ang
binata. Ngumiti naman sa isa’t isa ang dalawa ng mapansin ang kanilang ginawa.

6
Nagising si Mayari ng may ngiti sa mga labi. Isinalaysay ni Celeste ang pinagdaanan
upang mapagaling ang ina. Nagulat si Mayari nang matuklasan na tinulungaan ito ng
diyos ng kalangitan na si Kaptan. Ipinagtapat ni Mayari sa anak na si Kaptan ang
kanyang tunay na ama. Naisip ni Celeste na kaya pala pangungulila at pagkasabik
ang kanyang nadama ng makita ang diyos ng kalangitan. Ganun paman ay masaya
si Celeste dahil magaling na ang ina. Nagdisesyon din sina Balangaw at Celeste na
maglakbay sa iba pang panig ng mundo upang makilala pa ang hiwaga ng mundong
kanilang kinabibilangan. Buong lugod na sinuportahan ni Mayari ang disesyon ng
anak. Doon nagpatuloy ang paglalakbay ni Celeste na kalahating diyos at kalahating
mortal.

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Bakit hindi matulungan ni Kaptan ang anak na naghihinagpis?


2. Masasalamin ba sa kultura ng mga Pilipino ang ginawang pagmamalasakit ni
Celestina sa kanyang ina? Bakit?
3. Paano napagtagumpayan ni Celeste ang kanyang suliranin?
4. Anong katangian ni Celeste ang tumulong sa kanya upang mapagtagumpayan ang
suliranin? Ipaliwanag?
5. Paano nagapi ni Celeste ang nilalang na pilit humaharang sa kanilang
paglalakbay?

7
Suriin

Alam mo ba?
Sa Klasikal na Mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na
pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga
sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao, ng mga katangian ng
iba pang mga nilalang.Ipinaliliwanag rin dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan
sa daigdig – tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha, kamatayan, at apoy. Ito ay
naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa. Hindi man ito kapani-
paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa, at mga bayani, tinuturing itong sagrado at
pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya at
ritwal.
Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang
naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang, at sa
mga pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang mga mitong ito sa mga
kuwentong – bayan at epiko ng mga pangkat-etniko sa kasalukuyan. Mayaman
saganitong uri ng panitikan ang mga naninirahan sa bulubundukin ng Luzon, Visayas,
at Mindanao. Ilan sa mga kilalang diyos at diyosa sa Pilipinas ay ang sumusunod.
1. Bathala- Pinakamataas na diyos. Ang hari ng daigdig.
2. Kaptan- diyos ng Kalangitan ng mga bisaya.
3. Tala- Diyosa ng mga bituin
4. Sidapa- diyos ng kamatayan
5. Idiyanale- Diyos ng agrikultura

Ang Mitolohiya ng Taga-Rome


Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal,
atmoralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa Sinaunang
Taga-Rome hanggang ang katutubong relihiyon ay mapalitan na ng Kristiyanismo.
Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. Itinuring ng mga
Sinaunang Taga-Rome na nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga
mito kahit ang mga ito ay mahimala at may elementong supernatural. Ang kanilang
mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop. Labis nilang nagustuhan
ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin nilang parang kanila at pinagyaman
nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalan ang karamihan sa mga diyos at diyosa.
Ang ilan ay binihisan nila ng ibang katangian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at
diyosa ayon sa kanilang paniniwala at kultura. Sinikap nilang ipasok ang kanilang
pagkakakilanlan sa mga mitolohiyangkanilang nilikha. Isinulat ni Virgil ang “Aenid,”
ang pambansang epiko ng Rome at nagiisang pinakadakilang likha ng Panitikang
Latin. Isinalaysay ni Virgil ang pinagmulan nglahi ng mga taga-Rome at kasaysayan
nila bilang isang imperyo. Ito ang naging katapatng “Iliad at Odyssey” ng Greece na
tinaguriang “Dalawang Pinakadakilang Epiko saMundo” na isinalaysay ni Homer. Si

8
Ovid na isang makatang taga-Rome ay sumulat rinyon sa taludturang ginamit ni
Homer at Virgil sa kaniyang “Metamorphoses.” Subalit
hindi ito tungkol sa kasaysayan ng Roman Empire o ng mga bayani, kundi sa
mgadiyos at diyosa, atmga mortal na may katangian ng mga diyos at karaniwang mga
mortal. Lumikha siya ng magkakarugtong na kuwento na may temang mahiwagang
pagpapalit-anyo. Sa mga akdang ito ng mga taga-Rome humuhugot ng inspirasyon
ang mga manunulat at mga alagad ng sining sa buong daigdig mula noon hanggang
ngayon.

Gawain 4:

Ngayong alam mo na ang kaisipan sa likod ng mitolohiya ng Pilipinas at Roma.


Isulat sa loob ng Ulap na presentasyon ang impormasyong kaugnay sa mitolohiya ng
dalawang bansa.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mitolohiya sa Mitolohiyang Romano


Pilipinas

__________ __________ __________


__________ ____ ____ ____
____

9
Pagyamanin

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Panuto: Batay sa nabasa mong Mitolohiya ilarawan ang katangian ng ilang


pangunahing tauhan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

__________________________
Mayari __________________________
__________________________
___.

Celestina __________________________
__________________________
__________________________
___.

Balangaw __________________________
__________________________
__________________________
___.
Pinatnubayang Pagtatasa 1

Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon. Bumuo ng isang diyos o diyosa na may
tatlong katangian na makatutulong sa suliraning kinakaharap ng bansa.
Pangatwiranan ang nabuong katauhan.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pangalan

Katangian
Katangian

Katangian

Paliwanag

10
Malayang Pagsasanay 1

Panuto: Isulat kung ikaw ay sumasang-ayon o hindi sa naging hakbang ilang mga
tauhan sa akdang binasa. Pangatwiranan ang iyong kasagutan. Isulat sa sagutang
papel ang iyong kasagutan.

1. Ibinuwis ni Celestina ang kanyang buhay para sa kanyang ina.


___________________________________________________________________
__________________________________________________.

2. Hindi agad sinabi ni Mayari sa kanyang anak ang tunay na pagkatao ng ama.
___________________________________________________________________
__________________________________________________.

3.Buong lugod na tinulungan at pinagkatiwalaan ni Balangaw si Celestina sa una pa


lamang nilang pagkikita.
___________________________________________________________________
__________________________________________________.

Isaisip

Panuto: Sa tulong ng grapikong presentasyon na Flow chart isulat ang daloy ng mga
pangyayari sa mitolohiyang “Celeste ang kalahating diyosa”. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

“PAMAGAT”

11
Isagawa

Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon na Venn Diagram ipakita ang Katangian
ng Mitolohiya sa Pilipinas at Roma. Ibigay rin ang kanilang magkatulad na
katangian.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

P
Katangian Katangian
I
L
R
I
O
P Pagkakatulad na
katangian M
I
A
N
A
S

12
Tayahin

Panuto: Base sa Mitolohiyang Mayari ang kalahating Diyos. Basahin at unawain ang
katanungan sa bawat bilang.Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.

1. Diyos ng Kalangitan at ama ni Celestina


a. Sinukuan c. Sidapa
b. Idiyanale d. Kaptan
2. Nagmungkahi tungkol sa makapagpapagaling kay Mayari at Diyosa ng mga bituin.
a. Sinukuan c. Sidapa
b. Idiyanale d. Kaptan
3. Bantay sa tarangkahan patungong Dag-um.
a. Tambal c. Santelmo
b. Magwayen d.Gorgon
4. Tirahan o lugar ng mga diyos at diyosa.
a. Kalibutan c. Bal-aw
b. Dag-um d. Bulacan
5. Sa lugar na ito matatagpuan ang tribu ng mga Kabanwa.
a. Kalibutan c. Bal-aw
b. Dag-um d. Bulacan

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Base sa nabasang mitolohiya ipakilala ang mga tauhan gamit ang bagay na
maglalarawan sa kanilang katauhan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Mayari Bagay: Paliwanag:


____________ ____________
____________ ____________
____________ ____________
____________

2.. Celestina Bagay: Paliwanag:


____________ ____________
____________ ____________
____________ ____________
____________

Bagay: Paliwanag:
____________ ____________
3. Kaptan ____________ ____________
____________ ____________
____________

Bagay: Paliwanag:
____________ ____________
4. Balangaw ____________ ____________
____________ ____________
____________

14
15
Iba pang Gawain Pagyamanin
Malayang kasagutan
Malayang kasagutan
Tayain
1. d 2. a 3. c 4. a 5. c
Gawain 1 Pinatnubayang Pagsasanay
Malayang kasagutan
Pilipinas(Amanikable,Bathala, Sitan,
Apolaki, Mapolan)
Griyego (Apollo, Zeus, Hermes,
Poseidon, Hera)
Gawain 2 Subukin
Malayang pagsagot
1. Mitolohiya
Gawain 3
1. Karamdaman ng ina 2. Alamat
2. Balangaw 3. Bathala
3. -5 Sariling kasagutan
4. Animismo
Karagdagang gawain
Malayang pagsagot 5. Apolaki
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Modyul sa Filipino 10 mula sa Literature – World Masterpieces, (Prentice Hall,1991)


at Panitikan sa Pilipino 2 (Pandalubhasaan), (GONZALES,1982)

16
This material was contextualized and localized by the
Learning Resource Management Section (LRMS)
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE

MERLINA P. CRUZ PhD, CESO VI


Officer-in-Charge
Office of the Schools Division Superintendent

ERICSON S. SABACAN EdD, CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

ROLANDO T. SOTELO DEM


Chief Education Curriculum
Curriculum and Implementation Division

ANNALYN L. GERMAN EdD


Education Program Supervisor, LRMS

AMELITA A. CAMPO
Education Program Supervisor, Filipino

JOVIL A. CARDINEZ
Muzon Harmony Hills High School
Writer

SANDY C. FAJARDO
Schools Division Office
Layout Artist

MICHAEL L. SANTOS
Bagong Buhay G Elementary School
Cover Art Designer

RESLEY C. VINOYA
Muzon Harmony Hills High School
Content Editor

MARIA NENE P. FLORES


Muzon Harmony Hills High School
Language Reviewer

17
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of San Jose Del Monte City –


Learning Resource Management and Development Section (LRMDS)

San Ignacio Street, Poblacion, City of San Jose Del Monte, Bulacan

Email Address: lrmssdosjdmc@gmail.com

You might also like