Professional Documents
Culture Documents
G7 1 Fil
G7 1 Fil
FILIPINO
Unang Kwarter-Modyul
Mga Akdang
1
Pampanitikan: Salamin ng
Mindanao
Filipino- Grade 7
Alternative Delivery Mode
Unang Kwarter - Modyul1: F7PN-Ia-b-1 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang
panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong batay sa mga pangyayari at usapan
ng mga tauhan
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala:
Page 2
FILIPINO 7
Unang Kwarter
Aralin 1: Ang
Munting Ibon
(Kuwentong-Bayan)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa araling panitikan na tumatalakay sa kaugalian at kalagayang
Page 3
panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong batay sa mga pangyayari at usapan
ng mga tauhan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Points to Ponder!
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
panitikang Ang Munting Ibon na isang kuwentong- bayan. Ang modyul na ito ay ginawa
bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Page 4
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Page 5
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
ALAMIN
Page 6
Pilipino. Ngunit tulad ng nakasulat sa kasaysayan ng Pilipinas,hindi ganap
ang
pagsasalaysay sa kahalagahan ng lahat ng bahagi ng bansa, maraming
bagay pa ukol
sa Mindanao ang hindi batid ng marami: kasaysayan, kultura at panitikan.
Sa modyul na
ito, matututuhan mo ang mga panitikang Pilipino mula sa Mindanao. Sa
pag-aaral ng mga panitikang Mindanaoan, inaasahang higit mong mauunawaan at
mapahahalagahan ang iyong pagka-Pilipino. https://peac.org.ph/wp-
content/uploads/2019/10/FilipinoGr7Qtr1-Reg.pdf
SUBUKIN
Page 7
3. Isang matabang usa ang kanyang nadale.
II. Isulat sa kahon ang kasalungat ng salitang nakadiin ayon sa gamit ng pangungusap.
Page 8
Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong.
TUKLASIN
Pagbasa:
Ang Munting Ibon
Kuwentong-Bayan ng Maranao
“Upang mapagtibay ang relasyon sa kapwa, maging magalang, matapat, at mabuti ka.”
Kinabukasan, maagang ginising ni Lokes a Mama ang asawa. Gusto niya kasing sabay
silang magtungo sa kagubatan upang sabay ring Makita ang mga huli ng kani-kanilang
mga bitag. Gulat na gulat si Lokes a Babay nang makita ang matabang using nakasabit
sa bitag ng asawang nasa itaas ng puno samantalang ang kanyang bitag na nasa tabi ng
puno ay nakahuli lang ng isang maliit na ibon. Ipinagtataka niya kung paanong ang
Page 9
bitag na nasa itaas ng puno ang nakahuli ng isang usa subalit hindi na lang siya
kumibo. Sa halip, iniuwi niya ang munting ibon at inilagay ito sa isang hawla.
Samantalang, iniuwi naman ni Lokes a Mama ang kanyang huli at saka iniluto.
Umaamoy sa kapaligiran ang nakakagutom na amoy ng nilulutong usa subalit nang
handa na’y agad itong nilantakan ng lalaki nang hindi man lang nag-alok sa kanyang
asawa. Sinolo niyang kainin ang buong usa sa loob ng tatlong araw kahit alam niyang
gusto rin ito ng kanyang asawa. Isa pa’y ang bitag naman talaga ni Lokes a Babay ang
totoong nakahuli sa usa. Likas siyang maramot at walang pagpapahalaga sa asawa kaya
hanggang sa maubos ang usa ay hindi niya binigyan si Lokes a Babay na nanatiling
walang kibo sa kabila ng ginagawa ng asawa.
Nang maubos niya ang nilutong usa ay muling niyaya ni Lokes a Mama ang asawa.
“Gusto ko uling makatikim ng matabang usa. Halika, maglagay tayong muli ng bitag sa
gubat,” ang kanyang paanyaya sa asawa. Muli, naglagay ang dalawa ng kani-kanilang
mga bitag. Subalit hindi marunong umakyat ng puno si Lokes a Babay at dahil hindi
man lang siya tinulungan ni Lokes a Mama ay inilagay na lang niya uli ang kanyang
bitag sa tabi ng puno kung saan siya dating naglalagay.
Nang siya’y makatulog ay nanaginip siya. Napanaginipan niyang pinakakain daw niya
ng palay ang kanyang alaga at anong laking gulat niya nang mangitlog ito ng isang
montias o isang mamahaling hiyas.
Nagising na lang siya dahil tinatawag na pala siya ni Lokes a Mama para tingnan ang
kanilang mga bitag. Subalit wala na siyang interes sa bitag. “Ikaw na lang ang
pumunta,” ang sabi niya sa asawa. “Masakit ang ulo ko at mas gusto ko pang
magpahinga na lang.” ang dugtong pa niya.
“Bahala ka. Basta’t pag may nahuli ako ay hindi uli kita bibigyan. Kanya-kanya tayo,”
ang sabi ni Lokes a Mama habang pababa ng hagdan. Hindi sumagot si Lokes a Babay.
Sanay na siya sa pagiging tuso at madamot ng kanyang asawa. Wala rin itong
pagpapahalaga sa kanya at hindi niya naramdamang mahal siya nito.
Pagkaalis ng kanyang asawa ay agad niyang pinuntahan ang kanyang munting ibon.
Kumuha siya ng palay at ipinatuka sa ibon. Gayon na lang ang kanyang panggigilalas
nang makitang pagkalunok nito sa palay ay biglang nangitlog ng isang maningning na
diyamante ang ibon. Dinampot niya ang diyamante. “Mayaman na ako! Mayaman na
ako!” ang paulit-ilit niyang sabi sa sarili habang itinatago ang mamahaling bato.
Tulad ng dati, pag-uwi ng kanyang asawa ay iniluluto nito ang kanyang huli at mag-
isang kumakain nang hindi man lang nag-aalok. Subalit hindi na ito pansin ni Lokes a
Babay ngayon. Sa halip ay masaya siyang humuhuni ng paborito niyang himig habang
gumagawa sa bahay na labis namang ipinagtataka ng kanyang asawa.
Page 10
Araw-araw nga, pagkaalis ng kanyang asawa upang kunin ang anumang nahuli ng
kanilang bitag ay pinakakain naman niya ng palay ang ibon at saka mag-aabang sa
ilalabas nitong diyamante. Walang kamalay-malay si Lokes a Mama na marami na
palang naiipong diyamante si Lokes a Babay.
Isang araw, habang mag-isa na namang kinakain ni Lokes a Mama ang kanyang
inilutong huli ay nagsalita si Lokes a Babay. “Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa
akin. Alam ko na ang ginagawa mong panloloko sa akin. Bukod pa riyan hindi ko na rin
kayang tiisin ang pagiging maramot mo at kawalan mo ng pagpapahalaga sa akin,” ang
buong kapaitan niyang sabi sa asawa na hindi man lang tumingala mula sa pagngasab
sa niluto niyang ligaw na pato. “Payag na ako sa dati mo pang sinasabing
pakikipaghiwalay sa akin. Magmula ngayon, lilipat na ako ng tirahan at hindi na kita
aabalahin subalit huwag na huwag mo na rin akong aabalahin.” ang pangwakas na sabi
ni Lokes a Babay.
Medyo nakonsensya naman ang lalaki dahil totoong lahat ang sinabi sa kanya ng
asawa. Pero ito na ang pinakahihintay niyang pagkakataon. Ngayon ay Malaya na siya.
Matagal na niyang sinasabi kay Lokes a Babay na gusto niyang makipaghiwalay subalit
hindi ito pumapayag. Ngayon ay heto at pumapayag na siya sa kanyang kagustuhan.
Nag-impake si Lokes a Babay ng kanyang mga gamit at dala ang pinakamamahal niyang
ibon at umalis siya ng bahay. Naiwan naman si Lokes a Mama at ipinagpatuloy lang ang
kanyang pangangaso.
“Babalikan ko si Lokes a Babay para makasalo rin ako sa kanyang kayamanan. Hindi ko
alam kung saan niya kinuha ang kanyang kayamanan subalit dapat lang na
makinabang din ako,” ang sabi sa sarili ng tusong lalaki.
Subalit napaghandaan na pala ito ni Lokes a Babay. Kilala niya kasi ang pagiging tuso
at manloloko ng asawa kaya’t pinabilinan niya ang kanyang mga guwardiya na huwag
na huwag itong palalapitin man lang sa kanyang magarang tahanan. Kahit anong gawin
ni Lokes a Mama ay hindi na nagpaloko sa kanya ang asawa.
SURIIN
Page 11
pasalindilang panitikan sa lalawigan ng Lanao sa Mindanao. Ang Agamaniyog
ay karaniwang
ginagamit bilang tagpuan ng mga kilalang kuwentong-bayan at pabulang
Maranao bagama’
t wala naman talagang ganitong lugar sa nasabing lalawigan. Ang agama ay
isang salitang
Sanskrit na hiniram ng mga wikang Maranao at Malay at nangangahulugang
“relihiyon”
subalit ginamit ito ng mga Maranao bilang salitang tumutukoy sa mga byan o
lugar na
may lupain, mga tao, may moske, kayamanan at kapangyarihan. Kapag
idinugtong sa
salitang agama ang niyog, nagiging Agamaniyog na ang ibig sabihin ay
“Lupain ng mga
Niyog.” Sa maraming kuwentong-bayan Maranao, ang Agamaniyog ay
isinalarawan bilang
lupain ng karangyaan at kaluwalhatian. Iba’t ibang tauhan at banghay ang
hinabi sa
tagpuang ito upang makapanlibang o magturo ng aral tungkol sa mabuti at
masama. Sa
binasang kuwentong-bayan ay muling ginamit bilang tagpuan ang Agamaniyog.
Page 12
Gawain 2: Katangian ng Tauhan
Panuto: Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa kuwentong bayan na nabasa sa
pamamagitan ng mga salitang naglalarawan sa mga kahong nakapalibot sa pangalan ng
mga tauhan ng kuwentong bayang Ang Munting Ibon.
2. Paano nakaapekto ang ugali ni Lokes a Mama sa relasyon nilang dalawa ni Lokes a
Babay?
ISAISIP
2. Ano ang gagawin mo kung tulad ni Lokes a Mama ay ikaw naman ang hindi naging matapat
at ito ay nakasira sa relasyon mo sa ibang tao?
ISAGAWA
2. Narinig mong nag-aaway ang iyong mga magulang, umiiyak na rin ang iyong
nakababatang kapatid dahil sa sigawan nila. Sa sitwasyong tulad nito, ano ang gagawin
mo?
Page 14
3. Napag-alaman mong nagsinungaling ang iyong matalik na kaibigan sa iyo at hindi ka
na niya kinikibo sa dahilang nahihiya siya. Ano ang iyong dapat gawin?
TAYAHIN
Page 15
1. Pangangaso ang ikinabubuhay ng mag-asawa . Mahihinuha ang kanilang lugar ay . . .
..
2. “Babalikan ko si Lokes a Babay para makasalo rin ako sa kanyang kayamanan. Hindi
ko alam kung saan niya kinuha ang kanyang kayamanan subalit dapat lang na
makinabang din ako,” Mahihinuhang si Lokes a Mama ay . . . . .
3. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan,” ang tahimik niyang
naibulong sa sarili. Mahihinuhang ang si Lokes a Babay ay . . . . .
4. Sinolong kainin ni Lokes a Mama ang buong usa sa loob ng tatlong araw kahit alam
niyang gusto rin ito ng kanyang asawa. Isa pa’y ang bitag naman talaga ni Lokes a
Babay ang totoong nakahuli sa usa. Mahihinuhang ang lalaki ay . . . . .
5. “Matabang usa ang nahuli ng bitag niya samantalang ang sa aki’y isang munting ibon
lang ang nadale. Alam ko na. Pagpapalitin ko ang mga hayop na nahuli ng aming mga
bita,” ang nakangising wika ni Lokes a Mama habang inililipat ang usa sa kanyang bitag
at saka itinali ang ibon sa bitag ng asawa. Mahihinuha na si Lokes a Mama ay . . . . .
KARAGDAGANG GAWAIN
Page 16
SUSI SA PAGWAWASTO
I.
1. hatinggabi
2. patibong
3. nahuli
4. magsalita
5. pagkagulat Iba’t iba ang Iba’t iba ang
II kasagutan kasagutan
1. yumuko
2. mabuti
3. patpatin
4. ibinahagi
5. natutuwa
Iba’t iba ang Iba’t iba ang Iba’t iba ang Iba’t iba ang
kasagutan kasagutan kasagutan kasagutan
Page 17
Sanggunian
https://rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino2/Supplemental%20Filipino%20High%20School%20Grade
%207%20Q1.pdf
https://peac.org.ph/wp-content/uploads/2019/10/FilipinoGr7Qtr1-Reg.pdf
Page 18