You are on page 1of 4

Gawain 1

Gamit ang gawaing venn diagram, isulat at ipaliwanag ang mahahalagang puntong lumutong
sa paksang malikhaing pagsulat.

Mahalaga ang malikhaing


pagsulat sapagkat nahuhubog
nito ang kasanayan sa
pakikipagkomunikasyon.
Ito din ay nagbibigay lawak at
laman ng ating imahinasyon.

Napakahalagang yumabong
Sa pagsulat kinakailangan na ang ating kaisipan para
maypagpapahalaga sa Malikhaing Pagsulat makapagsulat ng isang
kaisipan at sa iba’t ibang malikhaing gawa na siyang
antas ng pagsulat. magdadala sa atin sa
kahusayan.

Mahalaga ang malikhaing


pagsulat dahil nagagawa
nitong takasan at maipahayag
ang masalimuot na mundo.
Na kung saan ang isang
manunulat ay nahuhubog ang
kaniyang imahinasyon sa
pamamagitan ng paghugot sa
mga pinagdaanan na
karanasan sa buhay at
kanyang maibahagi ito sa
mambabasa.

Gawain 2
Sa pamamagitan ng paksang tinalakay, gumawa ng isang malikhaing Sanaysay tungkol sa
iyong mga karanasan sa buhay na hindi mo malilimutan. Sa pagkakataong ito ipapakilala mo
ang iyong sarili gamit ang paggawa ng malikhain at makabuluhang sanaysay.

Nako! Muntikan kana Iha

Naging agam-agam na sa atin ang mga pangyayaring kaginsa-ginsa sa ating buhay. Minsan
hindi natin ito maipapaliwanag dahil sa balidasig na takbo nang ating kaisipan o kung minsan
ay wala tayo sa katinuan. Isa sa mga dahilan din ay ang pagkukumahog natin sa mga bagay-
bagay dulot ng ating mga nararamdaman, maaaring ito ma’y masaya, kalungkutan, pagkalito,
o pagkabagabag. May ibat’ ibang anggulo o kwento ang buhay patungkol sa mga karanasang
hindi malilimutan noong tayo’y musmos pa lang. Gayunpaman, ang mga pangyayaring ito ay
kalampi na sa buhay ng tao at karanasang hindi mabubura kahit tayo’y lipasan man ng
panahon.

Ako si Bb. Mailyn at ngayon ikukwento ko ang aking karanasan noong ako’y labing
dalawampung taong gulang.
Ika-lima nang Mayo taong 2010, kasagsagan ng kampanya noon at ako ay nasa kalsada
naghihintay sa mga politiko na dadaan para mamigay ng kendi at wrist band. Sa paghihintay
ko may dalawang mama na lumapit sa akin at nag-abot ng flyers na agad ko namang
kinuhang nakangiti. Umalis din naman kaagad ang mama at nagtungo sa kanilang sasakyan
na hindi naman kalayuan sa aking tinatayuan. Makalipas ang ilang oras ay tinawag ako ng
isang mama doon sa sasakyan at tinanong kung saan daw pweding bumili ng yosi at ang
sagot ko naman ay, “Manong dito po sa tindahan ng lola ko may yosi”. Kumumpas ng
dalawang daliri na ibig sabihin ay dalawang yosi at agad ko naman itong dinala sa
kinaroroonan nila. Sa pagmamadali, biglang tumigil ang pag-ikot ng oras habang kitang kita
ko ang motor na nagraragasa patungo sa akin. Sa oras nayon tanging narinig ko lamang ay,
“Nako! Muntikan kana iha” buti nalang at nahila ako ng mama. Laking gulat ko noon dahil
halos isang hakbang nalang ay masasagasaan na ako. Halos hindi ako makahinga at
makagalaw dahil sa kaba na bumalot sa aking katawan, wari’y ko noon ako’y nasa isang
piitan na nagpupumiglas makawala ngunit hindi, sa kadahilanang ako’y kinain ng takot at
pangamba.
Takot na baka sakiling huling araw na ng buhay ko iyon at pangamba na maymaiiwan akong
mahal sa buhay.
Napakalungkot ng aking karanasan. Minsan hindi ko lubos na maisip na napakaswerte kong
tao dahil binigyan pa ako ng pagkakataong mabuhay. Sa kabila ng kalungkutan at takot ay
makapupulutan naman ng aral ang aking karanasan. Nawa’y magsilbing aral ito lalo na sa
mga bata nagmamadali at hindi lumilingon sa dinadaanan. Sana’y bago natin gawin ang mga
bagay-bagay ay mag-isip muna tayo ng tama at huwag magpadalosdalos sa kinikilos.
Gawain 3
Manaliksik ng isang Orihinal na teksto. Suriin at e-edit ang teksto ayon sa iyong nakikitang
pagkakamali. Huwag kakalimutan ang na sa pagsumite nito ay isali ang orihinal na teksto
upang makita ang iyong ginagawang pag-eedit.

Orihinal
Tapos na din siyang kumain
Doon din ako nagpunta
Sumigaw din si Lando
Nag-away din silang dalawa.

Edited
Tapos na rin siyang kumain
Doon rin ako nagpunta
Sumigaw rin si Lando,
Nag-away rin silang dalawa.

You might also like