You are on page 1of 4

Gawain 1

Paksa: Ang Nagwagi sa Puso ni Pilang


Lugar: Sa hapag kainan
Petsa: Kasalukuyan
Tauhan: Ore at Pilang

Ang Nagwagi sa Puso ni Pilang


Natapos na ang paligsahan at nagsibalikan na sa hapag ang mga binata. Batid ang kasiyahan ni
Pastor sapagkat siya ang nagwagi sa laro. Sa kabilang banda, taliwas naman ang reaksyon ni Ore
na siyang natalo sa paligsahan. Masasalamin sa kanyang mukha ang kalungkutan at wari’y
nadismaya sa pagkatalo. Gayunpaman ay dali-dali namang inabutan ng pagkain ni Pilang si Ore
sabay ningitian ng dalaga.

Pilang: Aba, binata huwag mong damdamin ang pagkatalo.


Ore: Alam ko naman binibini tanggap ko naman ang pagkatalo.
Pilang: Ma walang galang na ginoo, bakit parang bakas parin sa iyong mukha ang kalungkutan?
Ore: Batid ko kasi na umiibig si Pastor sa iyo.
Pilang: Ayy naku! Iyan ba ang ikinababahala mo Ore? Hindi ko naman ibig si Pastor at bilang kapatid
lang ang turing ko sa kanya.
Ore: Baka kasi ay mahulog rin ang kalooban mo sa kanya dahil sa kabaitan na ipinapakita niya sa iyo.
Pilang: Nagseselos ka ba Ore?
Ore: Oo, nagseselos ako sa tuwing tinititigan at dinadampi ang iyong kamay. Alam mo naman na
matagal na akong may pagtingin sa iyo binibini ngunit hindi mo lang ako batid.
Pilang: Matagal na kitang nakikitaan ng pagtingin Ore, ngunit hindi ko lang ito masabi sa iyo sa
kadahilanang ako’y nahihiya at naiilang.
Ore: Isang tanong isang sagot binibini, ako ba ay tinitibok ng iyong puso?
Pilang: Walang araw na hindi ikaw ang aking ibig Ore. Oo, ikaw lang at wala ng iba pa. Ngayon,
maari bang ngumite kana at tikman mo ang gawa kong suman.
Ore: Masusunod aking binibini!

Bagamat natalo ni Pastor si Ore sa isang paligsahan ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig
kay Pilang dahil siya ang nagwagi sa puso ni Pilang.

 Gawain 2

PASIG
Lope K. Santos
Aywan ko kung ikaw’y sa bundok na anak,
o kung bumukal ka sa tiyan ng dagat;
pagka’t sa lagay mong mababang-mataas
atubili ako kung saan ka buhat;
marahil bunga ka nang mag-isang-palad
ang Dagat na tabang at Bundok ng ulap
kaya’t sa kanila’y namana mo’t sukat
ang yaman ng laot at yaman ng gubat.

Tila Diwata kang galing Pamitina’y


nanaog at nupo sa may Kapasigan;
liwayway ang buhok, ang ulo’y Santulan,
ang mahabang Ugong ay bisig na kana’t
bisig na kaliwa ang Pinagbuhatan.
Malapad-na-Bato ang isang paanan,
saka ang isa pa ay Wawang-Napindan:
magtatampisaw ka sa Buting at Bambang.

Ang kasaysayan mo’y pangalan mo na ri’t


nasa pamagat mo ang iyng tungkulin;
habang panahon kang bantay ay baybayin
sa gaslaw ng tubig at sumpong ng hangin;
may bisig kang bato’t may paang buhangin,
may mukha’t katawang langit ng pananim;
hinga mo’y amihan, ulan ang inumin,
at gatas ng lupa ang iyong pagkain.

Nguni, tumindig ka, matandang Diwata’t


magmalikmata kang bumalik sa bata;
sa pagkalupagi’y lalo kang hihina’t
laging sa Panahong mapagsasagasa;
Sa Silanga’y muling iharap ang mukha’t
sumahod sa Araw ng diwang sariwa;
ikaw’y marami pang tungkuling dakilang
sukat kapiktan mo nang di-nagagawa.

Dalawampu’t anim ang bayan mong anak,


tatlong daan nayon ang apo mong ingat;
sinasagutan mo ang kanilang palad,
pagka’t ikaw’y siyang magulang ng lahat;
kung ikaw ang unang hihina-hinamad
at sa pagkaupo’y bahagyang titinag. . .
ang nasasakop mong kabunduka’t dagat
balang araw’y siyang sa iyo’y lilimas.

Hindi na panahon ng pag-aantabay


sa dating ng mga kusang kapalaran;
ang mga himala’y huwag mong asaha’t
dina nakukuha ang buhay sa dasal;
ang awa ng Poo’y wala sa simbahan,
kundi nasa bukid, ilog, pamilihan,
sa tulo ng pawis at ulong may ilaw. . .
Sawa na ang Diyos sa mga batugan!

Diksyon

simbolikong wika na
Ang tulang may paksang “Pasig” ni Lope K. Santos ay may
ginagamitan ng mga salitang magkakaibang kahulugan mula sa kanilang literal na
interpretasyon. Kagaya nalamang ng
Idyoma

Tayutay

You might also like