You are on page 1of 3

Patula

Pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang ng pantig sa taludtod ng


pinagtugma-tgma at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at agtutugma-tugma
ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

Tulang Liriko -Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na
naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang
kanyangsariling damdamin, iniisip, at persepsyon.

Katahin- mga tulang nilalapatan ng himig

Halimbawa: I
sa , Dalawa , Tatlo

Isa , Dalawa Tatlo


Una-unahan tayo
Apat Lima Anim
Sa balong malalim
Pito ,walo Siyam
Lakad parang langgam
Pag dating ng sampu
Ang lahat ay umupo!

Soneto- Isang tula ng karaniwang may 14 linya damdamin at kaisipan , may malnaw na kabataran sa
likas na pagkatao.

Halimbawa:

Soneto Kay Rizal

Namulat ka nang ginarote ang Gom-Bur-Za


Kaya nabuo ang kilusang Propaganda
Sa Salita’t sulat , giit mo ang reporma
Ngunit nagtengang-kawali lang ang Espana

Gayunman ,simulant mo ay di natalo;


Hinangad mong katarungan at pagbabago
Tinanganan, isingaw ni Bonifacio:
Napuno ang salop ,dibdib ng Pilipino

Kami ngayong mga anak ng lalawigang


Parangal sa iyong dakila at pangalan
Gagawin tuwna ang pinakamainam
Upang tanghal kka sa rurok ng pedestal

Kung pinatay ka man ng punglo sa Luneta


Nabuhay kang muli sa puso’t alaala.
Elehiya- Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.

Halimbawa:

Elehiya kay Lola

Sa kadiliman ang aking sigaw


Pighati at poot ay aking tanglaw
Batid mo ba itong kasawian
Ng taong sa aki’y nagbigay katutunan?

Oh Sambit nila’y payapa kana


pagkat buhay mo’y wala na , wala na
Nalinis ng hangin at sa lupa ito’y kinain
At pagbalik kailanma’y di na tatanawin

Sa pagharap sa iyong huling paghinga


Naaninag mga pangaral Ninyo ni Lola
sa Pagkakilala ng iyong buong katawan
Halos luha ko’y parang talon ng Pagsanjan

Ikaw may nawawala sa mundong kinagisnan


Kabaitan at aral nawa’y manatiling buhay
Hindi sa mga piging ng alaala at kalungkutan
Nawa’y maging sa diwa ng pusong iniwanan.

Oda- ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o isang
bagay a kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda.

Halimbawa:

Magsasaka

Magtanim ay di biro
Maghapong Nakayuko
Di naman makayuko
Di na rin makaupo

Dalit- isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon ,particular na nakasulat para sa layuninng papuri ,
pagsamba o panalangin at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilala o pigura o maliwanag na
halimbawa at may kahalong pilosopiya sa buhay.

Halimbawa:

Sa Ginta ng Pagsubok
Salamat Panginoon sa araw na ito
Muli mong ipadama ang pagpapala mo
Lahat ng biyaya na tinatangap ko
Walang Ibang nais kundi ialay sa iyo

Sa araw na ito ako’y gabayan


Pagsubok nawa ay akin nang malampasan
Pagkakataon sana ay muling pagbigyan
Hiling na kagalingan akin nang makamtan

Alam ko pong ito’y bahagi ng yong plano


Mangyari nawa ang siyang kagustuhan mo
Salamat panginoon sa buhay kong ito
Palaging nadarama ang pagmamahal mo

Mga pagsubok mo sa akin aydumating


Lahat to Poon to ko ay handa kong harapin
Ako po nawa ay inyo pang patatagin
Pananampalataya’y lalo pang paigtingin

You might also like