You are on page 1of 10

RADYO

Ang radyo bilang isa sa


mga midyum ng
komunikasyon
na naglalayong magbahagi ng
mga kaganapan ng mundo
sa mas malawak na sakop
nito.
Mauunawan ang gampanin
ng radyo bilang gabay sa
naghahatid ng napapanahong balita

naghahatid ng musika
naghahatid ng
mga
talakayan/pulso ng
bayan
nagbibigay ng
opinyon kaugnay ng
isang paksa
KOMENTARYONG PANRADYO
ayon kay Elena Botkin – Levy,
Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang
pagbibigay ng oportunidad sa
kabataan na maipahayag ang
kanilang mga opinyon at saloobin
kaugnay sa isang napapanahong
isyu, o sa isang isyung kanilang
napiling talakayan at pagtuunan ng
pansin.
Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy
ay makatutulong nang malaki upang
ang kabataan ay higit na maging
epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin
sa kaniya, ang unang hakbang upang
makagawa ng isang mahusay at
epektibong komentaryong panradyo ay
ang pagkakaroon ng malawak na
kaalaman sa pagsulat ng isang
sanaysay na naglalahad ng opinyon o
pananaw.
KOMENTARYONG PANRADYO
KAUGNAY NG FREEDOM OF
INFORMATION BILL (FOI)
Announcer: Mula sa Bulwagang
Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong
pinagkakatiwalaang
mamamahayag sina Roel Magpantay at
Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong
lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na
isyu ngayon yang Freedom of Information Bill
na hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng
iba, kung ang FOI ay Freedom
Of Income eh malamang nagkukumahog pa
ang mga politiko na ipasa iyan
kahit pa nakapikit !
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na yan
partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng
Panukalang batas na ito eh bibigyan ng
kalayaan ang publiko na makita at masuri ang
mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng
gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh
di magdiriwang na ang mgatsismosa at
pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na
naman yan! Demanda dito, demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner?
Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga
na walang itinatago ‘yang mga politikong
‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaring
maging “threat” daw yan sa mahahalagang
desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Roel: Sa tingin ko partner eh
makatutulong pa nga yan dahil magiging mas
maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang
mga corrupt na opisyal.
Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay
Quezon Representative Lorenzo Tañada III,
‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-Pasko
eh mukhang tuluyan na itong
maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!
Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay at Maricar Francia mula sa:
Tandaa
n
BAGO MAKASULAT NG ISANG
DOKUMENTARYONG PANRADYO NARITO
ANG MGA DAPAT TANDAAN:
1. Magsaliksik ng mga impormasyon
2.Huwag kalimutang banggitin ang mga
personalidad na binanggit sa mga detalye
upang ipakita ang kredibilidad ng iyong
isinulat
3. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa
paksa

You might also like