You are on page 1of 29

Nga Kriulumuk

gn
Flinoipi as
Santa
gn Taryanemele
Ang Kurikulum
ng
Filipino sa
Antas
ng Elementarya
PANGKALAHATANG KAALAMAN
Sa Antas ng Elementarya
Ang Elementary Education Curriculum (EEC) ay isang
pangunahing komponent ng Batayang Kurikulum sa
Edukasyon (BEC) na unang ipinatupad noong 2002.
Ang makatwirang pagbuo nito ay nakaangkla sa
paniniwalang ang isang ideyal na mag-aaral na Filipino
sa isang mabilis na nagbabagong daigdig ay kailangang
makapagpakita ng sariling pananagutan (empowered)
para sa kanyang habambuhay na pagkatuto,
kahusayan sa pagtuklas kung papaano matuto, may
taglay na mga kasanayan para makapamuhay, at
maging isang ganap na mamamayang makabayan
(patriotic), makatao (mindful of humanity),
makakalikasan (respect of nature), at maka-Diyos
(Godly)
Gaya ng isinasaad ng kurikulum,
mithiin sa pagtuturo ng Filipino ang:

Nagagamit ang Filipino sa


makabuluhang pakikipagtalastasan
(pasalita at pasulat): nagpapamalas ng
kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t
ibang impormasyon at mensaheng
pinakinggan at binasa para sa
kapakinabangang pansarili at
pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto
para makaangkop sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa daigdig.
Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya sa
Batayan Edukasyon
A. DESKRIPSIYON
Mga Lawak o Kasanayan Saklaw ng mga Lawak o Kasanayan
Para sa MABISANG PAGTUTURO, ang mga TIYAK
Ang Filipino bilang isang aralin o asignatura ay
NA KASANAYAN ay nililinang sa pamamagitan
lumilinang sa kasanayan sa PAKIKINIG,
ng mga sitwasyon ng iba’t ibang kagamitan sa
PAGSASALITA, PAGBASA at PAG-IISIP.
LUBUSANG PAGKATUTO.

Bukod sa kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, KONSEPTO NG SIBIKA AT KULTURA, and


PAGBASA, PAGSULAT , ang FILIPINO bilang isang NILALAMAN ng FILIPINO sa una hanggang ikatlong
aralin ay lumilinang sa kasanayan ng PAG-IISIP. baitang.
a) Maaaring gamitin ng FILIPINO ang nilalaman ng
SK/HKS. Ang pokus ay nasa PAGLILINANG ng
mga kasanayan sa PAKIKIPAGTALASTASAN.
b) Inaasahang ang mga BATAYANG KASANAYAN
sa pagbasa ay matutuhan nang lubusan sa
tatlong unang baitang.
B. PAGBABAGO SA MGA KASANAYAN O
KOMPETENSI SA PAGKATUTO
1. Pagsasaayos, pagbabawas at pagpapangkat sa kasanayang
magkakatulad upang maiwasan ang pag-uulit-ulit ng mga
ito.
2. Pagtuon sa mga tiyak o batayang kasanayan.
3. Pagbibigay diin sa PAGBASA at PAKIKIPAGTALASTASAN
para sa pag-unawa sa mga BATAYANG KAISIPAN O
KONSEPTO SA MATEMATIKA AT AGHAM.
C. MGA INAASAHANG BUNGA

Nagagamit ang Filipino sa MABISANG PAKIKIPAGTALASTASAN


(pasalita at pasulat): nagpapamalas ng kahusayan sa
pagsasaayos ng iba’t ibang impormasyon at mensaheng narinig
at nabasa para sa KAPAKINABANGANG PANSARILI at
pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto para makaangkop sa
mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.
D. NAKALAAN/ NAKATAKDANG ORAS SA
PAGTUTURO NG FILIPINO
1. Para sa baitang I – III, ang pang araw-araw
Pagbabago na pagkakabahagi ng oras ay 80 minuto
samantalang sa baitang IV – VI ang
nakabahagi ay 60 minuto.
BAITANG NESC RBEC PAGBABAGO
2. May dagdag na 20 minuto sa baitang I –
III. Mula 60 na minuto na naging 80
I – III 60 80 Dagdag na 20
minuto minuto. Walang dagdag sa baitang IV – VI.
3. Katulad na sa ENGLISH, WALANG
PAGTAAS NG BILANG NG MINUTO SA
BAITANG IV – VI sa pagsasaalang-alang
IV – VI 60 60 Walang Dagdag na ang BATAYANG KASANAYAN sa pag-
aaral ay natutuhan na sa unang tatlong
baitang.
Ang makakahula ng
tamang sagot ay may Bakit dinagdagan ng 20 minuto
karagdagang puntos sa
oral recitation na itatala ang pagtuturo ng Filipino para sa
ni Ma’am Janette. Baitang I – III?

SAGOT:
Dinagdagan ang oras sa pagtuturo ng Filipino para sa
baitang I – III (80 minuto na mula sa dating 60 na
minuto) upang magkaroon ang mag-aaral na sapat na
panahon sa pag-unawa ng bawat aralin at
makapagsanay ng mga barayti ng mga tekstong piksyon
at di-piksyon sa mga gawain sa pagbasa at pag-unawa.
E. MGA DAPAT ISINASAALANG-ALANG SA
PAGTUTURO NG FILIPINO
Pamamaraang PAGSASANIB (INTEGRATIVE METHOD)
Integrasyon o pagsasanib ng mga kasanayan/ lawak sa Filipino (Skills – Based
Integration)

Hulwaran Blg. 1 May pagkakataon na maaaring maituro o mapag-ugnay ang limang


kasanayan sa isang aralin, kung saan sama-sama sabayang nililinang ang limang
kasanayan sa mga mag-aaral; Ang paglilinang na gawain ay PAKIKINIG tungo sa
PAGSUSULAT sa paglinang ng mga kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA,
PAGSUSULAT at PAG-IISIP, at isaalang-alang sa paglinang ng mga kasanayan ang
ANTAS ng MASTERI O LUBUSANG PAGTUTO.

Hulwaran Blg. 2. Sa pagsasanib ng mga kasanayan o lawak, hindi dapat na


malinang ang lahat ang lawak o kasanayan nang sabay-sabay.
2. PAGSASANIB NG TIYAK NA KASANAYAN SA
FILIPINO SA NILALAMAN O KONSEPTO NG IBANG
ASIGNATURA (CONTENT-BASED INTEGRATION)

A.) Sa Baitang I – III


Sibika at Kultura (SK) ang nilalaman ng Filipino sa Paglinang sa
kasanayan sa Pakikipagtalastasan ang pokus.

B.) Teksto/ babasahin/ paksang aralin ng SK at Pagpapahala o


EKAWP ginagamit na mga kagamitang panliteratura (tula, kuwento,
alamat at iba pa.)
LUNSARAN O SPRINGBOARD SA PAGLINANG
NG MGA KASANAYAN SA FILIPINO

Ang gagamiting LUNSARAN ng ARALIN ay isang kwento. Ang PAKSA


o NILALAMAN ng kwento ay nauukol sa SK o EKAWP, sa ganitong
sitwasyon nalilinang hindi lamang ang kaalaman sa SK ngunit lalo’t
higit ang mga KASANAYAN SA FILIPINO

C. Bigyang diin ang ganitong pagsasanib sa oras ng talakayan sa


nilalaman ng mga teksto o kagamitang panliteratura na ginagamit
sa lunsaran ng paglinang ng kasanayan.
3. INTERAKTIBONG PAGDULOG
(INTERACTIVE APPROACH)
a.) Mahalaga para sa isang makabuluhan o makahulugang
iteraksyon (meaningful interaction)
b.) Isang gawaing sama-sama (Collaborative Activity)
c.) Pagkakaroon ng komunikasyon o pakikipagtalastasan
1. Pagpapahayag ng sariling ideya
2. Pag-unawa sa ideya ng iba
3. Nakikinig sa iba
4. Bumubuo ng kahulugan sa isang bigayang konteksto
(shared context)
INAASAHANG BUNGA SA
PAG-AARAL NG FILIPINO SA
BAWAT BAITANG
UNANG BAITANG
Ang mga mag-aaral ay inaasahang
nabibigkas ang tunog ng mga titik ng
alpabeto at mga simpleng salita. Nagagamit
ang magagalang na pananalita at
nakasusunod sa sa maikling panuto o
direksyon. Nakababasa ng bagong salita,
payak na pangungusap at maikling
babasahin. Naisusulat ang sariling
pangalan at mga payak na pangungusap
nang maayos at may wastong bantas.
INAASAHANG BUNGA SA
PAG-AARAL NG FILIPINO SA
BAWAT BAITANG
IKALAWANG BAITANG
Ang mga mag-aaral ay nakapagsasabi
ng pangunahing diwa ng kwento o saknong
ng tula. Nakababasa ng may wastong
paglilipon ng salita. Nakapaglalarawan ng
mga tao, bagay o pook. Nagagamit ang mga
salitang-kilos sa mga pahayag at
nakabubuo ng mga pangungusap ayon sa
gamit. Nakasusulat nang kabit-kabit na
mga titik na gumagamit ng wastong
bantas.
INAASAHANG BUNGA SA
PAG-AARAL NG FILIPINO SA
BAWAT BAITANG
IKATLONG BAITANG
Ang mga mag-aaral ay nakauunawa at
nakasasagot ng mga tanong tungkol sa
binasang teksto, naipapaliwanag ang
kahulugan ng mga hiram na salita, mga
babala at patalastas; nasasabi ang
pagkakaiba ng opinyon sa katotohanan.
Nagagamit ang mga bahagi ng pananalita
sa pangungusap, usapan at siwasyon.
Naisusulat ang mga idiniktang patalastas,
anunsyo, poster, liham at iba pang teksto.
INAASAHANG BUNGA SA
PAG-AARAL NG FILIPINO SA
BAWAT BAITANG
IKAAPAT na BAITANG
Ang mga mag-aaral ay nakapagpapahayag
ng sariling ideya at kaisipan tungkol sa
impormasyon/ kwentong narinig,
nakapagbibigay ng reaksyon at nakalalahok sa
iba’t ibang talakayan, gumagamit ng
matalinghagang salita at mga ekspresyong
tuwiran at di-tuwiran. Napagsusunod-sunod
ang mga ideya at siwasyon, natutukoy ang mga
pangyayaring nag-uugnay ng sanhi at bunga.
Nagagamit ang mga bahagi ng pananalita sa
pangungusap, pahayag, usapan at sitwasyon.
INAASAHANG BUNGA SA
PAG-AARAL NG FILIPINO SA
BAWAT BAITANG
IKALIMANG BAITANG
Ang mga mag-aaral ay nakapagbibigay ng
sariling reaksyon, palagay o hinuha sa
binasang teksto at nakabubuod ng
napakinggan o nabasa. Nagagamit ang iba’t
ibang bahagi ng pananalita, mga pahayag o
usapan at siwasyon. Nakagagamit ng
diksyunaryo, thesaurus, at iba pang
sanggunian sa paghahanap ng impormasyon at
nakasusulat ng balita, biro, anekdota,
patalastas, poster at sulatin na may 15-20
pangungusap.
INAASAHANG BUNGA SA
PAG-AARAL NG FILIPINO SA
BAWAT BAITANG
IKAANIM na BAITANG
Ang mga mag-aaral ay nakauunawa sa
napakinggang teksto at nailalapat ang
impormasyon sa iba pang anyo ng pagpapahayag.
Nagagamit ang iba’t ibang pangungusap sa
pagpapaliwanag, nakapagbibigay ng solusyon sa
mga suliranin batay sa karanasan at mga
natutuhang kaalaman sa anumang sitwasyon,
nagagamit nang wasto ang mga sangguniang-
aklat at iba pa. nakasusulat ng talatang
nagsasalaysay, naglalarawan, naglalahad at
nangangatwiran ayon sa mga isyu o paksang
napapanahon, pictorial essay sa tulong ng mga
ideya/ talatang binuo ng klase.
NAKAPALOOB DIN SA KURIKULUM NG
FILIPINO SA ELEMENTARYA ANG MGA
PAMANTAYAN SA LITERASI SA APAT NA
MAKRONG KASANAYAN.
PAMANTAYAN 1 – PAKIKINIG
A. Kahandaan sa Pakikinig – pagkatapos ng ikatlong baitang,
ang mga mag-aaral ay inaasahang maipapakita ang
kasanayan sa pagsunod sa wastong pamantayan sa
pakikinig upang maproseso nang mabuti ang mga ideyang
napakinggan.
B. Mahusay na Pakikinig – pagkatapos ng ikaanim na
baitang, inaasahang maipamamalas ng mga mag-aaral ang
kahusayan sa pakikinig upang ganap na maunawaan at
maproseso ang diskurso o tekstong napakinggan.
C. Mapanuring Pakikinig – pagkatapos ng ikaanim na
baitang, inaasahang magagamit ng mga mag-aaral ang
kasanayan sa pagsusuri ng mga tekstong napakinggan
upang mai-transcode ang mga ito tungo sa iba pang anyo ng
pagpapahayag at nagagamit sa epektibong
pakikipagtalastasan.
NAKAPALOOB DIN SA KURIKULUM NG
FILIPINO SA ELEMENTARYA ANG MGA
PAMANTAYAN SA LITERASI SA APAT NA
MAKRONG KASANAYAN.
PAMANTAYAN 2 - PAGSASALITA
A. Kaangkupan - pagkatapos ng ikaanim na baitang, ang mga
mag-aaral ay inaasahang makagagamit ng angkop na
pananalita at ekspresyon sa iba’t ibang sitwasyon.
B. Pasalitang Diskurso - pagkatapos ng ikaanim na baitang,
ang mga mag-aaral ay inaasahang makapagpamalas ng
paggamit ng wika sa pasalitang diskurso.
C. Kawastuhan – pagkatapos ng ikaanim na baitang , ang mga
mag-aaral ay inaasahang makapagpapakita ng kasanayan sa
paggamit ng wika, pasalita o pasulat man nang may wastong
pagbabalarila.
D. Makabuluhang Pagpapahayag – pagkatapos ng ikaanim
na baitang, ang mga mag-aaral ay inaasahang magagamit
ang kasanayan sa makabuluhang pagpapahayag ng
karanasan, damdamin, opinyon, paniniwala at kaisipan sa
iba.
NAKAPALOOB DIN SA KURIKULUM NG
FILIPINO SA ELEMENTARYA ANG MGA
PAMANTAYAN SA LITERASI SA APAT NA
MAKRONG KASANAYAN.
PAMANTAYAN 3 - PAGBASA
A. Kahandaan sa Pagbasa - pagkatapos ng unang baitang, ang
mga mag-aaral ay inaasahang makapagpamalas ng
kahandaan sa pagbasa.
B. Panimulang Pagbasa - pagkatapos ng ikatlong baitang, ang
mga mag-aaral ay inaasahang makabasa ng mga
pangungusap at maiikling talata nang may wastong paglilipon
ng mga salita.
C. Talasalitaan - pagkatapos ng ikaanim na baitang, ang mga
mag-aaral ay inaasahang makapagpamalas ng kasanayan sa
pagbibigay kahulugan ng mga salita at magagamit ang mga ito
sa paglalahad ng mga angkop at makabuluhang konteksto.
D. Pang-unawa - pagkatapos ng ikaanim na baitang, ang mga
mag-aaral ay inaasahang magkakaroon ng malawak na pag-
unawa sa tekstong binasa at magagamit ito upang maunawaan
ang sarili, ibang tao, daigdig, sa tulong ng mga tekstong
naratib at ekspositori.
NAKAPALOOB DIN SA KURIKULUM NG
FILIPINO SA ELEMENTARYA ANG MGA
PAMANTAYAN SA LITERASI SA APAT NA
MAKRONG KASANAYAN.
PAMANTAYAN 4 - PAGSULAT
A. Kahandaan sa Pagsulat - pagkatapos ng ikatlong
baitang, ang mga mag-aaral ay inaasahang
makasusulat nang maayos at malinaw nang palimbagat
kabit-kabit gamit ang mga wastong bantas.
B. Panimulang Pagbasa - pagkatapos ng ikatlong
baitang, ang mga mag-aaral ay inaasahang
makasusulat nang maayos at malinaw ng iba’t ibang
diskurso.
C. Maunlad na pagsulat - pagkatapos ng ikaanim na
baitang, ang mga mag-aaral ay inaasahang
magagawang mailahad ang kanilang malayang ideya sa
pormal o di-pormal na komposisyon para matugunan
ang kanilang layunin sa pagsulat. (DepEd-BEE,2007)
Overview
Give a brief overview of what you’ll cover in your presentation.
Key people
Choose three leaders for Black History Month using Bing.com and discuss their lives and
accomplishments. Here are some examples:

Bayard Rustin was a close advisor to Jesse Owens was an American track and Zora Neal
Martin Luther King and an American field athlete and four-time gold medalist author, anth
leader of the civil rights movement. Rustin in the 1936 Olympic Games in Germany. 1937, she
organized and led several protests, Owens specialized in the sprints and the Their Ey
including the 1963 March on Washington. long jump.
Arts and literature
Click icon to add picture

Provide examples of art and literature that


are significant to Black History Month. Here
are a few examples:
• The writing of James Baldwin
• The music of Miles Davis
Click icon to add picture
• The artwork of Alma Thomas
Conclusion
Provide a brief summary of your presentation.
Remind the audience what you covered in the previous slides.
Questions & answers
Invite questions from the audience
Resources
List the resources you used for your research:
• Source #1
• Source #2
• Source #3

You might also like