You are on page 1of 2

PAGSASANAY 2

Pangalan: _ Kurso/Taon: _BSA 1A Petsa: July 29,2021 Iskor ______

Ipaliwanag ang mga sumusunod:


1. Sang-ayon ka ba sa pagpapatupad ng CMO 20 Serye 2013 at Bakit? Ano-ano ang epekto
nito sa kabuuan?
Hindi. Ako ay hindi sang-ayon sa CMO 20 Serye ng 2013 o ang General Curriculum Holistic
Understandings, Intellectual and Civic Competencies na nagsasaad na alisin ang mga minor
subject sa kurikulum ng kolehiyo sa taong 2016 upang magbigay daan sa pagpapaigting ng
kaalaman ng mga mag-aaral sa major o teknikal na kurso na may kaugnayan sa Agham at
Teknolihiya, na sya namanag nagging dahilan sa pagtanggal ng English, Math, General
Psychology, Economics at Filipino, dahil sa katotohanang ang pagtatanggal ng Filipino bilang
asignatura sa kolehiyo ay magtatanggal ng ating dangal at karangalan biling Pilipino. Ang
Filipino ay ating pambansang wika, ang pag tanggal nito bilang parte ng asignatura at pag tigil sa
pag turo nito sa kolehiya ay isang desisyong hindi naaangkop at hindi nababagay. Magsasang-
ayon ako kung hindi kabilang ang asignaturang Filipino sa tatanggalin. Ang magiging epekto
nito sa kabuuan ay ito ay magdudulot ng unti-unting pagkamatay at pagkalimot nating mga mag-
aaral o bilang mga indibidwal at bilang Pilipino sa ating kultura, wika, kasaysayan at
pambansang pagkakakilanlan. Ito rin ay magpapakita sa iba ng ating kaligtaan at pagkulang sa
ating responsibilidad na paunlarin at pag yamanin ang sariling atin, ang ating dangal bilang isang
bansa, bilang isang malayang bansa. Ang ating wika ay ang ating pagkakakilanlan, kung ang
pag-aaral ng ating sariling wika ay lilimitahan para na rin nating itinatakwil ang ating
pagkakakilanlan. Ang pagtatanggal ng Filipino ay mag reresulta sa kawalan ng malay ng mga
mag-aaral sa wikang Filipino. Bukod sa katunayan na ito ay para lamang sa ikabubuti ng ibang
bansa, ito rin ay mantsa sa ating bansa.
2. Ano ang legal na pamantayan sa ipinaglalabang pagtataguyod sa wikang pambansa sa
lalong mataas na antas ng edukasyon? Ipaliwanag ang nakasaad dito.
Ang mga legal na pamantayan ay ang una, Batas Republika 7104 o Ang Batas na lumikha sa
Komisyon ng Wikang Filipino at ang pagbibigay Dito ng Kapangyarihan, Tungkulin, at para sa
iba pang layunin. Nilalayon ng batas na ito ang pagpakilala at pagpapanatili ng ating wikang
Filipino. Ito rin ay may katungkulang magsagawa ng pananaliksik, paglilinang, pagpapalaganap
at pagpapaunlad ng Filipino at iba pang wika sa bansa. Ang isa pa ay ang Batas Pambansa 232 o
mas kilala sa katawagang “Education Act of 1982”, ang Batas na nilikha para sa Pagtatag at
Pagpapanatili ng Sistemang Integratibo ng Edukasyon. Ito ay naglalaman ng pamantayan at
gabay para sa pang kabuuang sistemang pang-edukasyonna dapat sundin sa mga pampubliko at
pribadong paaralan sa lahat ng antas. Ang isa pa ay ang Batas Republika 7356, ang Batas na
Lumilikha sa Pambansang Komisyon ng Kultura at Sining- National Commission for Culture
and Arts. Ito ay nagbabalangkas ng mga patakaran para sap ag-unlad ng kultura at sining, mag-
ugnay upang maipatupad ang mga programa ng kaakibat na ahensya, at nagsisilbing taga pag-
unlad at taga pangalaga ng ating kultura at sining.
3. Ano ang bilinggwalismo? Nakasasama o nakabubuti ba ang patakarang edukasyong
bilinggwal?
Ang Bilinggwalismo ay tumutukoy sa ipinakikitang kakayahan sa pakikipag-usap sa
pamamagitan ng dalawang wika. Isang pananaw sa pagiging bilinggwal ng isang tao kung
nakakapagsalita siya ng dalawang wika nang may pantay na kahusayan. Sa aking sariling
opinyon, ang edukasyong bilggwal ay nakabubuti. Nakabubuti sapagkat ito ay nagpapalawak ng
ating kaalaman at sa pamamagitan din nito ay maari tayong makipagsalitaan sa ibat-ibang
indibidwal na may ibang lingwahe. Ito ay isa sa mga paraan para magkaroon ng maayos na
komunikasyon. May malaking pagkakataon na maintindihan ang ibat-ibang tao na may ibang
wika. Sa aking pananaw, ito ay magbibigay ng dagdag na kakayahan sa mga mag-aaral na
kanilang magagamit ng husto kung sila ay nasa trabaho na. Akin itong nakikita bilang isa sa mga
benepisyo na talagang magagamit sa mabuting paraan at maituturing na kakayahan. Ang
patakarang edukasyong bilinggwal ay makakabuti sapagkat ito ay tutulong na mapahusay ang
kakayahan ng bawat mag-aaral pagdating sa wika. Ito ay para sa isang katotohanan na totoo na
may pagkahirap ang ganitong klaseng paraan o patakaran, ngunit ang benepisyo na makukuha
mula rito ay sulit at kapaki-pakinabang sa matagal na panahon.
4. Paghambingin ang wikang Tagalog at Wikang Filipino.
Ang wikang Tagalog ay ang pundasyon ng wikang Filipino. Ito ay wikang ginagamit sa
maraming parte ng Luzon. Ang wikang tagalog ay puro at wikang binubuo ng mga salitang
tagalog, walang hiram na salita kundi ay mga orihinal lamang. Ito ay hinango sa salitang taga-
ilog. Ito ay isa sa pangunahing wika ng republika ng pilipinas at sinasabing ito ang de facto (“sa
katunayan”) ngunity hindi de jure (“sa batas”) na batayan ng pambansang wikang Filipino.
Malawak na ginagamit ang tagalog bilang lingua franca o tunay na wika sa buong bansa.
Samantalang ang wikang Filipino ay hango sa tagalog, ito ay ang ebolusyon ng wikang Tagalog.
Wikang Filipino ay hinango sa Tagalog ngunit ito ay dinagdagan ng ibang salita na kinuha sa
English at Spanish na mga wika. Ang wikang Filipino ay may mga hiram na salita, isang
halimbawa ay ang salitang ‘silya’ na kinuha sa wikang espanya. Bukod sa mga hiram na salita,
ang wikang Filipino din ay dinagdagan ng mga letra, tulad ng c, x, g, j at f. Ang wikang Filipino
ay ang pinabuting bersyon ng wikang tagalog. Wikang Filipino ay ang opisyal na wika at
pambansang wika ng Pilipinas.

You might also like