You are on page 1of 13

Ang Epekto ng Wikang Neolohismo sa Facebook ng mga Millennial na Mag-

aaral sa Wikang Filipino

ni Cherica B. Casiño
Abstrak
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagtukoy sa mga epekto ng wikang
neolohismong matatagpuan sa facebook ng mga mag-aaral na millennial sa wikang Filipino.
Ginamit ng mananaliksik ang paraang diskriptib-analitik na kung saan ang mga salitang nalikom
ay inihanay sa isang code book na sinuri at inaprubahan ng mga batikang guro sa wika upang
maging batayan ng datos. Pinagpangkat-pangkat ang mga salitang nalikom ayon sa mga
namumutawing uri ng neolohismo upang matukoy ang mga gamiting uri sa lahat kalakip na rin
ang epekto ng bawat uri sa wikang Filipino.
Lumabas sa pagsusuri na ang mga gamiting uri ng neolohismo sa facebook ng mga mag-
aaral na millennial ay ang abrebasyon na kinabibilangan ng akronim at inisyalisasiyon, blending,
borrowing, clipping, coinage, deraybasyon, at kaunting reduplikasiyon. Ang mga uring
nabanggit ay pawang mga paraan upang mapaikli at mas mabigyan ng diin ang kahulugan ng
mga salitang nalilikha. Nangangahulugan lamang na ang mga neolohismong salita ay ginagamit
ng mga modernong tao upang mas mapadali ang pakikipagkomunikasyon sa kasalukuyan.
Ginagamit din ang wikang neolohismo upang makasabay ang wika sa kasalukuyang takbo ng
panahon. Napalalago rin nito at mas napalalaki ang saklaw ng isang salita na hinango mula sa
wikang Filipino o di kaya ay hiniram ng wikang Filipino.
Kaugnay sa resulta ng naturang pananaliksik ay inirerekomenda ng mananaliksik na
magkaroon pa ng karagdagang pag-aaral ukol sa wikang neolohismo upang mas maintindihan ito
ng nakararami at upang maiayon ito sa mga ninanais na pagbabago sa wika. Inirerekomenda rin
ng mananaliksik na gumawa ng karagdagang pag-aaral sa kung paano magagamit ang wikang
neolohismo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Keywords: Neolohismo, Facebook, Millennial, Mag-aaral, Wikang Filipino

Panimula
Ang mananaliksik ay nagkaroon ng interes na pag-aralan ang mga wikang neolohismo na
laganap sa kabataan o millennial ng kasalukuyang panahon. Layunin ng pag-aaral na talakayin
ang mga uri ng neolohismo na palasak o gamitin sa bagong henerasyon. Katulad ng ibang pag-
aaral sa wikang neolohismo, tatalakayin ng mananaliksik kung ano ang kahulugan ng naturang
konsepto subalit mas bibigyang diin sa kasalukuyang pag-aaral ang mga epektong naidudulot ng
wikang neolohismo ng mga millennial sa wikang Filipino.
Ang mga millennial ang itinuturing na makabagong uri ng tao sa kasalukuyang panahon
sapagkat ang mga kabataang nasasaklaw ng nasabing henerasyon ay umusbong sa pagyabong ng
agham at teknolohiya. Sa madaling sabi, ang mga millennial ay ang mga kabataang iniluwal sa
kasagsagan ng pagiging modernisado ng mundo. Ang makabagong henerasyon ay sinasabing
may malaking kakayahan na baguhin ang maraming bagay sa positibo o negatibong paraan,
kabilang na ang iba’t ibang salik na bumubuo sa isang lipunan.
Ayon kay Haughn (2014), ang terminong Millennials ay kadalasang katawagan sa mga
indibidwal na nakarating sa legal na edad sa pagsapit ng ika-21 siglo. Dagdag pa niya na walang
tiyak na taon kung kailan nagsimula at natapos ang kapanganakan ng mga taong saklaw ng
nasabing henerasyon, subalit ayon kina Howe at Strauss (1991), ang Millennial ay
kinabibilangan ng mga indibidwal na iniluwal sa pagitan ng taong 1982 at 2004. Nabanggit din
ni Haughn na kilala ang mga Millennial sa katawagang generation y/echo boomers sapagkat sila
ang mga supling ng naunanang henerasyon na generation x/baby boomer.
Tulad ng unang nabanggit, ang makabagong henerasyon ay may malaking kakayahan na
baguhin ang mga bagay-bagay sa lipunan kabilang na dito ang wika. Ayon kay Bernales (2013),
kasabay sa pag-usbong ng bagong henerasyon ay ang pag-usbong din ng pagbabago sa wika
sapagkat isa sa katangian ng wika ay ang pagiging dinamiko. Patuloy na nababawasan o
nadadagdagan ang bokabularyo ng isang wika bunga ng pagiging malikhain ng mga tao. Ayon
nga sa pahayag ni Almario (2015), araw-araw ay may pagbabagong nagaganap sa wika, lalo na
sa paglaganap ng kulturang popular . Dagdag pa niya na ang mga imbento at hiram na mga
salita na ibinobrodkast sa medya ay mabilis na tumitiim sa dila ng mga tao kaya masasabing
ang pag-usbong at pag-unlad ng agham at teknolohiya at ang patuloy na paglaganap ng mga
social media sites (SNS) ay kabilang sa mga pinakamalaking salik na nakaaapekto sa wika.
Sa panahon ngayon, ang direktang nagtatamasa sa mga benepisyo ng teknolohiya ay ang
mga millennial kung kaya’t sila rin ang nakakapag-ambag ng mga pinakabagong salita sa isang
wika. Isa sa mga uri ng wika na palasak sa mga millennial ay ang wikang neolohismo. Ang
neolohismo ay ang mga bagong salita/morpemang ginagamit na sa lipunan sa kasalukuyan o di
kaya ay mga dating salita na nagkakaroon ng bagong kahulugan (Picone at Michael, 1996). May
malaking papel ang neolohismo sa pagpapanatili ng isang wika sapagkat ito ang nagiging
indikasyon kung ang isang wika ay patuloy na yumayabong o tuluyan ng nawala (Marten, 2008).
Sa kabuuan, ang pag-aaral na ito ay naglalayung maihayag ang epekto ng wikang
neolohismo ng mga mag-aaral na millennial sa wikang Filipino.Ito ay nakatuon lamang sa mga
neolohismong mababasa sa facebook ng mga naturang mag-aaral.

Independent: Dependent:
Neolohismong Wika Epekto ng neolohismong
Kompawnding (Compounding)
Ekstensyon (Extension) wika sa wikang Filipino.
Deraybasyon (Derivation)
Pagbabago ng kahulugan
(Shifting)
Akronim (Acronym/
Abbreviation)
Blending
Root Creation
Backformation
Panghihiram (Borrowing)

Figyur 1. Balangkas Konseptwal ng Pag-aaral


Ayon kina Subrayan at Michael (2011), ang wika ay mayroong impluwensya sa kung
paano tintingnan ng sosayidad. Ang mundo at ang wika rin ay may sariling kakayanan upang
makahabol sa mga pagbabago. Dagdag pa nila na ang pagyabong at pagbabagong nagaganap sa
wika ay sumasalamin din sa pagyabong at pagbabagong nagaganap sa sosayidad. Sa kasalukuyan
ang moderno at makabagong uri ng mga tao ay nagkaroon o nakagawa ng isang uri ng
pamumuhay, kultura at kalinangan na kaiba sa mga nakagisnan ng mga naunang henerasyon.
Natalakay naman ni Bernalaes (2013) sa kanyang aklat na “Komunikasyon sa
Makabagong Panahonˮ na isa sa mga katangian ng wika ay ang pagiging dinamiko o ang
katangiang mabago . Ang pagiging dinamiko ng isang wika ay palatandaan lamang ng pagiging
produktibo nito, at ang pagiging produktibo ng wika ay may sinusunod na natural na proseso ng
paglikha ng mga salita at/o pagbibigay ng bagong kahulugan sa dati nang mga salita. Sa
kasalukuyan, ang neolohismo ang pinakamabisang paraan na nalikha upang magkaroon ng
komprehinsibong pakikipagtalastasan sa isang komunidad, at ang mga bagong salitang nalikha sa
ilalim ng neolohismo ang siyang sumasalamin sa mga pagbabagong nagaganap sa isang wika
(Magaiwa. 2016).
Ang mga bagong salita na naidudulot ng neolohismo ay may malaking ginagampanang
papel sa pagpapanatiling buhay ng isang wika. Ayon kay Roggen (1996), ang makabagong
agham ay imposible kung walang neolohismo sapagkat ang mga bagong likhang salita o di kaya
ang makabagong interpretasyon ng mga lumang salita ang naglalarawan at nagpapaliwanag ng
realidad sa makabagong paraan. Binigyang diin ni Rogen na ang hindi pagtanggap sa neolohismo
ay katumbas ng hindi pagtanggap sa pang-agham na kalinangan. Sumang-ayon naman dito ang
nauna nang pahayag ni Wang (1958) na ang neolohismo ay nagaganap lamang sa tuwing
magkakaroon ng isang konsepto. Sa kabilang banda, ipinaliwanag ni Yang (2012) na hindi
kailangang magkaroon pa ng bagong konsepto upang malikha ang tinatawag na neolohismo
sapagkat maaaring ang neolohismo na mismo ang magdala ng mga bagong konsepto.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masagot ang sumusunod na suliranin. Una, ano-
ano ang mga uri ng neolohismong wika ang ginagamit sa facebook ng mga millennials? Ang
ikalawa, paano nakakaapekto ang wikang neolohismo ng mga mag-aaral na millennials sa
facebook sa wikang Filipino?

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


Ayon sa pag-aaral ni Ontolan (2016) na Words Form in the Defense of the Ancient 2,
naiimpluwensyahan ng pag-unlad ng teknolohiya ang paglikha ng mga bagong salita sapagkat
ang mga bagong produktong nalilikha nito ay nangangailangan ng bagong katawagan. Dagdag
pa niya na mayroon ding mga bagong gawain na nangangailangan ng katawagan upang mas
maintindihan at maunawaan. Ang isa sa pinakaproduktibong tagpagpalaganap ng mga bagong
salita ay ang internet umano. Ang mga bagong salitang nalilikha dito ay kadalasan umanong
ginagamit sa paglalaro at ang mga kahulugan ng mga salitang ito ay kaibang-kaiba sa mga
salitang nakapaloob sa mga nailimbag na diksyunaryo kung kaya ay masasabing ang mga ito ay
hindi pormal.
Ayon kay Ahmad (2000), ang neolohismo umano ay isang kawili-wiling pangyayari sa
wika sapagkat ang paglitaw o ang presensya nito sa isang wika ay nagpapakita ng kakayahan ng
isang wika na makasabay sa pagbabago ng mundo. Ibig sabihin ang wikang neolohismo ay ang
paraan ng wika upang manatiling buhay kahit pa sa paglipas ng mga panahon.
Tumugma naman ang pahayag ni Ahmad sa nauna nang sinabi ni Rogen (1996). Ayon sa
kanya, walang malilikha o matatawag na bagong agham kung walang neolohismo, bagong salita,
o bagong interpretasyon ng mga lumang salita upang mailarawan at maipaliwanag ang realidad
sa bagong pamamaraan. Dagdag pa ni Rogen na ang hindi umano pagtanggap sa neolohismo ay
katumbas na rin ng hindi pagtanggap sa kalinangang pang-agham.
Sa pag-aaral na isinagawa ni Kalima (2013) na pinamagatang “The Effect of Topic on
Word Formation and the Frequency of Neologism Use on Internet Forums” ay napag-alaman na
marami pa ang mga bagong salita na hindi pa nabibigyan angkop na uring kinabibilangan. Sa
katunayan ay nagdagdag pa siya ng mga katawagan sa mga bagong uri ng salita na nalilikha sa
kasalukuyang panahon at ito ay ang shifting. Ang shifting ay ang uri ng neolohismo na kung saan
ay binibigyan ng bagong kahulugan ang isang salita. Ang pagbabago ay maaaring sa
pangkalahatan o sa kahulugan lamang.
Ang mga pag-aaral na nailahad ay pawang tungkol sa neolohismo at mga uri nito.
Samantala, ang kasalukuyang pag-aaral ay naglalayong malaman ang mga uri at epekto ng
wikang neolohismo sa isang wika particular sa wikang Filipino.

Metodolohiya
Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng desinyong deskriptib-analitik na kung saan ay
kinikilala ang pangkalahatang katangian ng mga nakolektang datos. Ang layunin ng pag-aaral na
ito ay maibuod ang mga datos upang matukoy ang mga mahahalagang impormasyon. Ang
pananaliksik na ito ay nakatuon sa facebook account ng mga mag-aaral na millennial o mga
indibidwal na ipinanganak sa pagitan ng taong 1982 hanggang 2004 (Howe at Strauss, 1991).
Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay code book na nagsilbing batayan ng
mananaliksik sa lahat ng neolohismong salitang kanyang nakalap mula sa facebook ng mga
millennial na mag-aaral. Ang code book na nilikha ng mananaliksik ay kanyang
ipinabalida/ipina-interkowd sa mga dalubhasang guro na may kaalaman sa wikang neolohismo.

Resulta at Interpretasyon
Ang ilan sa mga salitang nabibilang wikang neolohismo na matatagpuan sa facebook ng
millennial ay makikita sa sumusunod na talahanayan. Ang mga salita ay isinaayos alinsunod sa
uri ng neolohismo na pumpailanlang sa mga ito.
Talahanayan 1 Uri ng Neolohismo: Abrebasyon (Akronim)

Salita Uri ng Neolohismo Kahulugan

Nangangahulugang family always


means backing all members. Ito ay
Fam Bam Akronim
tumutukoy sa pamilya o magkaibigang
matibay ang samahan.
Nangangahulugang Laugh Out Loud.
LOL Akronim/Inisyalisasyon Ito ay ekspresyong ginagamit upang
bigyang diin ang matinding pagtawa.

Sa pag-aaral ni Kalima (2013) ay nabanggit niya na isa sa mga uri ng neolohismo ang
abrebasyon. Ang abrebasyon ay nahahati sa dalawang uri at ito ay ang akronim at inisyalisasyon.
Ang akronim at inisyalisasyon ay pawang sumasaklaw sa mga lupon ng salitang pinaikli
sa pamamagitan ng pagkuha at pagsasama-sama ng mga letrang maaaring kumatawan sa isang
buong lupon ng salita. Ang mga ito ay kadalasang ginagamit sa pagdadaglat ng mga pangalan ng
organisasyon at departamento. Palasak din ang mga ito sa pagpapaikli ng mga kaisipan o
ekspresyon sa kasalukuyan.
Halos magkatulad akronim at inisyalisasyon sa lahat ng aspeto maliban lamang sa paraan
ng pagbigkas sa kanila. Ang akronim, ayon kay Kalima ay ang uri ng abrebasyon na kung saan
ang dinaglat na mga letra mula sa lupon ng mga salita ay binabasa sa paraang pantigan. Binigay
ni Kalima ang NATO at SETI bilang halimbawa ng akronim. Kung bibigkasin ang mga dinaglat
na halimbawa ay mapapansin na maaari at mas madali itong bigkasin sa paraang patnigan.
Maaaring basahin ang NATO bilang /NA/ /TO/ at ang SETI naman bilang /SE/ /TI/ nang hindi
naaapektuhan ang kanilang kahulugan.
Batay sa pagpapakahulugan at mga halimbawang ibinigay ni Kalima ay mahihinuhang
maaaring ituring ang mga salitang nasa talahanayan 1 na kabilang sa uri ng neolohismong
akronim.
Ang dinaglat na salitang “Fam Bam” ay salitang neolohismo na matatagpuan sa facebook
ng mga millennial na mag-aaral. Ang Fam Bam ay maihahanay sa uring akronim sapagkat tulad
ng pagbibigay kahulugan ni Kalima (2013) sa akronim, kahit ito ay dinaglat, inuusal pa rin ito
tulad ng isang ordinaryong salita.
Sa kabilang banda, inilarawan naman ni Kalima ang inisyalisasyon bilang isang uri ng
abrebasyon na kung saan ang dinaglat o pinaikling lupon ng mga salita ay binabasa ng paisa-isa
ang mga titik.
Ang salitang LOL naman na kumakatawan sa ekspresyong laughing out loud ay maaaring
ihanay sa uri ng neolohismong akronim at inisyalisasyon. Akronim sapagkat ito ay maaaring
basahin tulad ng isang ordinaryong salita at inisyalisasyon naman sapagkat maaari rin itong
basahin ng paisa-isa ang letra.
Talahanayan 2 Uri ng Neolohismo: Blending

Salita Uri ng Neolohismo Kahulugan


Mula sa mga salitang bonding at
jamming. Ito ay nangangahulugang
bondjing Blending
pagsasama ng mga magkakakilalang
tao upang magsaya.
Pinaghalong pangalan ng magkatambal
Jaden Blending na artistang sina James Reid at Nadine
Lustre.
Pinaghalong pangalan ng magkatambal
Kathniel Blending na artistang sina Kathryn Bernardo at
Daniel Padilla.
Mula sa salitang salamat at salitang
Ingles na much. Ginagamit sa
salamuch Blending
pagpapahiwatig ng matinding
kalugudan sa isang tao.
Mula sa mga salitang Ingles na stay at
vacation at ito ay nangangahulugan na
staycation Blending
pananatili sa isang lugar upang
magbakasyon.
Hinalaw mula sa mga salitang Sunday
at date na tumutukoy naman sa
sundate Blending paglabas ng magkasama ng dalawa o
higit pang bilang ng mga tao sa araw ng
linggo.

Ang mga salitang bondjing, Jaden, Kathniel, salamuch, staycation, at sandate ay


halimbawa ng mga salitang neolohismo na matatagpuan sa facebook ng mga millennial na mag-
aaral. Ang mga ito ay nabibilang sa uri ng neolohismong blending sapagkat ito ay mga salitang
nabuo dahil sa pagsasama ng dalawang magkaibang salita upang maging isa at maisulat bilang
isang buong salita (Kalima, 2013).

Talahanayan 3 Uri ng Neolohismo: Borrowing

Salita Uri ng Neolohismo Kahulugan


Salitang mula sa Japan na tumutukoy sa
emoji Borrowing icon na nagpapakita ng iba’t ibang
ekspresyon.
Isang hiram na salita mula sa wikang
mad’s Borrowing/Clipping Espanyol na comadre at
nangangahulugang malapit na kaibigan.
Mula sa wikang Japanese at may
orihinal na kahulugang pinuno. Nang
hokage Borrowing/Shifting
lumaganap sa Filipinas ay nag-iba ang
kahulugan nito.

Ang mga salitang “emoji,” “mad’s,” at “hokage” ay pawang mga hiram na salita mula sa
mga dayuhan. Ang salitang emoji ay mula sa salitang Hapones na tumutukoy sa mga icon na
nagpapakita ng iba’t ibang ekspresyon.
Samantala, ang salitang “mad’s” ay mula sa salitang Espanyol na comadre na
nangangahulugang malapit na kaibigan. Sa paglipas ng panahon, ang salitang comadre ay
dumaan sa prosesong clipping na kung saan kinaltas ang mga pantig na nasa unahan at hulihan.

Talahanayan 4 Uri ng Neolohismo: Clipping

Salita Uri ng Neolohismo Kahulugan


Dinaglat mula sa salitang brother. Ito
ay maaaring tumukoy sa lalaking
bro Clipping
kapatid sa dugo o lalaking kapatid sa
puso.
Pinaikling bersyon ng salitang Ingles na
congrats Clipping congratulations at kadalasang
ginagamit sa mga pagbati.
Dinaglat na bersyon ng salitang family
fam Clipping
na may literal na kahulugan na pamilya.
Pinaikling bersyon ng salitang Ingles na
peps Clipping people na kung saan ay tinutukoy ang
maraming bilang ng tao.
Pinaikling bersyon ng salitang Ingles na
pics Clipping picture. Ito ay tumutukoy sa mga
imaheng nakikita o nasa utak ng tao.
Pinaikiling bersyon ng salitang sister.
Ito ay maaaring tumukoy babaeng
sis Clipping
kapatid sa dugo o babaeng kapatid sa
puso.
walwal Clipping/Blending Nagmula sa pariralang “walang
pangarap, walang kinabukasan” at
gingamit na pantukoy sa mga taong
mahilig uminom ng alak.

Ang salitang “hokage”naman ay mula rin sa wikang hapones. Ito ay may orihinal na
kahulugang pinuno subalit ng ito ay lumaganap sa Filipinas, ito ay dumaan sa prosesong
semantic shifting. Ang “hokage” ay tumutukoy na ngayon sa mga lalaking desperado na kunin
ang loob, atensyon, o pag-ibig ng isang babae. Ang semantic shifting ay tumutukoy sa pagbabago
ng kahulugan ng isang salita upang ito ay maging bago.

Makikita sa talahanayan 4 ang mga salitang nabibilang sa uri ng neolohismong clipping.


Ang clipping ayon kay Kaunas (2009), ay ang proseso ng pagpapaikli ng salita sa pamamagitan
ng pagkakaltas ng mga pantig/morpema sa isang salita. Kadalasang ang mga pantig/morpemang
na kinakaltas ay ang mga hulapi. Ang mga salitang bro mula sa brother, congrats mula sa
congratulations, fam mula sa family, peps mula sa people, pics mula sa picture, at sis mula sa
sister ay pawing kinaltasan ng mga panlaping hulapi kaya ang mga ito’y maituturing na uri ng
clipping.
Ang salitang walwal naman ay maituturing ding clipping sapagkat ito ay ang pinaikling
bersyon ng pariralang “walang pangarap, walang kinabukasan.” Kung mapapansin ay inalis
lamang ang tatlong pinal na morpema ng mga salitang “walang” pati na rin ang mga karugtong
nitong mga salita. Pagkatapos ng prosesong clipping ay sumailalim pa ito sa isa pang proseso,
ang blending. Mapapansin na pinagsanib ang dalawang kinaltasang salita kung kaya ito ay nabuo
bilang isang salita.

Talahanayan 5 Uri ng Neolohismo: Coinage

Salita Uri ng Neolohismo Kahulugan


Nagpapahiwatig ng pagkabagot o di
Zzz Coinage
kaya ay antok.
Kadalasang ginagamit sa mga
pangungusap na pabiro o di kaya ay
char Coinage hindi seryuso. Maaari rin itong
kumatawan sa mga bagay na nasa
paligid lamang.

Ang mga salitang maiuuri sa neolohismong coinage ay maituturing na mga salitang


walang tiyak na pinagmulan. Ayon kay Kaunas (2009) ang coinage umano ay ang mga bagong
likhang salita na maituturing na bagong salitang-ugat sapagkat hindi pa ito nagagamit sa midyum
na wika kailanman. Ang mga salitang “Zzz” at “char” ay maituturing na kabilang dito.
Talahanayan 6 Uri ng Neolohismo: Derivation

Salita Uri ng Neolohismo Kahulugan


Tumutukoy sa isang matalik na
bestie Derivation
kaibigan.

Kabilang sa mga salitang matatagpuan sa facebook ng mga millennials ay ang salitang


“bestie.” Ayon sa talahanayan 6, ang salitang “bestie” ay maihahanay sa uri ng neolohismong
derivation. Ang derivation ay nangangahulugang paglikha ng bagong salita sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng mga panlapi sa isang salita. Kung susuriin natin ang salitang “bestie,” masasabi
nating ito ay dumaan sa proseso na derivation sapagkat ito ay may orihinal na anyong best na
nangangahulugang pinakamainam. Nang dagdagan ito ng panlaping hulapi na –ie ay nag-iba ang
kahulugan nito, ito ngayon ay tumutukoy na sa isang malapit na kaibigan.

Talahanayan 7 Uri ng Neolohismo: Inisiyalisasyon

Salita Uri ng Neolohismo Kahulugan


Abrebasyon ng pariralang “At the
ATM Inisyalisasyon moment” na tumutukoy sa
kasalukuyang ginagagawa ng tao.
Nangangaahulugang Best Friends
Forever o kaya ay Big Fat Friend.
BFF Inisyalisasyon
Ginagamit bilang pantukoy sa mga
malapit na kaibigan.
Nangangahulugang Hate My Life. Ito
ay ekspresyong ginagamit ng mga tao
partikular ng mga mellinnial upang
HML Inisyalisasyon
ipahiwatig na ayaw nila sa
kasalukuyang nagaganap sa kanilang
buhay.
Nangangahulugang Hit Me Up. Ito ay
HMU Inisyalisasyon ginagamit upang sabihin sa isang tao na
“tawagan mo ako” o “i-text mo ako.”
Nangangahulugang Happy New Year.
HNY Inisyalisasyon Ito ay ginagamit partikular lamang
tuwing bagong taon.
JGHF Inisyalisasyon Nangangahulugang Just got home from.
Ito ay kadalasang ginagamit ng mga tao
na nagbabahagi kung saan sila
nanggaling.
Kumakatawan sa pariralang Just woke
JWU Inisyalisasyon up. Ito ay may literal na kahulugang
kagigising lamang.
Kumakatawan sa pariralang Kill joy. Ito
KJ Inisyalisasyon ay may literal na kahulugang pamatay-
sigla.
Abrebasyon ng pariralang “Long-
distance relationship.” Ito ay
LDR Inisyalisasyon
tumutukoy sa relasyon ng dalawang
taong magkalayo sa isa’t isa.

Ang salitang LDR (Long distance relationship)ay isang halimbawa ng neolohismong


inisyalisasyon sapagkat ito dumaan sa prosesong pagdadagli at ang paraan ng pagbasa dito ay
hindi tulad ng sa isang ordinaryong salita na kung saan ay maaring mabasa ng pantigan bagkus
ay kailangang basahin ito ng paisa-isa ang titik.

Talahanayan 8 Uri ng Neolohismo: Reduplication

Salita Uri ng Neolohismo Kahulugan


Isang bagay, tao at hayop na
cutie patootie Reduplication nakakagigil dahil sobrang
kabighabighani.

Ang salitang cutie patootie ay kabilang sa mga palasak na salitang ginagamit ng mga
mag-aaral na millennials sa kasalukuyan. Ito ay maihahanay sa uri ng neolohismong
reduplication may nangyaring pagtatambal ng mga salitang magkasintunog upang bigyang diin
ang kahulugan ng naunang salita. Sa sitwasyon ng pinagtambal na halimbawang salita, ang
patotie ay idinagdag lamang sa salitang cutie upang mas lumantad ang kahulugan nito.

Resulta
Ang wikang neolohismo na mula sa facebook ng mga mag-aaral ay may malaking epekto
sa pormalidad ng wikang Filipino. Ang wikang neolohismo ay kadalasang nalilikha sa isang
sitwasyong impormal kung kaya nagiging impormal din ang isang wika. Naapektohan din nito
ang ortograpiya ng wikang Filipino sapagkat kahit mga letra lamang ang isulat ng mga tao ay
nagkakaintindihan na ang mga ito.
Kabilang sa mga magagandang epekto ng wikang neolohismo sa wikang Filipino ay ang
sumusunod:
 Napalalago at napananatili nitong buhay ang wikang Filipino. Isinasabay nito ang
naturang wika sa mga pagbabagong dala ng agham at teknolohiya.
 Naipakikilala nito ang kasalukuyang kultura ng mga makabagong tao sa lipunan sapagkat
ang wika at kultura ay dalawang bagay na hindi mapaghihiwalay.
 Mas napadadali ang pakikipagkumonikasyon ng tao lalo na sa pasulat na paraan sapagkat
hindi na kailangang isulat ang buong salita upang maintindihan ito ng tagatanggap ng
mensahe.
 Mas nagiging masaklaw ang kahulugan ng mga salita na nabubuo gamit ang neolohismo.

Mga Sanggunian
Ahmad, K. (2000). “Neologisms, Nonces and Word Formation”. In (Eds.) U. Heid, S.
Evert, E. Lehmann & C. Rohrer. The 9th EURALEX Int. Congress.

Almario, Virgilio S.2015.Pagpaplanong Wika at Filipino.Gusaling Watson, 1610 Daang JP


Laurel, San Miguel, Maynila

Bernales, Rolando.2013.Komunikasyon sa Makabagong Mundo. Valenzuela City; Mutya


Publishing House Inc.

Ontolan, Van Chaucer.(2016).Words Form on the Defense of the Ancient 2.

Internet resources

www.urbandictionary.com
https://m.facebook.com/search/top/?q=bondjing&ref=content_filter&tsid=0.79261114
4240 2588&source=typeahead

https://m.facebook.com/graphsearch/str/lol/stories-keyword/stories-public?tsid
&source=pi vot&rdc=top /?q=1&¬_rdr

https://m.facebook.com/graphsearch/str/jadine/storieskeyword/storiesfeed?public?t
sid&source=pivot&rdc =1&_rdr

https://m.facebook.com/graphsearch/sr/kathniel/stories-keyword/stories
feed?public?tsid &source=pivot&_rdc=1&¬_rdr

https://m.facebook.com/graphsearch/str/salamuch/stories-keyword/stories
feed?public?tsid &source=pivot&_rdc=1&¬_rdr

https://m.facebook.com/graphsearch/str/staycation/stories-keyword/stories-
feed?public?tsid &source=pivot&_rdc=1&¬_rdr

https://m.facebook.com/graphsearch/str/sundate/stories-keyword/stories-
feed?public?tsid &source=pivot&_rdc=1&¬_rdr

You might also like