You are on page 1of 5

Isang Banghay-Aralin sa Filipino

Ikawalong Taon

Inihanda ni: Gemma G. Dela Cruz

I – Layunin: Pagkatapos ng 60-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakikilala ang dalawang uri ng pag-iisa-isa at ang papel na ginagampanan nito bilang
isang paraan ng pagpapahayag,
b. nakasusulat ng simple at komplikadong enumerasyon sa paksang ibibigay na may sapat
na paliwanag; at
c. napahalagahan ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag.

II – Paksang-aralin

a. Paksa:Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag: Pag-iisa-isa at Paghahambing at Pag-iiba- iba


b. Sanggunian : Pinagyamang Wika at Panitikan 8 ( Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin),
Pahina 126 - 128
c. Kagamitan : manila paper, strips

III – Pamamaraan

1. Pang-araw-araw na gawain
 Panalangin
 Pag-aayos ng upuan
 Pagkuha ng atendans

Gawain ng Guro Gawain ng Mag- Pamamaraan


aaral
a. Pagganyak Gamit ang isang concept Itatala sa concept Concept Mapping
map ang mga mag-aaral map ang mga bagay
ay magtatala ng mga na kanilang
bagay na kanilang hinahanap o
isinasaalang-alang kapag isinasaalang-alang
sila ay kapag sila ay
nagboboyfriend/girlfriend nagboboyfriend/
. Pagkatapos ay girlfriend.
magtatanong ang guro ng
mga sumusunod:
Pagtatanong
1. Sa mga bagay na (pag-iisa-isahin
inyong isinulat, mula sa
ano ang pinakaunang
pinakaunang isinasaalang-alang
bagay na inyong hanggang sa
kinukonsidera? pinakahuli)

2. Sa anong aspeto Nagkakatulad ang


naman mga babae at lalaki
nagkakatulad at pagdating sa pag-
nagkakaiba ang ibig sa mga bagay
lalaki at babae na kanilang
pagdating sa pag- isinasaalang-alang
ibig? kagaya na lamang sa
lalaki na mahilig sa
magaganda ganun
din naman ang mga
babae mahilig sa
gwapo. Ngunit
nagkakaiba sila
pagdating sa paraan
ng pagpaparamdam
nila ng kanilang
pag-ibig.
b. Paglalahad Base sa gawain at mga Paraan ng Pagtatanong
tanong na sinagutan Pagpapahayag: Pag-
ninyo, ano sa tingin ninyo iisa-isa at
ang paksa natin sa hapong Paghahambing at
ito? Pagtutulad

c. Pagtatalakay Magaling, ang paksa natin Ito ay ang Direktang


sa hapong ito ay tungkol pagkakasunod- talakayan
sa Iba’t ibang paraan ng sunod ng mga
pagpapahay. impormasyon
Ngayon, sino sa inyo ang tungkol sa isang
may ideya kung ano ang paksa.
pag-iisa-isa o
enumerasyon?

Tama. Ang pag-iisa-isa o


enumerasyon ay ang
pagbibigay ng sunod-
sunod at mga tiyak na
impormasyon tungkol sa
isang paksa. At ito ay
maaaring maging simple
at komplikado.
Malalaman natin na
Paano natin malalaman na simple ang pag-iisa-
simple ang pag-iisa-isa? isa kapag
nagbabanggit
. lamang tayo ng
pagkakasunod-
sunod ng payak na
datos tungkol sa
isang paksa.

Paano naman natin Malalaman natin na


masasabi na komplikado komplikado ang
ang paraan na ginamit sa pag-iisa-sa kapag
pag-iisa-isa? ang simpleng datos
ay pinalawak sa
pamamagitan ng
pagbibigay ng
masusing paliwanag
sa mayamang
impormasyon.

Naiintindihan niyo na ba Opo Ma’am!


ang enumerasyon at ang
dalawang uri nito?

Ngayon ay dumako Ang paghahambing


naman tayo sa at pag-iiba ay ang
paghahambing at pag- pagtatapat ng
iiba. Sino ang gustong dalawa o higit pang
magbigay ng kanyang bagay at pagsusuri
sariling kung ano ang
pagpapakahulugan sa parehas na mayroon
paghahambing at pag- ang mga ito o ano
iiba? ang mayroon ang isa
na wala sa isa.

Magaling. Ang
paghahambing at pag-iiba
ay mayroong dalawang
uri, ito ay maaaring
salitan(alternating) o
isang bagsakan (block).

Base sa aklat ninyo, ano Ang alternating ay


ang kahulugan ng may mga tiyak na
alternating? punto ang
pagtiutulad at pag-
iiba. Sa ilalim ng
bawat punto ay ang
pagsusuri sa dalawa
o higit pang bagay
na pinagtatapat.

Tama. Ano naman ang Ang block naman sa


block? halip na mahati ang
sa mga tiyak na
punto ng pagtutulad
at pag-iiba,
tinitingnan nito ang
dalawa o higit pang
bagay na
pinagtatapat sa
pangkalahatan.
Gumahawa ito ng
isang
komprehensibong
pagsusuri.
d. Pagsasanay Matapos nating talakayin Limang bagay na Magbibigay ng
ang paksa sa hapong ito, hindi mabubuhay halimbawa
sino sa inyo ang ang tao.
makapagbibigay ng 1.Hangin
halimbawa ng simpleng 2.Pagkain
enumerasyon? 3.Tirahan
4.Damit 5.Gamot
Base sa sagot ng inyong Ang tao ay hindi
kamag-aral, sino ang nabubuhay kapag
gustong magbigay ng wala ang hangin
komplikadong sapagkat ito ang
enumerasyon? Pumili pangunahing
lamang ng isa mula sa pangangailangan ng
ibinigay na halimbawa. tao. Mabubuhay ang
tao ng ilang araw na
walang pagkain pero
hindi kapag wala
ang hangin.
e. Paglalahat Ngayon, alam kong lubos konklusyon
niyo nang naintindihan
kung ano ang
enumerasyon at dalawang
uri nito at nalaman din
natin na ang
paghahambing at pag-iiba
ay may dalawa palang uri.
Ito ay ang
Ano nga ulit ang pagkakasunod ng
enumerasyon? mga impormasyon
hinggil sa isang
paksa.

Ano naman ang dalawang Simple at


uri ng pag-iisa-isa? komplikadong pag-
iisa-isa.

Ano naman ang dalawang Alternating at block.


uri ng paghahambing at
pag-iiba?
f. Paglalapat Alam kong may sapat na Pipili ng kapares at Think -Share-Pair
kayong kaalaman tungkol gagawa ng simple at
sa paksang ating komplekadong
tinalakay. Ngayon nais enumersyon.
kong humanap kayo ng
inyong kapares at
magbigay ng simple at
komplikadong
enumersyon. Maari
kayong pumili ng kahit
anong paksa na inyong
nanaisin.

IV – Pagtataya
Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Sagutin ang hinihingi ng
bawat pahayag. Isulat sa inilaang patlang ang inyong sagot.

_________________1.Ito ay ang pagbibigay ng sunod-sunod at mga tiyak na impormasyon


tungkol sa paksa. (pag-iisa-isa o enumerasyon)

_________________2.Ang pagpapalawak ng simpleng datos sa pamamagitan ng pagbibigay ng


masusing paliwanag. (komplikadong enumerasyon)

_________________3-4. Ito ay ang pagtatapat ng dalawa o higit pang bagay. (paghahambing at


pag-iiba)

_________________5. Uri ng pagtutulad at pag-iiba na may mga tiyak na punto ng pagtutulad at


pag-iiba. (alternating)

_________________6. Ito ay ang pagbanggit ng magkakasunod na payak na datos tungkol sa


isang paksa. (simpleng pag-iisa-isa)

_________________7. Ano ang Filipino ng salitang alternating? (salitan)

_________________8. Ano naman ang block sa Filipino? ( bagkasan)

_________________9. Tinitingnan sa ganitong uri ng paghahambing at pag-iiba ang


pangkalahatan ng dalawa o higit pang bagay na pinag-uugnay. ( block)

________________10. Ito ay isang halimbawa ng anong uri ng enumerasyon “matatagpuan sa


Brazil ang Amazon Rainforest and River, ito ang pinakamalaking tropical rainforest sa buong
mundo”. (komplikadong Enumerasyon)

V. Kasunduan

Panuto: Gumawa kayo ng tula na ginamitan ng paghahambing at pag-iiba. Kinakailangang hindi


kukulang sa 3 saknong at hindi lalagpas sa apat na saknong. Isulat ito sa isang bond paper.

You might also like