Professional Documents
Culture Documents
PT1 19 20 Regular
PT1 19 20 Regular
A B C D 30. Anong mga pagpapahalaga ang maaring matututunan ng bata kapag siya ay naturuan ng mga
magulang ng simpleng pamumuhay?
A. Pagtanggap, Pagmamahal at Kalayaan
B. Katarungan, Pagpapasya at Pagtanggap
C. Pagmamahal, Kawastuhan at Pagtanggap
D. Pagtanggap, Pagmamahal at Katarungan
A B C D 31. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
A. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon, ang pagkakaroon ng
karapatan ng magulang na sila ay turuan
B. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa
paaraalan.
C. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
D. Dahil ang kanilang mga ipinapakitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.
A B C D 32. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
A. Kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
B. Wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
C. Kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya.
D. Natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa.
A B C D 33. Ang pamilya ay itinuturing na natural na institusyon. Ang mga sumusunod na pahayag ay dahilan
MALIBAN sa;
A. Ang bawat pamilya ay may panlipunan at pampolitikal na gampanin.
B. Ang pamilya ay paaralan ng pagmamahalan.
C. Ang pamilya ay malayang gawin ang kanyang mga naisin.
D. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasyang magpakasal at
magsama ng habang buhay.
A B C D 34. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa”. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang pamilya ang salamin ng bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ay ganoon din sa
lipunan.
B. ang pamilya ang pndasyon ng lipunan.
C. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
D. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya ay siya rin ang lipunan.
A B C D 35. Kung ang isang bata ay namumuhay sa papuri siya ay matututong;
A. magustuhan ang kanyang sarili C. makilala ang sarili
B. magkaroon ng awa sa sarili D. alagaan ang sarili
A B C D 36. Bata pa lang si Mestisa ay lagi na niyang nakariringgan ang kanyang mga magulang ng pamimintas sa
ibang tao. Si Mestisa ay maaaring maging;
A. Tsismosa B. Metikulosa C. Mapanghusga D. Mapanuri
A B C D 37. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na
pagpapahalaga MALIBAN sa;
A. Pagtanggap B. Pagmamahal C. Pagtitimpi D. Katarungan
A B C D 38. Kapag ang isang bata ay namumuhay sa pagtanggap, natututo siyang;
A. manghusga B. magbigay ng kusa C. pumuri ng kapwa D. magmahal
A B C D 39. Paano mo maipapakita sa malikhaing paraan ang pagsuyo sa magulang na nakatampuhan?
A. Pagpapakita ng pananahimik sa isang tabi
B. Ipagluto at bigyan ng mahigpit na yakap
C. Pagsasabi ng “nay sorry, huwag ka ng magtampo”
D. Pagtext sa kanya nang mga masasayang quotes
A B C D 40. Ang mag-asawang Popoy at Basha ay tapat sa isa’t isa. Binibigyan nila ang bawat isa ng pagkakataon
na magpaliwanag. Ano ang ipinakitang paraan upang mapabuti ang komunikasyon ng mag-asawa?
A. Pag-alala at malasakit B. Pagiging mapanlikha C. Atin-atin D. Pagiging hayag o bukas
A B C D 41. Alin sa mga sumusunod ang HINDI paraan upang mapabuti ang komunikasyon?
A. Pagiging hayag o bukas C. Pagiging malikhain
B. Pagiging umid o walang kibo D. Pagiging mapag-alala at mapagmalasakit
A B C D 42. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng diyalogo?
A. Pagkumbinsi sa kausap na maniwala sa kanyang paniniwala
B. Pakikipag-usap na may layuning marinig lamang at hindi ang making
C. Paghikayat sa kapwa na umayon sa sariling pananaw
D. Pakikipag-ugnayan ng may pakikinig at pag-unawa
A B C D 43. Kung ang pagpapahalaga at pananaw ng bawat isa ay magkaiba, nagkakaroon ng hindi
pagkakaunawaan. Ang hadlang sa komunikasyon ay;
A. pagiging umid B. daramdamin o diribdibin C. ilag sa kausap D. magkaibang pananaw
A B C D 44. Hindi nakakalimutan ng pamilya Mabuti ang manalangin ng sama-sama, higit sa lahat ang magsimba
tuwing Linggo. Ano ang katangian na ipinapakita ng pamilya Mabuti na dapat mong tularan?
A. Buo at matatag C. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
B. May disiplina ang bawat isa D. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
A B C D 45. Sinusuportahan ng pamilya Alonzo ang proyekto ng pabahay ng gobyerno. Anong karapatan ng
pamilya ang itinataguyod ng pamilya Alonzo?
A. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
B. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito.
C. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal at
pang-ekonomiyang seguridad
D. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong sa pagpapatatag ng mga
pagpapahalagang pampamilya
A B C D 46. Ang mga bagay na nakikita ng mga bata na ginagawa ng kanilang mga magulang, ang mga salita na
kanilang naririnig sa mga ito, at ang paraan ng kanilang pag-iisip ay kanilang iisipin, sasabihin at isasagawa.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI sumasang-ayon sa pahayag?
A. Ang magulang ang kauna-unahang modelo ng anak.
B. Magsisilbing pamantayan ng kilos at asal ng anak ang kanilang nakikita sa magulang.
C. Hindi naiimpluwensyahan ng magulang ang anak.
D. Ang sinasabi at ginagawa ng magulang ay nakaiimpluwensya sa anak.
A B C D 47. Kung hinihikayat ng mga magulang ang kanilang mga anak na mag-ipon at magtipid, indikasyon ba ito
ng pagtuturo ng simpleng pamumuhay?
A. Hindi, dahil hindi sa pag-iipon at pagtitipid nasasalamin ang simpleng pamumuhay.
B. Hindi, dahil hindi na nabibili ng mga bata ang mga kailangan nila.
C. Oo, dahil nakakapagtabi sila ng pera na maaaring kailanganin nila sa hinaharap.
D. Oo, dahil sa pamamagitan nito natutunan ng mga anak na pahalagahan ang mga bagay na
mayroon sila.
A B C D 48. Sino sa mga sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga
anak?
A. Si Rian at Ethan na nagpapaplano at nagpapasya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa
kanilang mga anak.
B. Sina Daniel at Romina na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang
matiyak ang magandang buhay para sa kanilang hinaharap
C. Si Cardo at Alyana na namumuhay ng simple kasama ang mga anak at katuwang ng mga ito sa
kanilang mga gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang gagalawan
lalo na sa hinaharap.
D. Sina Maria at Juan na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan
ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap sa kalooban ng kanilang pagiging
malayo sa kanilang pamilya
A B C D 49. “May mga taong sapat na ang bulong, tingin at kilos upang magkaunawaan”. Ang pahayag na ito ay;
A. Mali, sapagkat salita lamang ang kailangan sa pakikipag-ugnayan.
B. Mali, sapagkat magkakaunawaan lamang ang tao kung sila ay mag-uusap.
C. Tama, sapagkat may mga taong magkalapit ang mga puso kaya’t sila ay nagkakaunawaan na.
D. Tama, sapagkat pareho silang magkakilala.
A B C D 50. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
A. Dahil bahagi ito ng papel na panlipunan ng pamilya.
B. Dahil hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung
hindi nito alam kung anu-ano ang mga karapatan at tungkulin nito.
C. Dahil bahagi ito ng papel na pampolitikal ng pamilya
D. Dahil maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang
tungkulin
ANSWER KEY
1 B 26 B
2 D 27 B
3 D 28 D
4 A 29 B
5 B 30 D
6 D 31 A
7 B 32 A
8 C 33 C
9 C 34 A
10 A 35 A
11 B 36 C
12 B 37 C
13 B 38 D
14 A 39 B
15 A 40 D
16 B 41 B
17 B 42 D
18 A 43 D
19 B 44 C
20 C 45 A
21 B 46 C
22 A 47 D
23 A 48 C
24 A 49 C
25 C 50 B