You are on page 1of 1

Description

SAMPLE COT LESSON PLAN FOR KINDER| ANG AKING KOMUNIDAD |TEACHER INTIN KINDERGRAT

Sample COT Lesson Plan for Kindergarten Quarter 3 , Week 2 Lesson Ang Aking Komunidad Mensahe: Ako ay
kabilang sa isang Komunidad. I. Paksang Aralin Content Focus: Nakikilala ang mga taong tumutulong sa komunidad
Developmental Domain: Pagpapaunlad sa Kakayang Sosyo-emosyonal Sub-Domain: Pakikisalamuha sa Iba Bilang
Kasapi ng Komunidad (PKom) Content Standard: - Konsepto ng pamilya, paaralan at komunidad bilang kasapi nito
Performance Standard: - Pagmamalaki at kasiyahang makipagkwento ng sariling karanasan bilang kabahagi ng
pamilya, paaralan at komunidad Learning Competencies: Sa loob ng apatnapung minuto ang mga mag-aaral ay
inaasahang: - Natutukoy ang iba’t ibang lugar sa komunidad (KMKPKom-00-3) Sanggunian: Most Essential Learning
Competencies (MELC) pp.15 ,NKCG (pp10) Kagamitan:, mga larawan, tsart, puzzles, video, powerpoint presentation
Kagandahang Asal: Nakasusunod sa mga itinakdang tuntunin at gawain (routines) sa paaralan at silid-aralan
(SEKPSE-IIa-4) 1. Panimulang Gawain a. Opening Prayer b. Exercise c. Kamustahan d. Attendance e. Balitaan 1. Balik-
aral 2. Pagganyak - Awit: Ako’y Isang Komunidad Tanong: Sino sino ang kasapi sa isang komunidad ayon sa ating
awit ? 3. Paglalahad Mensahe: “Ako ay kasapi ng isang komunidad.” - Kilalanin Mo, Sino Ako?: Huhulaan ng mga bata
kung sinong ang miyembro ng komunidad na tinutukoy sa larawan? - Tanong: Sino sino ang mga ipinakita sa
larawan? Saan kaya natin sila makikita? Ano kaya ang gawain/tungkulin nila? 5. Pagtatalakay Tanong: Mga bata, ano
nga ba ang komunidad? (Magpapakikita ng larawan ang guro ng isang komunida.) Tanong: Ano ano ang mga lugar
na inyong nakikita sa larawan? Mayroon din ba nito sa inyong lugar? Ano anong mga lugar ang mayroon sa inyong
lugar? Ipapakilala ng guro ang mga tao at lugar sa komunidad sa pamamamgitan ng isang kwento at hahayaan ang
mga bat ana magkwento ng kanilang mga karanasan sa mga lugar na ito. Tanong: Anong lugar sa inyong komunidad
ang napuntahan mo na? - Anong lugar naman ang hindi mo pa napuntahan? - Anong lugar sa komunidad ang
madalas mong napipuntahan? - Anong mga lugar sa komunidad ang pinakagusto/pinakapaborito mong puntahan?
Bakit? - Sa inyong palagay, maari na kayang magpunta ang mga batang katulad ninyo sa mga lugar na ating
nabanggit? Bakit? - Kung sakaling kayo ay pumunta sa plaza o parke, ano kaya ang dapat nating gawin lalo na
ngayong panahon ng pandemya? Ipapangkat ng guro ang mga bata sa tatlo. - Anu-ano ang dapat tandaan habang
isinasagawa ang pangkatang gawain? - Anu-ano naman ang gagawin pagkatapos ng gawin ang inaatas na gawain? -
Hayaan ang mga bat ana magbigay ng alituntunin habang sila ay gumagawa ng mga pagsasanay. Pinatnubayang
Pagsasanay Gawain #1: Pick and Match Panuto: Tulungan ang mga tao sa komunidad na hanapin ang lugar kung
saan sila dapat matatagpuan. Gawain #2: Building My Own Community Panuto: Bumuo ng isang komunidad gamit
ang mga larawan. Idikit ito sa nakalaang mapa. 6. Pagsasanay na may Gabay Group #3: Puzzle Panuto: Buuin ang
mga puzzle ng mga lugar sa komunidad 7. Paglalahat Ano ano ang mga lugar na matatagpuan sa ating komunidad?
Sino sino ang mga taong matatagpuan dito? Anong pag iingat ang dapat nating gawin tuwing tao ay pupunta sa iba’t
ibang lugar sa ating komunidad? 8. Pangwakas na gawain Panuto: Pagtambalin ng guhit ang mga larawang
magkaugnay. Tawagin ang bawat mag-aaral sa pisara upang gawin ang pagsasanay. by: Teacher Intin Kindergarten
Files

You might also like