You are on page 1of 3

Sample COT Lesson Plan for Kindergarten

Quarter 3 , Week 2 Lesson

Ang Aking Komunidad

Mensahe: Ako ay kabilang sa isang Komunidad.

I. Paksang Aralin

Content Focus: Nakikilala ang mga taong tumutulong sa komunidad

Developmental Domain: Pagpapaunlad sa Kakayang Sosyo-emosyonal

Sub-Domain: Pakikisalamuha sa Iba Bilang Kasapi ng Komunidad (PKom)

Content Standard:

- Konsepto ng pamilya, paaralan at komunidad bilang kasapi nito

Performance Standard:

- Pagmamalaki at kasiyahang makipagkwento ng sariling karanasan bilang kabahagi ng pamilya, paaralan


at komunidad

Learning Competencies:

Sa loob ng apatnapung minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang:

- Natutukoy ang iba’t ibang lugar sa komunidad (KMKPKom-00-3)

Sanggunian: Most Essential Learning Competencies (MELC) pp.15 ,NKCG (pp10)

Kagamitan:, mga larawan, tsart, puzzles, video, powerpoint presentation

Kagandahang Asal: Nakasusunod sa mga itinakdang tuntunin at gawain (routines) sa paaralan at silid-
aralan (SEKPSE-IIa-4)

1. Panimulang Gawain

a. Opening Prayer

b. Exercise

c. Kamustahan
d. Attendance

e. Balitaan

1. Balik-aral

2. Pagganyak

- Awit: Ako’y Isang Komunidad

Tanong: Sino sino ang kasapi sa isang komunidad ayon sa ating awit ?

3. Paglalahad

Mensahe: “Ako ay kasapi ng isang komunidad.”

- Kilalanin Mo, Sino Ako?: Huhulaan ng mga bata kung sinong ang miyembro ng komunidad na
tinutukoy sa larawan?

- Tanong: Sino sino ang mga ipinakita sa larawan? Saan kaya natin sila makikita? Ano kaya ang
gawain/tungkulin nila?

5. Pagtatalakay

Tanong: Mga bata, ano nga ba ang komunidad?

(Magpapakikita ng larawan ang guro ng isang komunida.)

Tanong: Ano ano ang mga lugar na inyong nakikita sa larawan?

Mayroon din ba nito sa inyong lugar?

Ano anong mga lugar ang mayroon sa inyong lugar?

Ipapakilala ng guro ang mga tao at lugar sa komunidad sa pamamamgitan ng isang kwento at hahayaan
ang mga bat ana magkwento ng kanilang mga karanasan sa mga lugar na ito.

Tanong: Anong lugar sa inyong komunidad ang napuntahan mo na?

- Anong lugar naman ang hindi mo pa napuntahan?

- Anong lugar sa komunidad ang madalas mong napipuntahan?

- Anong mga lugar sa komunidad ang pinakagusto/pinakapaborito mong puntahan? Bakit?


- Sa inyong palagay, maari na kayang magpunta ang mga batang katulad ninyo sa mga lugar na ating
nabanggit? Bakit?

- Kung sakaling kayo ay pumunta sa plaza o parke, ano kaya ang dapat nating gawin lalo na ngayong
panahon ng pandemya?

Ipapangkat ng guro ang mga bata sa tatlo.

- Anu-ano ang dapat tandaan habang isinasagawa ang pangkatang gawain?

- Anu-ano naman ang gagawin pagkatapos ng gawin ang inaatas na gawain?

- Hayaan ang mga bat ana magbigay ng alituntunin habang sila ay gumagawa ng mga pagsasanay.

Pinatnubayang Pagsasanay

Gawain #1: Pick and Match

Panuto: Tulungan ang mga tao sa komunidad na hanapin ang lugar kung saan sila dapat matatagpuan.

Gawain #2: Building My Own Community

Panuto: Bumuo ng isang komunidad gamit ang mga larawan. Idikit ito sa nakalaang mapa.

6. Pagsasanay na may Gabay

Group #3: Puzzle

Panuto: Buuin ang mga puzzle ng mga lugar sa komunidad

7. Paglalahat

Ano ano ang mga lugar na matatagpuan sa ating komunidad?

Sino sino ang mga taong matatagpuan dito?

Anong pag iingat ang dapat nating gawin tuwing tao ay pupunta sa iba’t ibang lugar sa ating komunidad?

8. Pangwakas na gawain

Panuto: Pagtambalin ng guhit ang mga larawang magkaugnay. Tawagin ang bawat mag-aaral sa pisara
upang gawin ang pagsasanay.

You might also like