You are on page 1of 8

MARCH 17, 2016

National Capital Region


Division of City Schools
Caloocan North I District
AMPARO ELEMENTARY SCHOOL
Caloocan City

Pakitang Turo sa Araling Panlipunan 2

Pagkatapos ng 40 na minutong aralin, inaasahang ang mga bata na makuha ang 75% na
kasanayan o higit pa.

I. Layunin
Natutukoy ang mga babalang sinusunod ng bawat kasapi ng komunidad.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagsunod sa mga Babala(AP2PKK-IVf-5)
Yunit: Ika-apat na Yunit – Pagiging Kabahagi
Sanggunian:K to 12 Curriculum Guide p. 28, Teachers’ Guide pp.80-82, LM p. 245-252
Kagamitan: ICT, mga larawan, aklat, tsart
Istratehiya: Bubble Map, Pangkatang Gawain
Pagpapahalaga: Pagsunod at Disiplina

III. Pamamaraan
1. Panimulang awitin

2. Ulat Panahon

3. Balitaan

4. Pagsasanay
Punan ang bubble map ng mga ordinansa na makikita sa ibaba.

Ordinansa

Pagbabawal magtapon ng basura sa kalye Bawal ang magtayo ng mga pook aliwan na
malapit sa paaralan.
Bawal tumawid sa hindi tamang tawiran.
Pagbabawal manigarilyo
sa pampublikong lugar.
Pagtatapon ng basura sa komunidad.

5. Balik-aral
Magpakita ng mga larawan sa mga bata at ipatukoy kung ang mga ito ay nagpapakita
ng ordinansa o hindi.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magpakita ng mga video na tumutukoy sa pagsunod ng mga babala.

Tanong: Batay sa inyong napanuod, ano ang nais ninyong matutunan?

2. Paglalahad ng Paksa

2.1 Pagbuo ng Suliranin


Matutukoy ang babalang sinusunod ng bawat kasapi ng komunidad.

2.2 Pagbibigay ng hinuha/ haka-haka


Magbigay ng hinuha o haka-haka ang mga mag-aaral ukol sa suliranin.

2.3 Istratehiya: Pangkatang Gawain

1. Dula-dulaan ( May tatawid sa tamang tawiran at may tatawid sa maling


tawiran, nasagasaan ito at namatay)
2. Pagtukoy ( Bilugan ang larawang nagpapakita ng pagsunod sa mga babala.

3. Awit : Tukuyin ang balala sa awit


(My toes my knees)
Mga babala dapat na sundin
Wag hahawakan, wire na nabalatan
Aayos ang pamumuhay
Sa disgrasya’y mawawalay

3. Pagsusuri ng Datos
Iulat ng bawat pangkat ang kanilang natapos na Gawain.

4. Pagtalakay

Ano-ano ang mga babalang sinusunod ng bawat kasapi ng komunidad?


Mga babalang dapat sundin

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano – ano ang mga babalang sinusunod ng bawat kasapi ng komunidad?

(Pag-awit) The farmer in the dell

Babalang sinunod (2x)


Iwas sa sakuna kaya’t dapat sundin

Tumawid sa tawiran
Lumiko sa likuan
Kuryenteng nabalatan ay ‘wag hahawakan.
2. Paglalapat
Tukuyin ang larawan na nagpapakita ng babalang sinusunod ng komunidad.

3. Pagpapahalaga
Bakit mahalagang sundin ang mga babala?

IV. Pagtataya
Lagyan ng masayang mukha ang bilang na naglalarawan ng mga gawain sa
komunidad na nagpapakita ng pagsunod sa mga babala at naman kung hindi.

______1. Tumawid sa tamang tawiran.


______2. Hawakan ang kuryente kahit na ipinagbabawal.
______3. Pumapasok sa mga ipinagababawal na lugar.
______4.Bagalan ang takbo ng sasakyan sa mga pook tulad ng paaralan.
______5. Lumiko sa tamang likuan.

V. Kasunduan

Gumawa ng poster na nagpapakita ng pagsunod sa mga babala sa ating komunidad.

Inihanda ni:
ANIELYN JOY T. BOMBITA
Gurong Nagpakitang Turo

Iniwasto ni:
ALMINA BUNGGAY
MT-In-Charge

Binigyang Pansin:
MARILYN M. LAURENO
Punongguro
MARCH 17, 2016

National Capital Region


Division of City Schools
Caloocan North I District
AMPARO ELEMENTARY SCHOOL
Caloocan City

Pakitang Turo sa Araling Panlipunan 2

Pagkatapos ng 40 na minutong aralin, inaasahang ang mga bata na makuha ang 75% na
kasanayan o higit pa.

I. Layunin
Nailalarawan ang mga gawain sa komunidad na nagpapakita ng pagtutulungan.

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga gawain sa komunidad na nagpapakita ng pagtutulungan
Yunit: Ika-apat na Yunit – May Pagtutulungan sa Aking Komunidad
Kabanata: Modyul 8- Ang Aking Papel sa Komunidad
Aralin 8.3- May Pagtutulungan sa Aking Komunidad
Sanggunian:
1. K-12 Curriculum Guide P.24
2. Teachers’ Guide p. 82, LM p. 255
1. Kagamitan: ICT, mga larawan, aklat, tsart
2. Istratehiya: Semantic Web, Pangkatang Gawain
3. Pagpapahalaga: Pagkakaisa at Pagtutulungan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pag-awit: Greeting Song

Tayo ay magtulungan
( sitsiritsit alibangbang)

Tayo ng magtulungan
Mga tungkulin ay gampanan
Mapapadali ang gawain
Magkaisa sa mithiin

2. Balitaan
3. Pagsasanay
Punan ang semantic web ng mga bumubuo sa komunidad.

komunidad
4. Balik-aral
Magpakita ng larawan at tukuyin kung alin ang nagpapakita ng pagkakaisa ng mga
tao sa komunidad.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magpakita ng isang “video” ng bayanihan. Ipaalala ang mga pamantayan sa
panunuod /pakikinig.

Itanong ang mga sumusunod:


- Batay sa inyong napanood, anong magandang kaugaliang Pilipino ang
ipinakita sa video?
- Sa inyong pang araw-araw na buhay, may mga pangyayari ba kayong
nasaksihan na nagpapakita ng pagtutulungan?

2. Paglalahad ng Paksa
2.1 Pagbuo ng Suliranin
Mailalarawan ang mga gawain sa komunidad na nagpapakita ng
pagtutulungan.

2.2 Pagbibigay ng hinuha/haka-haka


Magbibigay ng hinuha o haka-haka ang mga mag-aaral ukol sa
katanungan ng guro.

2.3 Istratehiya: Pangkatang Gawain


Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo na pangkat. Ipaalala ang
mga pamantayan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain. Bawat pangkat ay
bibigyan ng gawain na nakatala sa kanilang activity sheet.

Group 1- Maiksing dula-dulaan na nagpapakita ng pagtutulungan.


Group 2- Awit na nagpapakita ng pagtutulungan.

Tayo ng magsama sama


Tumulong sa gawain
Magkaisa sa mithiin
Mapabibilis ang gawain
Bayanihan pairalin
Tulong tulong din

Group 3- Tukuyin ang nagpapakita ng pagtutulungan sa mga


larawang ibinigay.

3. Pagsususuri ng Datos
Iuulat ng bawat pangkat ang kanilang natapos na gawain.

4. Pagtalakay
Pagtalakay at pagsagot sa mga tanong tungkol sa pangkatang gawain.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano-ano ang mga gawain sa komunidad na nagpapakita ng pagtutulungan?
“Pagtutulungan”

Pagtutulungan (2x) May pagtutulungan sa aming komunidad.


Paglilinis ng kalsada, pagtatapon ng basura
Sa programa ng barangay, nakikiisa(2x)
Pagtutulungan (2x) May pagtutulungan sa aming komunidad.

2. Paglalapat
Magpakita ng mga larawan at ipatukoy sa mga mag-aaral ang nagpapakita
ng pagtutulungan ng mga tao sa komunidad.

3. Pagpapahalaga
Bakit mahalagang nagtutulungan at nagkakaisa ang mga tao sa isang
komunidad?

IV. Pagtataya
Lagyan ng masayang mukha ang bilang na naglalarawan sa mga gawain sa
komunidad na nagpapakita ng pagtutuluungan. Malungkot na mukha naman kung
hindi.

1. Nagtutulungan ang mga kabataan sa pagdidilig ng mga halaman sa parke.


_________
2. Mabilis natapos ang pandekorasyon sa entablado dahil pakikiisa ng mga babae at
lalaking iskawt. _________
3. Hinahayaan lamang na nakakalat ang mga basura sa kalsada. ________
4. Nagsasagawa ng bayanihan ang mga tao sa pamamahagi ng pagkain sa mga
biktima ng lindol. _________
5. Nagtatago sa bahay kapag nanghihingi ng tulong ang mga kapitbahay. ________

V. Kasunduan
Gumupit ng limang larawan na nagpapakita ng pagtutulungan sa komunidad. Idikit sa
inyong kuwaderno.

Inihanda ni:
ARIEL J. BORLAZA
Gurong Nagpakitang Turo

Iniwasto ni:
ALMINA BUNGGAY
MT-In-Charge

Binigyang Pansin:
MARILYN M. LAURENO
Punongguro
MARCH 17, 2016

National Capital Region


Division of City Schools
Caloocan North I District
AMPARO ELEMENTARY SCHOOL
Caloocan City

Pakitang Turo sa Araling Panlipunan 2

Pagkatapos ng 40 na minutong aralin, inaasahang ang mga bata na makuha ang 75% na
kasanayan o higit pa.

I. Layunin
Natutukoy ang iba pang tao na naglilingkod sa komunidad.

II. Paksang Aralin


Paksa: Tao sa Komunidad
Yunit 4: Aralin 6.2 Paglilingkod sa komunidad
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide Dec. 2013 ( p. 27)
AP2PKK-IVa-2
Learner’s Manual p. 188-193
Pagpapahalaga: Pangangalaga sa Taong Naglilingkod sa Komunidad
Kagamitan: larawan, ICT

III. Panimulang Gawain


A. Pamamaraan
1. Ulat Panahon
2. Balitaan
“Taxi Drayber Na Pinarangalan”

3. Pagsasanay
Sabihin ang Fact na Fact kung tama ang pinunong tinutukoy at Bluff na Bluff kung
hindi.

4. Balik-Aral
Sabihin kung Tama o Mali ang bawat pangungusap ukol sa pinuno.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng mga tao sa komunidadsa pamamagitan ng pagbuo ng
puzzle.
2. Paglalahad
2.1 Pagbuo ng Suliranin
a. Hayaang magtanong ang mga bata ukol sa larawang pinakita.
(Sino sino ang mga tao sa komunidad? )
2.2 Pagbuo ng Hinuha
Palagay na sagot na ukol sa suliranin.
2.3 Pagkalap ng Datos

3. Mayroon din bang mga taong naglilingkod sa inyong komunidad na katulad ng


inyong napanuod?

4. Sino pa ang naglilingkod sa inyong komunidad na wala sa ipinakita?


(Tukuyin kung sino ang tinutukoy ng mga sumusunod?)
5. Bakit mahalaga ang mga taong ito?
6. Paano natin sila papahalagahan?
C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat
( Sagutin mo ang tanong sa suliranin)
Sino-sino ang mga taong naglilingkod sa komunidad?
Awitin ang paglalahat:

Tono: ( Sitsiritsit Alibangbang)


Mga guro at abogado
Dentista at mga doctor
Magsasaka, mangingisda
Naglilingkod sa komunidad

2. Paglalapat

Hatiin ang klase sa tatlong grupo.

1- Buuin ang word Puzzle at tukuyin kung sino-sino ang kanilang nabuo.

2- Tukuyin kung sino ang tinutukoy na naglilingkod sa isasadula n glider.


(arte ko hula ko)

3- Tukuyin kung sino ang tinutukoy sa awit.

IV. Pagtataya

Tukuyin kung sino ang sinasaad ng pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ako ay gumagawa at nagkukumpuni ng mga bahay.


a. guro b. karpintero c. magsasaka
2. Ako ay nagtatanim ng mga halaman upang pagkunan ng pagkain.
a. Tubero b. karpintero c. magsasaka
3. Ako ay nagbibigay ng serbisyo ng panggagamot.
a. doktor b. magsasaka c. guro
4. Ako ay nag-aayos at nagkukumpuni ng linya ng tubo mg tubig.
a. Tubero b. guro c. magsasaka
5. Ako ay tumutulong sa doctor sa pangangalaga sa maysakit.
a. Tubero b. nars c. magsasaka

Inihanda ni:
GERLIE C. MONILLA
Gurong Nagpakitang Turo

Iniwasto ni:
ALMINA BUNGGAY
MT-In-Charge

Binigyang Pansin:
MARILYN M. LAURENO
Punongguro

You might also like