You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 1
Unang Markahan – Unang Linggo
Mga Karapatan ng Bawat Batang Pilipino

I. Panimula
Naisip mo ba kung bakit binibigyan ka ng sapat na pagkain,
matitirahan, kasuotan ng iyong kapamilya? Bakit ka pinag-aaral?
Bakit ka dinadala sa palaruan upang makapaglaro? Nararanasan
mo ba ang mga ito? Malaya ka bang naisasagawa ang mga ito?
Ang karapatan ay mga pangangailangan ng tao na dapat
makamit upang makapamuhay nang maayos. Mahalaga sa
bawat bata ang kaniyang mga karapatan. Mayaman man o
mahirap, dapat ay tinatamasa ng bawat batang tulad mo ang
inyong mga karapatan.
Tungkulin ng bawat pamilya na ibigay ang karapatang ito sa
kanilang mga anak sapagkat sila ang gagabay at papatnubay sa
mga bata sa kanilang paglaki at para sa ikagaganda ng kanilang
kinabukasan at sa tulong din ng ating Panginoon.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Nakikilala ang mga pangunahing karapatan at tungkulin ng
bawat bata.
Koda: HGPS-Id-7
III. Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. makatutukoy ng mga karapatang maaring ibigay ng pamilya o
kaanak, at
2. maisasagawa ang mga gawain sa loob at labas ng tahanan
bilang isang bata.

IV. Pagtalakay
Ano nga ba ang karapatan? Sa iyong murang edad, alam
mo na ba nang lubusan ang iyong karapatan? Bilang isang bata
dapat mong malaman kung ano-ano ang mga karapatan mo.
Halika! Ating kilalanin at tukuyin ang mga larawan upang
malaman ang iyong mga karapatan.
Bilang isang bata karapatan mo na:

1. maisilang at magkaroon ng
nasyonalidad;

2. magkaroon ng tahanan at pamilyang


mag-aaruga;

2
3. manirahan sa payapa at tahimik na lugar;

4. magkaroon ng sapat na
pagkain, malusog at aktibong
katawan;

5. mabigyan ng sapat na edukasyon;

6. mapaunlad ang aking kakayahan;

7. mabigyan ng pagkakataong maglaro at


makapaglibang;

3
8. mabigyan ng proteksiyon laban sa pang-
aabuso, panganib at karahasan;

9. maipagtanggol at matulungan ng
pamahalaan; at

10. makapagpahayag ng sariling ideya.

Ang mga karapatang ito ay dapat mong maranasan bilang


isang bata.
Nararanasan mo ba ang mga karapatang ito?
Nagagawa mo ba ang mga bagay na nais mong gawin?
Naipapahayag mo ba ang iyong saloobin sa iyong pamilya?
Ginagampanan mo ba ang mga pananagutan mo sa loob
ng inyong tahanan?
Kung oo, ang iyong mga sagot, Mahusay!

4
(Basahin ang tula sa gabay ng magulang at sagutin ang tanong sa ibaba.)

May Karapatan ka, Bata!


Ni: Gng. Laura G. Del Rosario
Guhit ni: G. Edward Joseph R. Celario

Bata, ika’y may karapatang mabuhay sa mundo,


at magkaroon ng pangalan at nasyonalismo.
Bata, ika’y may karapatang magkaroon ng tahanan,
upang doo’y tahimik at payapang manirahan.

Bata, ika’y may karapatan sa edukasyon at matuto ng leksiyon,


daan sa magandang kinabukasan at pag-asa ng bayan.
Bata, ika’y may karapatang maging malusog,
sapat at tamang nutrisyon ay dapat mabusog.

Bata, ika’y may karapatan na ipagtanggol ng pamahalaan,


sa mga mapang-abuso at mapang-api sila’y may kalalagyan.

Dahil may karapatan ka bata, dapat mong matamasa!

5
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Tungkol saan ang tula? ______________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Sino ang may karapatan? ____________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Magbigay ng tatlong karapatan na binanggit sa tula.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain (Patnubay at gabay ng magulang
kinakailangan)
A. 1 Panuto: Lagyan ng tsek (√) sa bawat hanay kung nararanasan
ang mga karapatan bilang isang bata.
Paminsan-
Sitwasyon Oo Hindi
minsan
1. Ako ay may sariling tirahan at
pamilyang nag-aaruga.
2. Ako ay pinapayagang
makapaglaro.
3. Kumakain ako ng sapat at
masustansyang pagkain.
4. Ako ay nakatatanggap ng tulong
mula sa pamahalaan.
5. Malaya kong naipapahayag ang
aking ideya.

6
A. 2 Panuto: Gumuhit ng hugis puso ( ) sa loob ng kahon kung
nagpapakita ng pagpapahalaga sa karapatan ng bata ang mga
sumusunod na larawan at ekis ( X ) naman kung hindi.

1. 2. 3. 2. 3.

4. 5. 5.

Gawain 2. Gawaing Pagganap (Patnubay at gabay ng magulang


kinakailangan)
B. 1 Panuto: Iguhit sa kahon ang mga gawain na kaya mong gawin
sa loob o labas ng bahay.

7
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
ISKOR
Pamantayan

Malinaw na nailarawan sa kaniyang likha ang nais na gawain sa loob o labas ng


5
bahay.

Hindi masyadong malinaw na nailarawan sa kaniyang likha ang nais na gawain


3
sa loob o labas ng bahay.

Hindi malinaw ang larawan sa kaniyang likha ang nais na gawain sa loob o labas
1
ng bahay.
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

B. 2 Panuto: Sumulat ng maikling liham pasasalamat sa iyong


magulang kung malaya mong nararanasan ang iyong mga
karapatan bilang bata.

Sa aking mga magulang,

_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Nagmamahal,
__________________

8
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
ISKOR
Pamantayan

Nakagawa nang maayos, wasto at akma sa aralin. 5

Nakagawa ngunit hindi maayos. 3

Nakagawa ngunit walang kinalaman sa aralin. 1


*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VI. Pagsusulit
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay wasto
at MALI kung hindi.
_________1. May karapatan kang maisilang sa mundo.
_________2. Kailangan ng batang tulad mo ang mag-aral.
_________3. Ang batang tulad mo ay may mga karapatan.
_________4. Hindi mo kailangan ang pamilyang mag-aaruga sa iyo.
_________5. Ang batang pitong taong gulang ay dapat
nagtatrabaho.

VII. Pangwakas
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salita upang mabuo
ang konsepto ng aralin.

edukasyon karapatan pamilya pangalan proteksyon

Bilang isang bata ako ay may mga

na dapat taglayin. Mga tungkuling dapat maibigay sa akin ng

aking . Ilan lamang sa mga ito ay ang isilang at

mabigyan ng sapat na pagkain, tamang

at magkaroon ng .

9
VIII. Sanggunian
Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade12 S.Y.
2020-2021.
https://www.google.com/search?q=clip+art&client=firefox-b-
d&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj6-
5SIl4byAhUCL6YKHbFjC_IQ_AUoAXoECAEQAw&biw=1366&bih=643

IX. Susi sa Pagwawasto


5. X proteksyon 5.
4. ito. 5. MALI Edukasyon 4. IV.
3. mga gawaing 4. MALI Pangalan 3. III.
2. mga bata sa 3. TAMA Pamilya 2.
1. X iba ang sagot ang sagot ng 2. TAMA Karapatan 1.
A. B. Maaaring magkaka- Maaring iba-iba 1. TAMA
Gawain 1 Gawain 2 A_B Pagsusulit Pangwakas

X. Grupo ng Tagapaglinang
Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Laura G. Del Rosario


Patnugot: Laura G. Del Rosario
Tagaguhit: Edward Joseph R. Celario
Rhian Joy G. Fernandez
Tagapagsuri ng Nilalaman: Carmela M. Santos
Ruby Ann C. Soliven
Melchora E. Aduca
Patnugot ng Wika: Jeslie R. Bautista
Grupo ng tagapaglinang: Marissa M. Damian,PhD
Eden G. Tańedo

10

You might also like