You are on page 1of 20

PANG-ABAY

Istruktural na kahulugan: ang pang-


abay ay makikilala dahil kasama ito
ng isang pandiwa, pang-uri o isa pang
pang-abay na bumubuo ng parirala.

Pansemantikang kahulugan: ito ay
nagbibigay- turing sa pandiwa, pang-
uri o sa iba pang pang-abay.


Mga Uri ng Pang-Abay
Pang-abay na Kataga o Ingklitik

Mga katagang laging sumusunod sa unang
salita ng kayariang kinabibilangan.

Ba daw/raw pala man
Kasi din/rin tuloy muna
Kaya naman nga lamang/lang
Na yata pa sana

Halimbawa:

Nailigtas ba ang mga minerong
natabunan sa minahan?
Alam pala ng kanyang nanay ang
nangyaring sakuna.
Kumain muna kayo bago umalis.
Matalino naman siya kahit masungit.



Pang-abay na salita o parirala

1. Pang-abay na Pamanahon: ay nagsasaad kung
kalian naganap o magaganap ang kilos na taglay
ng pandiwa.
Pamanahong may Pananda
(nang, sa, noong, kung, kapag, tuwing, buhat, mula,
umpisa, hanggang)
Halimbawa:
Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw?
Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan.
Tuwing Pasko ay nagtitipun-tipon silang mag-
anak.

Pamanahong walang Pananda
(kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas,
sandali, atb.)
Halimbawa:
Manonood kami bukas ng pambansang
pagtatanghal ng dulang Pilipino sa CCP.
Panauhing pandangal ang Pangulong Marcos sa
pagkakaloob ng Gantimpalang TOYM mamaya.
Ipinagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang
kanyang ika 40 na kaarawan.

Pamanahong nagsasaad ng Dalas
(araw-araw, oras-oras, taun-taon, atb.)
Halimbawa:
Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook
ng santakrusan.
Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang
mapanatili ang kanyang kalusugan.
Taun-taon ay dapat tayong magbayad ng buwis
para sa ikapagtatagumpay ng mga proyekto ng
pamahalaan.

2. Pang-abay na Panlunan: tumutukoy sa
pook na pinangyarihan, pinangyayarihan o
pangyayarihan ng kilos sa pandiwa.
Halimbawa:
sa + pangngalang pambalana
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda
sa kantina.
sa + pangngalang pantanging di ngalan ng
tao
Maraming nagsasaliksik sa U.P., sa Ateneo, at
sa PNC tungkol sa wika


sa + panghalip na panao
Nanawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyo.
sa + panghalip na pamatnig
Nagluto sa ganito ang kanyang ina.
Kay/kina + pangngalang pantanging ngalan ng
tao
Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng
keyk para sa iyong kaarawan.
Sasama ako kay Mitch para gumawa ng takdang
aralin.
3. Pang-abay na Pamaraan: ay naglalarawan
kung paano naganap, nagaganap o
magaganap ang kilos na ipinahayag ng
pandiwa o ng isang kayariang hango sa
pandiwa.
Halimbawa:
Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Natulog siya nang patagilid.
Bakit siya umalis na umiiyak?

4. Pang-abay na Pang-agam: ang tawag sa mga
pang-abay na nagbabadya ng di-katiyakan sa
pagganap sa kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa
desisyon ng Sandiganbayan.
Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa
Pilipinas.
Waring natutupad din ang ating mga pangarap.


5. Pang-abay na Kundisyunal: nagsasaad ng
kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad
ng pandiwa. Pinangungunahan ng kung, kapag, o
pag, at pagka-
Halimbawa:
Matutupad ang mga layunin ng ating
pamahalaan para sa bayan kung buong-puso
tayong makikipagtulungan sa mga
maykapangyarihan.
Luluwang ang ekonomiya ng bayan kapag
nakapagtatag ng maraming industriya dito sa
atin.
Maraming dolyar ang papasok sa Pilipinas kapag
nakapagbibili tayo ng langis sa ibang bansa.

6. Pang-abay na Panang-ayon: ay nagsasaad ng
pagsang-ayon. Ang ilan sa ganitong pang-abay
ay oo, opo, tunay, talaga, atb.
Halimbawa:
Opo, susundin ko po ang utos ninyo.
Tunay, na maganda siya.

7. Pang-abay na Pananggi: yaong pang-abay
na nagsasaad ng pagtanggi. Tulad ng
hindi/di at ayaw.
Halimbawa:
Hindi pa lubusang nagagamot ang sakit
na kanser.
Ngunit marami pa rin ang ayaw tumigil sa
pagsisigarilyo.


8. Pang-abay na Panggaano o Pampanukat:
yaong nagsasaad ng timbang o sukat.
Sumasagot sa tanong na gaano o
magkano?
Halimbawa:
Tumaba ako nang limang libra.
Dinagdagan niya ang biniling lansones
nang apat na guhit.
Tumagal nang limang oras ang operasyon
niya.


9. Pang-abay na Kusatibo: nagsasaad ng
dahilan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Nagkasakit si Mhina dahil sa
pagpapabaya sa katawan.
Mapapaniwala ko siya dahil dito.


10. Pang-abay na Benepaktibo: nagsasaad ng
benepisyo para sa isang tao dahil sa
pagganap sa kilos ng pandiwa o layunin ng
kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Mag-aroskaldo ka para sa maysakit.
Magbenta ka ng mga alaga mong manok
para sa matrikula mo.


11. Pang-abay na Pangkaukulan:
pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o
ukol.
Halimbawa:
Nagplano kami tungkol sa gagawin nating
pagdiriwang.
Nagtapat siya sa ina hinggil sa kanilang
pagiging magnobyo.


12. Pang-abay na pamitagan: nagsasad ng
paggalang.
Halimbawa:
Kailan po kayo uuwi?
Opo, aakyat na po ako.

You might also like