You are on page 1of 3

Ang Alamat ni Mariang Makiling

Sabi sa mga alamat, nagka-panahon nuong nakaraan, ang mga diwata o diyos ay namuhay tulad at
kasa-kasama ng mga tao. Kahit na sila ay may hiwaga, nagsasalita sila at umiibig, namimili sa
talipapa at iba pang karaniwang gawain ng mga tao hanggang ngayon. Ang alamat ni Mariang
Makiling ay tungkol sa dalawang ganitong diwata nuong Unang Panahon, sina Gat Panahon at
Dayang Makiling, at ang kaisa-isa nilang anak, si Maria.

Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang mag-asawang diwata sa anak na itinuring nilang
kanilang kayamanan at ligaya sa buhay. Diwata rin tulad ng mga magulang, hindi karaniwan si
Maria subalit naki-halubilo siya at nakipag-usap sa mga tao.

Naging ugali niya ang mamasyal sa talipapa kapag araw, naka-damit ng sutla (silk) na may borda
(embroidered) ng mga bulaklak, ang uso nuon. Ang makapal niyang buhok, abot hanggang
sakong (heel) ang haba, ay may sabit na mga bulaklak ng suha (pomelo). Marikit ang kanyang
mga mata kaya pati mga babae ay naakit makiharap sa kanya. Pagdaan niya, yumuyuko ang mga
tao sa magalang na pagbati.

Dalawang katulong na Aeta ang lagi niyang kasama pagpunta sa talipapa. Hindi lumalayo ang
mga Aeta, bitbit ang isang buslo (basket) ng luya na ipinagpa-palit ni Mariang Makiling - wala
pang salapi nuon, at ang bilihan sa katunayan ay palitan lamang ng mga dala-dalang bagay - sa
mga salakot, banig (sleeping mats), at sutla (silk).

Isang araw, nagtungo sa talipapa ng Makiling si Gat Dula, ang panginuon sa nayon ng Bai, upang
mamili at mag-aliw. Siksikan ang mga tao duon sapagkat araw ng pamilihan nuon, at lahat sa
nayon ay nasa talipapa. Pati ang mga taga-kalapit baranggay at nayon ay dumayo upang
magkalakal din, bitbit ang kanilang mga paninda. Nanduon din nuon si Mariang Makiling at
nagkataon, nakasabay niya si Gat Dula sa pagtawad sa isang piraso ng balat ng hayop. Kapwa
nakaharap sa nagtitinda, nagkadikit ang kanilang mga balikat, at nagkatinginan silang dalawa.
Hindi sinasadya, nahipo pa ni Gat Dula ang kamay ni Mariang Makiling sapagkat hawak nilang
magka-sabay ang balat ng hayop.

Bilang paumanhin, yumuko si Gat Dula kay Maria na, sa hinhin, ay hindi sumagot at tumingin sa
malayo. Nagkakilala sila at pagkaraan ng mahabang pag-uusap, nakangiti nang bahagya si Maria
nang maghiwalay sila. Mula nuon, madalas dumalaw si Gat Dula sa bahay nina Gat Panahon at
Dayang Makiling, subalit kahit kailan man, hindi na niya nakaharap si Mariang Makiling. Lagi
siyang wala sa bahay at tumutulong sa mga tao. Nuon kasi, gawi ng mga tao kapag nagigipit, ay
lumalapit sa mga diwata at humihingi ng tulong, at pakay naman ng mga diwata ang tumulong sa
mga tao.

Isa pang dahilan na hindi nakita uli ni Gat Dula si Mariang Makiling: Siya ay isang nilalang na tao
samantalang si Maria ay isang diwata. Gaano man katalik sila, hindi maaaring mag-ibigan ang
dalawang magka-ibang nilalang.
Ang Alamat ng Lansones
"The Legend of the Langsat/Lanzones"

alamat ng lansones legend of the lanzones langsat

Noong unang panahon sa isang bayan sa Laguna ay matatagpuan ang isang uri ng puno na may
bilugan hugis ang bunga. Sa panahon ng tagbunga, kahit na hitik sa bilugang bunga ang nasabing
puno ay walang sinuman ang nangangahas na lapitan o kainin ito. Sa likod ng tila ba masarap na
anyo ng bunga nito ay nakakubli ang matindi at maaring nakamamatay na lason.

Nagsimulang katakutan at pag-usapan ang "puno ng lason" ng may isang manlalakbay ang
nagpahinga sa ilalim ng puno na may nakakalasong bunga. Marahil dahil sa pagod, gutom at sa
kaayaayang kaanyuan ng bunga ay pumitas ang manlalakbay ng bunga ng puno upang kainin.
Huli na ng makita upang pigilan ng mga taong-bayan ang manlalakbay sa pagkain nito ng
nasabing bunga. Bumula ang bibig ng manlalakbay at nangisay ito matapos makain ang
nakalalasong bunga.

Maliban sa nasabing nakalalasong puno ay marami pang ibang namumungang puno at halaman
ang matatagpuan sa bayan. Sa isang bibihirang pagkakataon ay tinamaan ng isang matinding
tagtuyot ang bayan. Nangamatay ang mga tanim na kanilang inaasahang magbibigay sa kanila ng
makakain, lingid sa isa... ang puno na nagtataglay ng nakalalasong bunga. Taimtim na nanalangin
ang mga taong bayan upang matapos na ang nasabing tagtuyot dulot ng matinding tag-init.

Isang araw ay may isang babaeng nakaputi ang dumating sa bayan. Kakatuwa ang babaeng ito
dahil ito ay pakanta kanta pang tinungo ang lugar kung saan matatagpuan ang punong namumunga
ng bungang may lason. Sinubukang pigilan ng ilang nakatatanda ang babae, ngunit tila ba hindi
sila narinig nito at patuloy lamang sa maligayang pag-awit nito at nagsimulang pitasin ang bunga
ng puno.

Nagimbal ang mga taong nasaksihan ang pagkain ng babae sa nakalalasong bunga ng puno sa
kabila ng kanilang pagbabala dito. Inasahan na ng mga taong-bayan na anumang oras ay babgsak
ito ngunit nakailang bunga na itong nakakain ay wala pa ring nangyayari, sa halip ay sarap na
sarap pa ito sa pagkain. Marahil sa pagataka at gutom ay nagsimulang lumapit ang mga kabataan
sa babae.

Tinanong ng babae ang mga lumapit na bata kung bakit tila ba hindi nagagalaw ang mga
masasarap na prutas ng nasabing puno. Inilahad sa kanya ng mga bata ang kuwento ng
nakalalasong puno at umiling lamang ang babae. Pumitas siya ng bunga at pinisil ito upang ilantad
ang kaaya-ayang laman ng bunga ng nasabing puno. Sa gutom ay nagbakasakali ang isang bata
upang tikman ito. "Masarap at Malinamnam!" ang nasabi ng bata at muli itong pumitas. Nang
makita ito ng mga taong-bayan ay nagsimula itong lumapit sa nasabing puno upang kumuha ng
bunga upang kainin. Lahat ay nabigla sa kakaibang tamis ng dating itinuring nilang bungang may
lason. Sa di maipaliwanag na pangyayari ay bigla na lamang nawala ang babaeng unang kumain
ng bunga ng puno ng lason. Matapos mabatidna wala na ang lason sa puno ay naitawid ng bayan
ang matinding tag-init. Pinaniwalaan ng mga taong-bayan na ang babaeng nakaputi ay isang
diwatang sumagot sa kanilang panalangin. Sa paglipas ng panahon ang dating puno at bunga na
may lason ay tinawag na nilang "lansones".

You might also like