You are on page 1of 2

ALAMAT NI MARIANG MAKILING

Ang Alamat Ni Mariang Makiling

SABI sa mga alamat, nagka-panahon nuong nakaraan, ang mga diwata odiyos ay
namuhay tulad at kasa-kasama ng mga tao. Kahit na sila ay may hiwaga, nagsalita sila
at umibig, namili sa talipapa at iba pang karaniwang gawain ng mga tao hanggang
ngayon. Ang alamat niMariang Makiling ay tungkol sa 2 ganitong diwata nuong Unang
Panahon, sina Gat Panahon at Dayang Makiling, at ang kaisa-isa nilang anak, si Maria.

Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang mag-asawang diwata sa anak na itinuring


nilang kanilang kayamanan at ligaya sa buhay. Diwatarin tulad ng mga magulang, hindi
karaniwan si Maria subalit naki-halubilo siya at nakipag-usap sa mga tao.

Naging ugali niya ang mamasyal sa talipapa kapag araw, naka-damit ngsutla (seda, silk)
na may borda (embroidered ) ng mga bulaklak, anguso nuon. Ang makapal
niyang buhok, abot hanggang sakong (talón, heel ) ang haba, ay may sabit na
mga bulaklak ng suha ( pomelo, grapefruit). Marikit ang kanyang mga mata (ojos, eyes)
kaya pati mga babae ay naakit makiharap sa kanya. Pagdaan niya, yumuyuko ang
mgatao sa magalang na pagbati.

Dalawang katulong na Aeta ang lagi niyang kasama pagpunta satalipapa. Hindi lumalayo
ang mga Aeta, bitbit ang isang buslo (basket) ng luya na ipinagpa-palit ni Mariang
Makiling - wala pang salapi nuon, at ang “bilihan” sa katunayan ay palitan lamang ng
mga dala-dalang bagay - sa mga salakot, banig (sleeping mats), at sutla (seda, silk).

Isang araw, nagtungo sa talipapa ng Makiling si Gat Dula, ang panginuon sa nayon
ng Bai, upang mamili at mag-aliw. Siksikan ang mga tao duon sapagkat “araw ng
pamilihan” nuon, at lahat sa nayon ay nasa talipapa. Pati ang mga taga-kalapit
baranggay at nayon ay dumayo upang magkalakal din, bitbit ang kanilang mga
“paninda.” Nanduon din nuon si Mariang Makiling at nagkataon, nakasabay niya siGat
Dula sa “pagtawad” sa isang piraso ng balat ng hayop. Kapwa nakaharap sa nagtitinda,
nagkadikit ang kanilang mga balikat, at nagkatinginan silang dalawa. Hindi sinasadya,
nahipo pa ni Gat Dulaang kamay ni Mariang Makiling sapagkat hawak nilang magka-
sabay ang balat ng hayop.

Bilang hindi ng paumanhin, yumuko si Gat Dula kay Maria na, sa hinhin, ay hindi
sumagot at tumingin sa malayo. Nagkakilala sila at pagkaraan ng mahabang pag-
uusap, nakangiti nang bahagya si Marianang maghiwalay sila. Mula nuon, madalas
dumalaw si Gat Dula sa bahay nina Gat Panahon at Dayang Makiling, subalit kahit kailan
man, hindi na niya nakaharap si Mariang Makiling. Lagi siyang wala sa bahay at
tumutulong sa mga tao. Nuon kasi, gawi ng mga tao kapag nagigipit na lumapit sa
mga diwata at humingi ng tulong, at pakay naman ng mga diwata ang tumulong sa
mga tao.

Isa pang dahilan hindi na nakita uli ni Gat Dula si Mariang Makiling: Siya ay isang nilalang
na tao samantalang si Maria ay isang diwata. Gaano man katalik sila, hindi maaaring
mag-ibigan ang 2 magka-ibang nilalang.

You might also like