0% found this document useful (0 votes)
557 views10 pages

Mga Alamat

Uploaded by

Jocelyn Jocelyn
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
557 views10 pages

Mga Alamat

Uploaded by

Jocelyn Jocelyn
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd

Ang Alamat ng

Lansones
"The Legend of the
Langsat/Lanzones"
Noong unang panahon sa isang bayan sa
Laguna ay matatagpuan ang isang uri ng puno na
may bilugan hugis ang bunga. Sa panahon ng
tagbunga, kahit na hitik sa bilugang bunga ang
nasabing puno ay walang sinuman ang
nangangahas na lapitan o kainin ito. Sa likod ng
tila ba masarap na anyo ng bunga nito ay
nakakubli ang matindi at maaring nakamamatay
na lason.
• Nagsimulang katakutan at pag-usapan ang
"puno ng lason" ng may isang manlalakbay ang
nagpahinga sa ilalim ng puno na may nakakalasong
bunga. Marahil dahil sa pagod, gutom at sa
kaayaayang kaanyuan ng bunga ay pumitas ang
manlalakbay ng bunga ng puno upang kainin. Huli na
ng makita upang pigilan ng mga taong-bayan ang
manlalakbay sa pagkain nito ng nasabing bunga.
Bumula ang bibig ng manlalakbay at nangisay ito
matapos makain ang nakalalasong bunga.
Maliban sa nasabing nakalalasong puno ay
marami pang ibang namumungang puno at halaman
ang matatagpuan sa bayan. Sa isang bibihirang
pagkakataon ay tinamaan ng isang matinding
tagtuyot ang bayan. Nangamatay ang mga tanim na
kanilang inaasahang magbibigay sa kanila ng
makakain, lingid sa isa... ang puno na nagtataglay ng
nakalalasong bunga. Taimtim na nanalangin ang mga
taong bayan upang matapos na ang nasabing
tagtuyot dulot ng matinding tag-init.
Isang araw ay may isang babaeng nakaputi ang
dumating sa bayan. Kakatuwa ang babaeng ito dahil
ito ay pakanta kanta pang tinungo ang lugar kung saan
matatagpuan ang punong namumunga ng bungang
may lason. Sinubukang pigilan ng ilang nakatatanda
ang babae, ngunit tila ba hindi sila narinig nito at
patuloy lamang sa maligayang pag-awit nito at
nagsimulang pitasin ang bunga ng puno.
Nagimbal ang mga taong nasaksihan ang
pagkain ng babae sa nakalalasong bunga ng puno
sa kabila ng kanilang pagbabala dito. Inasahan na
ng mga taong-bayan na anumang oras ay babagsak
ito ngunit nakailang bunga na itong nakakain ay
wala pa ring nangyayari, sa halip ay sarap na sarap
pa ito sa pagkain. Marahil sa pagataka at gutom ay
nagsimulang lumapit ang mga kabataan sa babae.
Tinanong ng babae ang mga lumapit na bata
kung bakit tila ba hindi nagagalaw ang mga masasarap
na prutas ng nasabing puno. Inilahad sa kanya ng mga
bata ang kuwento ng nakalalasong puno at umiling
lamang ang babae. Pumitas siya ng bunga at pinisil ito
upang ilantad ang kaaya-ayang laman ng bunga ng
nasabing puno. Sa gutom ay nagbakasakali ang isang
bata upang tikman ito. "Masarap at Malinamnam!" ang
nasabi ng bata at muli itong pumitas. Nang makita ito
ng mga taong-bayan ay nagsimula itong lumapit sa
nasabing puno upang kumuha ng bunga upang kainin.
Lahat ay nabigla sa kakaibang tamis ng dating
itinuring nilang bungang may lason. Sa di
maipaliwanag na pangyayari ay bigla na lamang
nawala ang babaeng unang kumain ng bunga ng puno
ng lason. Matapos mabatidna wala na ang lason sa
puno ay naitawid ng bayan ang matinding tag-init.
Pinaniwalaan ng mga taong-bayan na ang babaeng
nakaputi ay isang diwatang sumagot sa kanilang
panalangin. Sa paglipas ng panahon ang dating puno
at bunga na may lason ay tinawag na nilang
"lansones".
•Ano ang pamagat ng kuwento?
•Sino sino ang mga tauhan sa kwento?
•Bakit itinuring na lason ang bunga ng
nasabing puno?
•Ano ang katangian ng nasabing babae na
tumikim ng bungang ason?

You might also like