You are on page 1of 1

PLONING

Ang Ploning ay isang pelikulang tungkol sa isang babae na naghihintay sa kanyang kasintahan nang
matagal na panahon.

Sa kasalukuyan, isang misteryosong mangingisda ng Taiwan na si Mou Sei, na dumating sa bayan ng


Cuyo, Palawan na kaagad nyang hinahanap ang isang taong nagngangalang 'Ploning'.

Sa pagbalik-gunita ng ilang taon na nakalipas, si Ploning ay kilala bilang isang masipag at maalalahaning
anak na sa kabila ng kanyang edad at kagandahan ay nagpasya na huwag mag-asawa. Mahal na mahal
niya ang isang lalaki na si Tomas at labing-apat na taon ang nakalilipas nang ito'y umalis upang
maghanap-buhay, iniwan syang bigo ngunit hinihintay pa rin ang kanyang pagbabalik.

Sa kabila nito, ipinagpatuloy ni ploning ang kanyang mga tungkulin bilang isang mabuting anak ng
patriyarka ng bayan na si Susing, at sa nagdadalamhating ina ni Tomas na si Intang, mabuting kaibigan
kay Alma, at nag-aalaga sa may sakit na si Juaning na kung saan ang anak na si Digo ay nasa
pangangalaga rin ni Ploning.

Subalit, nagpasya si Ploning na iwanan ang kanilang mapayapang buhay upang hanapin si Tomas sa
Maynila. Si Digo, na nilalampasan ang kalungkutan, ay humingi ng tulong sa panauhin ng bayan na si
Nars Celeste, at kanilang nalaman na mayroon rin syang kasintahan na nagngangalang Tomas sa
Maynila. Dahil sa matinding pagmamahal ni Ploning kay Tomas, tinanggihan nya ang paniniwala na si
Tomas na sinasabi ni Celeste at ang kanyang Tomas ay iisa lamang.

Sa araw na umalis si Ploning, bumagsak ang ulan sa bayan ng Cuyo na noon ay nagdusa sa tuyong
panahon. Si Muo Sei ay kalaunang inihayag na si Digo, at ang mga mamamayan sa bayan ay ang mga
nakatulong kay Ploning noon.

You might also like