You are on page 1of 2

ANG PAG-IBIG ALINSUNOD SA PAKETE NG TIDE ULTRA

Author:Gilbert M. Sape

sabi ko
ayaw kong maglaba sa gabi
hindi ko alam kung bakit
siguroy ayaw kong makitang
nakasungaw ang bituin sa ulap
at pinapanood ang bawat kong kusot
pero hindi kagabi
ang totoo
naglaba ako
sinamantala ko ang pangungulimlim
ng bituin sa nangingilid na ulap
at natitiyak ko
maputi ang aking nilabhan
sinunod ko yata ang bawat instruksyon
sa likod ng pakete ng tide ultra:
1. kunin sa timba ang damdaming
matagal nang ibinabad
2. kusutin nang mabuti
pabulain
pabulain upang matiyak na
natatakpan na ng bula
ang mga salitang noon pa sana sinabi
3. at dahil nahuli na sa sikat ng araw
na siyang pagkukulahan,
lagyan na lamang ng clorox
upang kumupas at walang makakita
sa mantsa ni Eros
4. banlawan
maraming banlaw
at tiyaking maisama sa tubig
ang mga sentimiyento
at panghihinayang
5. ibuhos sa kanal ang tubig
upang makapagtago sa burak
ang mga pagsinta
6. isampay sa mahanging lugar
ang nilabhang damdamin
pabayaan itong makahinga

matagal na rin namang


naikubli ito sa baul
Pagmumuni pagkatapos
napigaan ko na ang damit
mariin
nakalimutan ko nga lamang
pigaan ang tubig sa aking mata
paalam muna
samantalay magpapatuyo muna ako
ng damit
ng mata
sanay walang makakita
salamat sa pakete ng tide ultra

ANG PAGKAIN NG HINOG NA MANGGA

Kurutin mo ang tulis na dulo


At hubaran ang palibot nito
Pero huwag mong balatan ng tuwiran
Yung tama lang para mayroon kang makagat
Lasapin mo ang lahat ng nakalantad na laman
Piho, may aagos na katas, agapan mo
Kasi baka tumulo sa kamay mo
Ang pinakamahusay ngay dilaan mo na ito
Sumige ka lang, kahit na puro katas
Ang nguso mo
t baba masarp naman
At kapag nangalahati ka na hubaran mong
Dahan-dahan ang natitira t kagatin
Mula sa itaas, mula sa tagiliran
Sa pagkatas nito, kahit na pahalik ka at pasipsip na
Hindi maiiwasang may tutulo sa mga daliri mo
Pero huwag mong bitiwan
Huwag mong pakadiin
Kasi hindi masarap ang lamog o ang malapirot na
Ipitin mo sa mga labi ang basang buhok
Sipsipin mong pahagod hanggang maubos ang katas
Tapos hubaran mo na ng tuluyan
Baliktarin mo t kagatin mula sa ilalim Banayag, hanggang sa may
malambot sa dila himurin hanggang buto

You might also like