You are on page 1of 2

sabi ko

ayaw kong maglaba sa gabi


hindi ko alam kung bakit
siguro�y ayaw kong makitang
nakasungaw ang bituin sa ulap
at pinapanood ang bawat kong kusot

pero hindi kagabi�


ang totoo
naglaba ako

sinamantala ko ang pangungulimlim


ng bituin sa nangingilid na ulap
at natitiyak ko
maputi ang aking nilabhan
sinunod ko yata ang bawat instruksyon

sa likod ng pakete ng tide ultra:

1. kunin sa timba ang damdaming


matagal nang ibinabad

2. kusutin nang mabuti pabulain�


pabulain upang matiyak
na natatakpan na ng bula
ang mga salitang noon pa sana sinabi

3. at dahil nahuli na sa sikat ng araw


na siyang pagkukulahan,
lagyan na lamang ng clorox
upang kumupas at walang makakita
sa mantsa ni Eros

4. banlawan
maraming banlaw
at tiyaking maisama sa tubig
ang mga sentimiyento
at panghihinayang

5. ibuhos sa kanal ang tubig


upang makapagtago sa burak
ang mga pagsinta

6. isampay sa mahanging lugar


ang nilabhang damdamin
pabayaan itong makahinga
matagal na rin namang
naikubli ito sa baul

Pagmumuni pagkatapos�
napigaan ko na ang damit
mariin
nakalimutan ko nga lamang
pigaan ang tubig sa aking mata
paalam muna
samantala�y magpapatuyo muna ako�
ng damit
ng mata
sana�y walang makakita
salamat sa pakete ng tide ultra

You might also like