You are on page 1of 23

ARALIN 15

PAG-IBIG SA
UNANG PAGKIKITA
275.
“Siyang pamimitak at kusang nagsabog ng ningning
ang talang kaagaw ni Benus,
anaki ay bagong umahon sa bubong,
buhok ay naglugay sa perlas na batok.

276.
“Tuwang pangalawa kung hindi man langit
ang itinatapon ng mahinhing titig,
o ang luwalhating buko ng ninibig,
pain ni Kupidong walang makarakip!
Ipinapakita sa saknong 275-276 na ang karikitan ni Laura ay
inilalarawan ni Florante bilang si Benus, Inilarawan din niya
ito bilang
pinakamaningning na bituing makikita sa daigdig bago
sumikat ang araw, at ang kanyang buhok na lumulugay sa
kanyang batok, ay maihahambing sa perlas. Nakikita rin ni
Florante sa mahinhing titig ni Laura ang kasiyahan sa kanyang
loob at ang puso ni Florante ay bihag na ni Kupido at walang
makakaalis kailanman
277.
”Liwanag ng mukha’y walang pinag-ibhan
Kay Pebo, kung anyong bagong sumilang,
Katawang butihin ay timbang na timbang
At mistulang ayon sa hinhin ng asal.

278.
“Sa kaligayaha’y ang nakakaayos
Bulaklak na bagong winahi ng hamog,
Anupa’t sinumang palaring manood,
Patay o himala kung hindi umirog.
Ang saknong 277-278 ay sinasabing ang mukha ni
Laura ay parang isang lumiliwanag na kagaya ng Pebo ,
ang kanyang katawan naman ay timbang na timbang at
sa lahat-lahat, siya ay isang kakawinahingang-hamog
lamang na bulaklak . Na kung sino man ang makakita
ay himala nalang kung hindi mahulog at mahalin

Dahil lubhang nagagandahan si Florante kay Laura
, bigla siyang napaibig sa kanya, at nagugulo ang
isip niya . Kapag siya ang nagsasalita ay
nagkakamali siya sapagkat natatakot siyang hindi
magingmarapat para kay Laura.
279.
“Ito’y si Laurang ikinasisira
Ng pag-iisip ko tuwing magunita,
At dahil ng tanang himutok at luha
Itinotono ko sa pagsasalita.
280.
“Anak ni Linseong haring napahamak,
At kinabukasan ng aking pagliyag:
Bakit itinulot langit na mataas,
Na mapanood ko kung di ako dapat?
Kagaya ng unang nasabi, lubhang napaigbig nang
bigla si Florante kay Laura . Ngunit sa kasamaang
palad, kinabukasan ng araw na nakita niya si Laura,
paalis na siya upang digmain ang Krotona mula sa
mga Moro . Itinatanong niya sa Diyos kung bakit pa
siya nakakita ng ganitong kagandahan, kahit na
hindi siya karapat-dapat.
281.
“O Haring Linseo kung di mo pinilit
Na sa salitaan nati’y makipanig,
Ang buhay ko’y disi’y hindi nagkasakit
ngayong paglihunan ng anak mong ibig!
Noong una, isinisisi niya sa kanyang isip si
Linceo bilang dahilan ng pagkakakita niya kay
Laura dahil sa pagpipilit niyang tumulong si
Florante sa digmaan, na sa huli nagdulot ng
pinapaniwalaan niyang pagtataksil sa kanya ni
Laura para kay Adolfo .
282.
“Hindi katoto ko’t si Laura’y di taksil.
Aywan ko kung ano’t lumimot sa akin!
Ang palad ko’y siyang alipusta’t linsil,
di laang magtamo ng tuwa sa giliw.
Ngunit sunod niya namang itongisinalungat nang
mistulang nakikipagtalo siya sa kanyang sarili at sa
kanyang isipan. Sinalungat niya ang una niyang
ibinanggit sa pagsasabing si Laura ay hindi isang
taksil. Ngunit ito ay muli niya nanamang isinalungat sa
pagsasabing kung totoong hindi siya taksil
283.
“Makakapit kaya ang gawang magsukab
Sa pinakayaman ng langit sa dilag?
Kagandaha’y bakit di makapagkalag
Ng pagkakapatid sa maglilong lakad?

284.
“Kung naglalagay ka’y ang mamatuwirin
Sa laot ng madlang sukat ipagtaksil,
Dili ang dangal mong dapat na lingapin
Mahigit sa walang kagandaha’t ningning?

Naalala niya ang kanyang ina at siya ay biglang
naiyak at siya ang nangulila. Naisip niya na hindi na
siya
nararapat maging kasintahan ng babaeng abot-langit
ang kagandahan
284.
“Kung naglalagay ka’y ang mamatuwirin
Sa laot ng madlang sukat ipagtaksil,
Dili ang dangal mong dapat na lingapin
Mahigit sa walang kagandaha’t ningning?

285.
“Ito ay hamak na bagang sumansala
ng karupukan mo at gawing masama?
Kung ano ang taas ng pagkadakila,
siya ring lagapak naman kung marapa
MGA TALASALITAAN
1. Mahinhin- sa ibang salita ay malumanay
2. asal- katangian o karakter ng isang indibidwal
3. perlas na batok- lumulugaygay na buhok sa batok
4. pain- sakit o hapdi
5. magunita- alala
6. itinulot- payagan o pahintulutan
7. di-taksil- hindi traydor
8. dakila- marangal o isang taong may mataas na moral at idealidad
9. lingapin- alagaan o asikasuhin
10. marapa- madapa o matisod
QUIZ
1. Sino ang ipinapahiwatig ni
Florate sa mga saknong?
A. Loura
B. Kupido
C. Laura
D. Amihan
2. Sino ang Diyosa ng
Kagandahan?
A. Kupido
B. Laura
C. Floresca
D. Benus
3. Ano ang kahulugan ng nasanglangguhitan sa saknong 279?
“Ito’y si Laurang ikinasisira
Ng pag-iisip ko tuwing magunita,
At dahil ng tanang himutok at luha
Itinotono ko sa pagsasalita.
A. Dahil lubhang nagagandahan si Florante kay Laura naguguluhan
ang isip ni Florante tuwing naaalala si Laura.

B. Sumasaya ang puso ni Laura tuwing nakikita si Florante dahil


mahal nya ito.
C. Sumasaya ang isip ni Florante kapag hindi naiisip si Laura.

D. Nahihilo si Florante.
4. Ano ang kasingkahulugan ng itinulot?

A. payagan o pahintulutan
B. pang-aapi o pagpapahirap
C. sakit o hapdi
D. wala sa nabanggit
5. TAMA O MALI

Ang kagandahan ni Laura ay


maihahalintulad kay Kupido

You might also like