You are on page 1of 31

MAGANDAN

G UMAGA!
Balik Aral
Sino ang umagaw sa
trono ni Haring Linseo?
Nagkaroon ba ng sama ng
loob si Florante kay
Adolfo?
Nakaraan:
Labis na nagdurusa ang nakagapos na si
Florante. Sa kanyang panalangin ay
naghihimutok siya kung bakit
nagaganap ang kasamaan sa Albanya.
Sa mabubuti ay may
nakaambang kamatayan at ang
masasama naman ay naluluklok
pa sa trono.
Inaasam niya sa panalangin na manaig
ang kapangyarihan ng langit para
masugpo ang kasamaan na siyang
nananaig. Di niya batid kung ang
kanyang kakapitan sa oras na iyon.
Ano sa tingin mo?
Panuto:
Piliin sa Hanay B ang kahulugan ng
mga salitang nasalungguhitan sa
Hanay B. Isulat ang salita at ang
inyong kasagutan.
HANAY A HANAY B
 
1. Mababata - Iniiyakan
niya ang lahat dahil -Matitiis
sa pag-ibig. -Tumila
2. Ang pagkawala - Magtataksil
ng ina ay tinatangisan - Hagilapin
ng anak.
3. Nais niyang
apuhapin ang lahat.
4. Ang luha ni Rose
Ay agad na bumalisbis.
5. Di siya maglililo.
Gabay na Tanong
1.Ano ang hiling ni Florante sa Diyos?
2.Ano ang tanging ligaya ni Florante?
3.Sino ang pinaninibughuan ni Florante?
1. Ano ang hiling ni Florante sa Diyos?
2. Ano ang tanging ligaya ni Florante?
3. Sino ang pinaninibughuan ni Florante?
4. Ano ang nanaig na damdamin ni Florante?
5. Makatwiran bang makadama ng paninibugho si
Florante ngayong hindi pa niya nakikita si Laura?
6. Kung ikaw ay nasa katayuan ni Florante, paano
mo mapaglalabanan ang hirap at pasakit na
nadarama?
 
Ang
Panibugho
26. “ Kung siya Mong ibig na ako’y magdusa,
Langit na mataas, aking mababata
Isagi Mo lamang sa puso ni LAURA,
Ako’y minsan-minsang mapag-alaala.

27. “At dito sa laot ng dusa’t hinagpis,


Malawak na lubhang aking tinatawid,
Gunita ni LAURA sa naabang ibig,
Siya ko na lamang ligaya sa dibdib.
28. “Munting gunamgunam ng sinta ko’t mutya
Nang dahilsa aki’y dakila kong tuwa,
Higit na malaking hirap at dalita
Parusa ng taing lilo’t walang awa.

29. “Sa pagkagapos ko’y kung gunigunihin


Malamig nang bangkay akong nahihimbing
At tinatangisan ng sula ko’t giliw
Ang pagkabuhay ko’y walang hnagga mandin.
30. “ Kung apuhapin ko ang sariling isip,
Ang suyuan naming ng pili kong ibig,
Ang pagluha niya kung ako’y may hapis,
Nagiging ligaya yaring madalng sakit.

31. “Ngunit sa aba ko! Sawing kapalaran!


Ano pang halaga ng gayong suyuan,
Kung ang sing-ibig ko sa katahimikan
Ay humuhilig na sa ibang kandungan?
32. “Sa sinapupunan ng KONDE ADOLFO
Aking natanaw si LAURANG sinta ko;
Kamataya’y nahan ang dating bangis mo
Nang di ko damdamin ang hirap na ito?”

33. Dito hinimatay sa paghihinagpis,


Sumuko ang puso sa dahs ng sakit,
Ulo’y nalungayngay, luha’y bumalisbis,
Kinagagapusang kahoy ay nadilig.
34. Magmula sa yapak hanggang sa ulunan,
Nalimbag ang banagis ng kapighatian,
At nag panibugho’y gumamait ng asal
Ng lalong marahas, lilong kamatayan.

35. Ang kahima’t sinong hindi maramdamin,


Kung ito’y makita magmamahabagin,
Matipid na luha ay paaagusin,
Ang nagparusa ma’y pilit hahapisin.
36. Sukat na ang tingnan ang lugaming anyo
Nitong sa dalita’y hindi makakibo;
Aakaying biglang umiyak ang puso
Kung wala nang luhang sa mata’y itulo.

37. Gaano ang awing bubugso sa dibdib


Na may karamdamang maanyong tumindig
Kung nag panambita’t daing may marinig
Nang mahimasmasan ang tipon ng sakit!
38. Halos buong gubat ay nasasabugan
Ng dinaing-daing na lubhang malumbay,
Na inuulit pa at isinisigaw
Sagot sa malayo niyong alingawngaw.

39. “Ay LAURANG poo’y bakit isinuyo


Sa iba ang sintang sa aki’y pangako,
At pinagliluhan ang tapat na puso,
Pinaggugulan mo ng luhang tumulo?
40. “Di simupaan mo sa harap ng Langit
Na di maglililo sa kaing pag-ibig?
Ipinabigay ko nan yaring dibdib,
Wala sa gunita itong masasapit!
1.Ano ang hiling ni
Florante sa Diyos?
2. Ano ang tanging
ligaya ni Florante?
3. Sino ang
pinaninibughuan ni
Florante?
4. Ano ang nanaig na
damdamin ni
Florante?
5. Makatwiran bang
makadama ng paninibugho si
Florante ngayong hindi pa
niya nakikita si Laura?
6. Kung ikaw ay nasa katayuan ni
Florante, paano mo mapaglalabanan
ang hirap at pasakit na nadarama?
Magsulat ng isang
sanaysay tungkol sa
paksang “ Ang Tapat at
Tunay na Pag-ibig ay
Nagtitiwala”.
PAMANTAYAN

Kahusayan- 30%
Orihinalidad-20%
Kaaayusan - 30%
Nilalaman - 20%
Total: 100%
KASUNDUAN
Basahin ang Aralin 4
saknong 41-68 ng
Florante at Laura
PAALAM!

You might also like