You are on page 1of 39

Alaala

ni
laura
WENNIVIE MARINDUQUE
BUOD
Mababasa sa bahaging ito ang pag-aalala ni Florante sa
pinakamamahal niyang si Laura na siyang nagbibigay lakas at
pag-asa sa kanya. Ngunit ang mga alaalang ito ay nasasalitan
ng selos o panibugho sa pag-iisip na si Laura’y masaya na sa
piling ni Adolfo. Subalit sa muling pagliliwanag ng isipan ay
nababatid niyang dakila ang pag-ibig ni Laura para sa kanya
kaya’t hinihingi nya ang pagdamay ng dalaga sa kanyang
kalagayan. Gayunpama’y muli’t muling nagbabalik ang
kawalang pag-asang ipinakikita ng pagkayukayok niya.
Kung siya mong ibig na ako’y magdusa,
Langit na mataas, aking mababata;
Isagi mo lamang sa puso ni Laura,
Ako’y minsan minsang mapag-alaala.
At dito sa laot ng dusa’t hinagpis,
Malawak na lubhang aking tinatawid,
Gunita ni Laura sa naabang ibig,
Siya ko na lamang ligaya sa dibdib.
Munting gunamgunam ng sinta ko’t mutya,
Nang dahil sa aki’y dakilang kong tuwa,
Higit sa malaking hirap at dalita,
Parusa ng taong lilo’t walang awa.
Sa pagkagapos ko’y kung gunigunihin,
Malamig nang bangkay akong nahihimbing
At tinatangisan ng sula ko’t giliw
Ang pagkabuhay ko’y walang hangga
mandin.
Kung apubapin ko ang sariling isip,
Ang suyuan namin ng pili kong ibig,
Ang pagluha niya kung ako’y may bapis,
Nagiging ligaya yaring madlang sakit.
Ngunit sa aba ko! Sawing kapalaran!
Ano pang halaga ng gayong suyuan,
Kung ang sing-ibig ko’y sa katahimikan’
Ay bumibilig na sa ibang kandungan?
Sa sinapupunan ng Konde Adolfo,
Aking natatanaw si Laurang sinta ko;
Kamataya’y nahan ang dating bangis mo,
Nang di ko damdamin ang hirap na ito?
Dito hinimatay sa paghihinagpis,
Sumuko ang puso sa dahas ng sakit,
Ulo’y nalungayngay’ luha’y bumalisbis
Kinagagapusang kahoy ay nadilig.
Magmula sa yakap hanghang sa ulunan,
Nalimbag ang bangis ng kapigbaitan,
At ang panibugho’y gumamit ng asal,
Ng lalong marahas, lilong kamatayan.
Ang kahima’t sinong hindi maramdamin,
Kung ito’y makita’y magmamahabagin
Matipid na luha ay paaagusin,
Ang nagparusa ma’y pilit hahapasin.
Sukat na ang tingnan ang lugaming anyo,
Nitong sa dalita’y hindi makakibo,
Aakayin biglang umiyak ang puso,
Kung wala ng luha sa mata’y itulo.
Gaano ang awang bubugso sa dibdib,
Ng karamdamang maanyong tumitig,
Kung ang panambita’t daing ay narinig,
Nang mahimasmasan ang tipon ng sakit,
Halos buong gubat ay nasasabugan’
Ng danaing-daing na lubhang malumbay,
Na inuulit pa at sinisigaw,
Sagot sa malayo niyang alingawngaw.
Ay Laurang poo’y bakit isinuyo,
Sa iba ang sintang sa aki’y pangako,
At pinagliluban ang tapat na puso,
Pinangguluhan mo ng luhang tumulo.

You might also like