You are on page 1of 66

SUBMITTED TO: MS.

ANGELICA LACORTE LIBREA


SUBMITTED BY: ALLYSSA PANGANIBAN
“Kung Siya mong ibig na ako’y
magdusa,
Langit na mataas, aking
mababata;
Isagi mo lamang sa puso ni
Laura,
ako’y minsan-minsang mapag-
alaala.
“At dito sa laot ng dusa’t
hinagpis,
Malawak na lubhang aking
tinatawid,
Gunita ni Laura sa nagaabang na
ibig,
Siya ko na lamang ligaya sa
dibdib.
“Munting gunamgunam ng
sinta ko’t mutya
Nang dahil sa aki’y dakila kong
tuwa,
Higit sa malaking hirap at
dalita
Parusa ng taong lilo’t walang
awa.
“Sa pagkagapos ko’y kung
gunigunihin
Malamig nang bangkay
akong nahihimbing
At tinatangisan ng sula ko’t
giliw,
Ang pagkabuhay ko’y
walang hangga mandin.
“Kung apubapin ko ang
sariling isip,
Ang suyuan namin ng
pili kong ibig,
Ang pagluha nya kung
ako’y may bapis,
Nagiging ligaya yaring
madlang sakit .
“Ngunit sa aba ko! Sawing
kapalaran!
Ano pang halaga ng gayong
suyuan,
Kung ang sing-ibig ko’y sa
katahimikan
Ay bumibilig na sa ibang
kandungan?
“ Sa sinapupunan ng
Konde Adolfo
Aking natatanaw si
Laurang sinta ko;
Kamataya’y nahan ang
dating bangis mo
Nang di ko damdamin
ang hirap na ito?”
“Dito hinimatay sa
paghihinagpis,
Sumuko ang puso sa dahas ng
sakit,
Ulo’y nalungayngay,luhay
bumalisbis
Kinagagapusang kahoy ay
nadilig.
“Magmula sa yapak
hanggang sa ulunan,
Nalimbag ang bangis ng
kapigbatian,
At ang panibughoy
gumamit ng asal
Ng lalong marahas,lilong
kamatayan.

You might also like