• Maraming taong tuso at manloloko sa ating panahon.
Patuloy silang nakapanloloko dahil sa kanilang pagiging mapagkunwari kayat hindi namamalayan ng kanilang nagiging biktima na sila pala ay napapasok na sa isang bitag o kapahamakan. Ang ilang paraan ng modus operandi sa mga panloloko o scam ay mababasa sa ibaba. May nalalaman ka ba kung paano isinasagawa ang mga ito? Subuking ipaliwanag sa kahon kung paano isinasagawa ang bawat isa. ALAM MO BA?
Ang pilandok ay isang maliit na hayop. Halos isang piye (1 foot)
ang taas nito kapag nakatayo. Bagamat tinatawag itong mouse-deer at medyo nahahawig sa usa ay hindi ito kapamilya ng mga usa dahil kabilang ito sa tinatawag na chevrotain family. Bagamat karaniwan itong matatagpuan sa mga bayan ng timog-kanlurang palawan higit na nakilala ang pilandok mula sa mga pabulang meranao kung saan mapanlinlang, mapamaraan at tuso na lagging nanlilinlang sa mga nakakasalamuha niya tulad ng buwaya, unggoy, baboy- ramo, at maging ng sultan. Kung ang mga tagalog ay may juan tamad, ang mga meranao ay may pilandok. 1. Ano ang pinakaangkop na paglalarawan kay pilandok, matalino nga ba o mapanlinlang? Patunayan sa pamamagitan ng mga ginawa niya sa binasang pabula? 2. Sa paanong paraan nakilala ni pilandok ang baboy-ramo? Sa iyong palagay, nararapat nga kaya ang ginawa niyang panlilinlang sa baboy- ramo? Kung ikaw si pilandok, ano ang gagawin mo para makaligtas ka na maging hapunan ng baboy-ramo ng hindi mo ito kailangang ipahamak? 3. Bakit kaya galit nag alit ang buwaya kay pilandok? At bakit galit na galit di pilandok sa buwaya? Sa paanong muling naisahan ni pilandok ang buwaya? 4. Sa paanong paraan napagtanto ni pilandok ang kanyang pagkakamali?
5. Kung ikaw ay tulad ni pilandok na mahilig
manlinlang ng iyong kapwa, ano ang kailangang baguhin mo upang hindi dumating ang araw na pagsisisihan mo ang mga kasamaang ginagawa mo? 1. Ano-anong paraan ng panloloko sa kapwa ang ipinakita sa video? 2. Bakit kaya gumawa ng ganitong video ang ating kapulisan ? paano ito nakakatulong sa ating mamamayan? 3. Ano ang maaaring gawin upang hindi mabiktima ng ganitong mga raket at modus operandi ng mga kriminal?