You are on page 1of 8

Unang Markahan – Grade 9 (AP - EKonomiks)

Panuto: Basahin ang mga tanong at ISULAT ang TITIK ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Kaakibat sa pag-aaral ng Ekonomiks ay ang dalawang pangunahing kaisipan; una, ang


kagustuhan at pangangailangan ng tao ay walang katapusan at pangalawa, ang mga bagay na
tumutugon sa kagustuhan at pangangailangan ng tao ay may hangganan. Anong konsepto sa
Ekonomiks ang tinutukoy ng mga nasabing pahayag?
A. Scarcity C. Efficiency
B. Shortage D. Sustainability

2. Ang Ekonomiks ay patungkol sa paggawa ng mga desisyon sa pagpili ng mga sari-saring


alternatibo upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa lipunan. Bilang isang
mag-aaral paano mo maipapakita ang tamang pagsagawa ng desisyon?
A. Manalangin sa Maykapal na subaybayan ang buong pamilya na matamaan ng Corona
Virus.
B. Manood ng telebisyon at makipag-ugnayan sa mga kamag-anak tungkol sa kanilang
sitwasyon.
C. Magliwaliw sa plasa kasama ang mga kaibigan upang hindi mabagot sa pananatili sa
bahay dulot ng lockdown.
D. Magsagawa ng pananaliksik hinggil sa mga dahilan at epekto ng Corona Virus Pandemic
bilang takdang aralin sa paaralan.
3. Nahahati ang Ekonomiks sa dalawang dibisyon, ang Microeconomics na nakatuon sa maliliit na
bahagi ng ekonomiya at Macroeconomics na nakapokus naman sa kabuuang pangyayari o
gawaing pang- ekonomiya ng isang bansa. Paano naisasabuhay ang Microeconomics sa pang-
araw-araw na gawain ng isang pamilya?
A. Hindi makakita ng trabaho si Anton kahit nakatapos siya ng kursong Komersiyo at isang
Cum Laude.
B. Laganap ang pagsagawa ng illegal mining sa bakuran nina Ginoong Cruz sa pag-aakala
na marami itong ginto.
C. Walang mabiling asukal, bigas at iba pang paninda si Aling Conchita dahil naka
community quarantine ang buong pamilihan.
D.Tuwang-tuwa si Mang Kanor dahil tumaas ang exchange rate o palitan ng
Philippine Peso mula P50.00 na naging P55.00 bawat US Dollar.
4. May apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya na nagsisilbing tugon sa kakapusan.
Ang mga ito ay mekanismo ng pamamahagi o alokasyon ng limitadong pinagkukunang-yaman.
Alin sa mga nakatalang halimbawa ang sumasagot sa katanungang, Paano gagawin ang isang
produkto o ang mga paraan na maaaring gamitin upang mabuo ang produkto o serbisyo?
A. Face masks na gawa sa tela
B. 500 piraso na face masks na gawa sa tela
C. Pagtahi ng face masks gamit ang makina de padyak
D. Kabilang dito ang mga non-medical front liners gaya ng mga jeepney drivers,
security guards, at vendors

5. Pag-aralan ang sitwasyon sa ibaba:

May Graded Recitation kayo sa Asignaturang English sa susunod na araw. Hindi mo pa nabasa
ang kwento na “The Last Leaf” ni O. Henry na ibinigay na takdang aralin ng inyong guro. Handa
ka na sanang basahin ito nang biglang mangyari ng sabay-sabay ang mga sumusunod:
I. Sumigaw ang Ate mo na tingnan mo muna ang kanyang sinaing dahil nasusunog
na ito.
II. Humihingi ng malamig na tubig ang lola mo dahil uhaw na uhaw na siya.

Ano ang iyong uunahin sa mga sitwasyon sa itaas upang makagawa ng tamang desisyon?

A. Mag-ala superhero ako. Sabay kung gagawin ang dalawang bagay nang mabilisan ng sa
gayon walang maiiwan na gawain.
B. Magsawalang kibo nalang ako. Uunahin ko ang pag-aaral ng aking leksiyon sa English
kaysa sa aking lola at sa aming sinaing.
C. Uunahin ko muna ang pagtingin sa nasusunog naming sinaing kaysa sa aking lola.
Makapaghihintay si lola dahil mahal na mahal naman niya ako.
D. Kukunin ko sa kalan ang nasusunog naming sinaing at bigyan ko din kaagad ng tubig si
lola dahil baka may masamang mangyari sa kanya. Sasaing ako muli para sa aming
pananghalian.
6. Isa sa mga inaasahan sa mga mag-aaral ng Ekonomiks na sila ay maalam at mapagmasid sa
mga sitwasyon na nangyayari sa kanilang lipunan. Paano ito maisasakatuparan?
A. Sumali sa mga pagtitipon at pagwewelga ng mga taong bumabatikos sa gobyerno.
B. Magsangguni sa awtoridad hinggil sa talamak na pang-aabuso ng mga nagtitinda sa
pamilihan.
C. Makipagkwentuhan sa mga kapit-bahay hinggil sa buhay personal ng mga tao sa inyong
paligid.
D.Hayaan ang mga opisyal ng gobyerno na magbigay solusyon sa mga problema ng
kahirapan at korapsyon.
7. Sa pamamagitan ng Ekonomiks, nauunawaan ang mga batas at programang ipinatutupad ng
pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya. Isang halimbawa dito ang
pagbigay taguri sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFW) bilang mga Bagong Bayani
dahil sa malaking papel na ginagampanan nila sa pagsulong ng ating bansa. Paano
nakakatulong ang ating mga OFWs?
A. Sumasali sila sa mga kompetisyon at mga patimpalak upang makakuha ng
malaking premyo.
B. Nagbibigay sila ng serbisyo sa mga banyagang mamamayan sa halip na sila ay
manilbihan sa kapwa Pilipino.
C. Nagpapadala sila ng mga balikbayan boxes sa kanilang kamag-anak nang sa
gayon ay makatikim naman ng mga imported na produkto.
D. Ang mga remittances o pera na ipinapadala ng mga OFWs sa kanilang mga
pamilya, ang nagpapatakbo sa daloy ng pagpasok ng dolyar sa bansa.
8. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita na ang Ekonomiks ay bahagi na ng pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga tao sa isang lipunan?
A. Pagtaas ng bilang ng mga nabubuntis at kaso ng abortion dahil sa premarital sex
B. Paghikayat sa mga magsasaka sa kapatagan na magtanim ng cash crops o produktong
madaling maibenta.
C. Pagkatakot ng mga investors na mamuhunan ng negosyo sa bansa dahil sa paglaganap
ng insidente ng extra judicial killings at Corona Virus
D. Pagbili at paggamit ng mga gadgets tulad ng cellphones, tabs, ipads at pagtangkilik sa
mga social media sites upang makabili ng mga produkto at serbisyo

9. Nasa sitwasyon tayo ngayon ng COVID-19 pandemic. Alin kaya sa palagay mo ang uunahin ng
iyong mga magulang upang hindi malagay sa alanganin ang kalusugan ng bawat miyembro ng
pamilya?
A. pamamasyal sa mga hindi matataong lugar
B. pagbili ng alcohol, face masks, at face shield
C. pagluto at pagkain ng mga masustansiyang pagkain
D. pagkonsulta sa doktor kapag nakaramdam ng pananamlay

10. May papel din ang Ekonomiks sa gawaing pang-ekonomiya ng isang pamilya. Isa na dito ang
pagbabadyet. Paano ba isinasagawa ng pamilya ang gawaing ito?
A. Nilalaanan ng pondo ang mga gastusin sa bahay tulad ng pagkain, kuryente,
gamot at iba pa.
B. Nagbibigay tulong pinansiyal sa mga naapektuhan ng mga kalamidad gaya ng
bagyo, lindol at baha.
C. Ang nalilikom na salapi ay idinideposito sa bangko para may gastusin sa mga
emerhensiya balang araw.
D. Naghihintay ng subsidiya o financial aid mula sa gobyerno para gugulin sa
mga pangunahing pangangailangan.
11. Ang Traditional Economy ay itinuturing na pinakamatandang uri ng sistemang pang-ekonomiya
kung saan payak ang pamumuhay at pangangailangan ng mga tao. Ang mga sumusunod ay
mga katangian ng sistemang ito MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. nakabatay ang paggawa ng kanilang produkto o serbisyo sa nakasanayang mga gawain
at tradisyon
B. ang mga mamamayan ay namumuno at nagkakasundo na paunlarin ang kanilang sarili
kung saan sila rin ang makikinabang
C. walang tiyak na batas ukol sa alokasyon ang pinapatupad at ipinamamahagi kung sino
ang nangangailangan at dapat gumamit ng mga ito
D. ginagabayan ng mekanismo nang malayang pamilihan kung saan ang bawat kalahok ay
kumikilos upang makakuha ng malaking pakinabang
12. Ang Command Economy ay ipinatupad sa dating Soviet Union at nananatili sa bansang Cuba
at North Korea sa kasalukuyan. Alin sa mga susumusunod ang pinakaangkop na katangian
ng sistemang ito?
A. Ang mga nasa lakas-paggawa ay maaaring makapamili ng kanilang nais na papasukang
trabaho.
B. Ang mga mamamayan ay namumuno at nagkakasundo na paunlarin ang kanilang
sarili kung saan sila rin ang makikinabang.
C. Ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng
pamahalaan alinsunod sa pangangasiwa ng central planning agencies.
D. Ang pamahalaan ay nagbibigay ng proteksiyon sa kapakanan ng mga pag-
aaring pampribado kabilang ang mga batas na mangangalaga sa karapatan, ari-arian at
kontrata ng pribadong indibidwal.
13. Sa sistemang Pampamilihan o Market Economy, ang presyo ang nagsisilbing pambalanse sa
interaksiyon ng konsyumer at prodyuser sa loob ng pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang
papel ng presyo sa nasabing sistemang pang-ekonomiya?
A. Ang presyo ng produkto at serbisyo ay kinukontrol ng pamahalaan at pribadong
indibidiwal.
B. Ang presyo ay apektado ng dami ng produktong kailangan ng mga prodyuser at dami ng
kalakal na gagawin ng mga mamimili.
C. Ang dami ng produkto na nais ibenta ng mga prodyuser ay may mas marami kaysa sa
bibilhin ng mga mamimili dahil mababa ang presyo.
D. Ang presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga
mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga
prodyuser.

14. Paano ipinapalakad ang sistemang Mixed Economy sa isang lipunan?


A. Ang pagpapasya sa proseso ng mga gawaing pang-ekonomiya ay sentralisado o nasa
kamay ng pamahalaan lamang.
B. Ang mga mamamayan ay namumuno at nagkakasundo na paunlarin ang kanilang sarili
kung saan sila rin ang makikinabang.
C. May malayang pagkilos ang pamilihan subalit nakikialam ang pamahalaan sa mga
usaping patungkol sa kalikasan at katarungang panlipunan.
D. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa
pamamagitan ng presyo, at pangangasiwa ng mga gawain.

15. Ang pagkakaroon ng sistemang pang-ekonomiya ang nagiging batayan ng mga bansa upang
magamit nang wasto ang kanilang mga pinagkukunang-yaman na naayon sa pangangailangan
nito. Sa katanungan na, For whom to produce, sino ang makikinabang sa sa sistemang
Pampamilihan o Market Economy?
A. opisyal ng gobyerno na kumokontrol sa pamilihan
B. mamimili na nagnanais na magkaroon ng naturang produkto
C. mga negosyante o indibidwal na may kontrol sa produksiyon
D. Non-Governmental Organizations na tumutulong sa mga mahihirap
16. Ang produksiyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-
sama ng mga salik (input) upang makabuo ng output (tapos na kalakal o serbisyo). Ano-ano
ang mga input upang mabuo ang isang masarap na malunggay pandesal?
A. harina, dahon ng malunggay, asukal, oven, mamimili
B. harina, dahon ng malunggay, oven, manager, puhunan
C. harina, dahon ng malunggay, panadero, oven, manager
D. harina, dahon ng malunggay, tindero, gas range, panaderia
17. Sa Ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman ng mga magsasaka o
pinagtatayuan ng bahay kundi may iba pang elemento ang nakapaloob dito. Alin sa mga
sumusunod na aytems ang kabilang sa lupa bilang salik ng produksiyon?
A. yamang likas C. matatayog na mga gusali at edipisyo
B. malalawak na daan at tulay D. makabagong makinarya at teknolohiya
18. Ang produksiyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na sumasagot sa pagkonsumo ng mga
tao ng kalakal at serbisyo. Ang ilustrasyon sa ibaba ay nagpapakita ng produksiyon. Ano ang
nais ipahiwatig nito?

A. Nagaganap ang produksiyon kung pinaghahalo ang mga input at output.


B. Ang proseso sa paggawa ng mga kalakal ay dapat may angkop na teknolohiya na hindi
makaluma.
C. Ang output ay pagsama-sama ng mga salik ng produksiyon upang maging input na
handa nang gamitin ng mga mamimili.
D. Ang input ay binubuo ng mga hilaw na materyales at iba pang salik na nagbabagong-
anyo upang maging isang produkto na handang ikonsumo.

19. May katumbas na halaga ang paggamit sa mga salik ng produksiyon upang matapos ang isang
kalakal at serbisyo. Alin ang kabayarang matatamo ng isang entreprenyur kapag naging
matagumpay siya sa pagpapalakad ng kanyang negosyo?
A. upa C. sahod
B. tubo D. interest
20. Malaki ang papel na ginagampanan ng mga manggagawa sa proseso ng produksiyon. Ilan sa
kanila ay napabilang sa white collar jobs na kinabibilangan ng mga doktor, guro, engineer at
iba pa. May ilan din na nasa blue collar jobs gaya ng mga magsasaka, janitor at electrician.
Ano ang mabubuong konklusyon hinggil sa mga gawaing blue collar upang maisagawa ang
produksiyon?
A. Ang mga manggagawa sa gawaing ito ay kakaunti lamang at may maliit na sahod.
B. Puhunan ng mga manggagawa sa gawaing ito ang kanilang kasanayan at pisikal na
katawan.
C. Sa gawaing ito, ang mga manggagawa ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral at limitado
ang kaalaman.
D. Nakasalalay ang mental na aspeto sa pagbuo ng mga produkto at serbisyo sa gawaing
blue collar.
21. Alin sa mga gawaing pang-ekonomiya ang tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga produkto
upang matugunan ang mga pangangailangan at matamo ng tao ang kasiyahan?
A. Alokasyon C. Produksiyon
B. Distribusyon D. Pagkonsumo
22. Sa mga larawan sa ibaba, alin ang nagpapakita ng tuwirang pagkonsumo kung saan direktang
natatamo ng isang tao ang kasiyahan sa paggamit ng isang kalakal o serbisyo?

23. Ang harina ay ginagamit sa paggawa ng tinapay. Kung ang tinapay na mula sa harina ay
ginamit naman upang makagawa ng isang pudding, anong uri ng pagkonsumo ang
nagaganap?
A. tuwiran C. produktibo
B. maaksaya D. mapanganib
24. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng mapanganib na pagkonsumo?
A. pakikinig sa radyo at panonood ng telebisyon nang sabay-sabay
B. pagbili ng morphine, isang gamot sa cancer nang walang resita ng doktor
C. pagkain ng hamburger, French fries, spaghetti at pag-inom ng softdrinks
D. pagsagawa ng community fireworks display na may pahintulot ng barangay

25. Mabiling-mabili ang mga tsokolate at bulaklak tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso. Halos
nag-uunahan ang mga kalalakihan na bumili ng mga ito upang may maibigay sa kanilang mga
minamahal. Anong salik ng pagkonsumo ang inilalarawan ng nabanggit na sitwasyon?
A. okasyon C. panggagaya
B. panahon D. pagpapahalaga

26. Ano ang mabubuo mong konklusyon bilang isang konsyumer o mamimili ayon sa larawan?
A. Ang mga konsyumer ay may karapatan at tungkulin na dapat sundin.
B. Walang kinikilingan ang batas kung sino man ang nagkakasala sa kanyang kapwa.
C. Pinapangalagaan ang lahat ng mga mamimili upang hindi maabuso ng mga negosyante.
D. Lahat ay maaaring magtagumpay sa negosyo kung bawat isa ay maalam at hindi
nagpapalinlang.
27. May mga ahensiya tayo ng pamahalaan na nagbibigay atensiyon sa kapakanan ng mga
mamimili. Alin ang pangunahing layunin ng Department of Trade and Industry o DTI?
A. Nangangalaga sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda.
B. Nagbibigay direksiyon sa mga OFWs sa mga bansa na mainam pagtatrabahuhan
C. Nangongolekta ng buwis sa mga pamilihan upang mapalago ang ekonomiya
ng bansa.
D. Pagtiyak sa uri, kalidad, dami, at kaligtasan ng mga produkto na binibili ng mga
konsyumer.
28. Bilang isang mamimimli, paano mo maitaguyod ang iyong karapatan sa tamang impormasyon?
A. Bumili ng mga second hand items upang makamura sa presyo.
B. Mamili lamang sa mga palengke na malinis ang paligid upang makaiwas sa sakit.
C. Bigyan pansin ang mga produktong gawa sa bansa kaysa sa mga imported products.
D. Basahin ang label, pakete o bote ng mga panindang binibili lalo na ang nilalaman nito.
29. Ipagpalagay na ikaw ay nakabili ng di-wastong timbang ng Liquefied Petroleum Gas o LPG sa
isang gasolinahan. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Magkibit balikat nalang ako at ipasa Diyos ang kanilang maling gawa.
B. Hindi na ako bibili ng LPG sa nasabing pamilihan, iboboycott ang kanilang mga paninda.
C. Magwewelga ako kasama ang aking mga kamag-anak at ipasara ang kanilang tindahan.
D. Gagawa ako ng isang complaint letter at hihingi ng aksiyon mula sa ahensiya ng ating
pamahalaan.
30. Ang bawat konsyumer ay may karapatan na tinatamasa. Kaakibat ng karapatang ito ay may
tungkulin na dapat sundin. Alin sa sumusunod ang pinakatanging tungkulin ng isang
mamimili upang magkaroon ng magandang relasyon sa mga negosyante?
A. Bayaran ang kinuha at ginamit na kalakal at serbisyo at hingin ang resibo.
B. Bumili lamang sa kilalang suki at hindi sa kung sino-sino lang na nagtitinda.
C. Maging maalam sa pagtaas o pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan
D. Magbayad ng tamang buwis sa pamahalaan nang sa gayon ay makapagpatayo ito ng
mga imprastraktura para sa tao

ARALING PANLIPUNAN 9 (ECONOMICS) QUARTER 1


ANSWER KEY
1. A 11. D 21. D
2. D 12. C 22. C
3. C 13. D 23. C
4. C 14. C 24. B
5. D 15. B 25. A
6. B 16. C 26. C
7. D 17. A 27. D
8. D 18. D 28. D
9. C 19. B 29. D
10. A 20. B 30. A
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI – Kanlurang Visayas
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
La Paz, Lungsod ng Iloilo

ASSESSMENT TOOL DEVELOPMENT TEAM


Writer:
ANNA MECHEL L. MENDOZA
Master Teacher I

Illustrators and Lay-out Artists:

CARY M. DOLENDO ARMAND GLENN S. LAPOR


Teacher II EPSP

Quality Assurance Committee:

BRENDA P. DESCALZOTA REYNOLD V. CELIZ


Teacher III Master Teacher I

JOSEPH L. CORNEJA AGUMAR C. MANA-AY


Teacher I Teacher II

MILAGROS A. VENCER ISABELITA P. ALIBAGON


Head Teacher VI Teacher III

CARY M. DOLENDO RANI L. MALINAO


Teacher II Teacher II

ANDIE P. PADERNILLA
AP Coordinator – SDO Iloilo
Division Quality Assurance Team Members

LIZA A. BALOGO LILIBETH E. LARUPAY


AP EPS EPS, LRMDS

Project Manager

RUBEN S. LIBUTAQUE
Chief, CID

You might also like