You are on page 1of 6

Mga Uri ng Pagkonsumo

1. Tuwiran o Direkta

Ang uri ng pagkonsumpo na nagaganap kapag sa ating pagbili at paggamit ng produkto at


serbisyo ay agarang natatamo natin ang kasiyahan at kapakinabangan. Halimbawa, kapag
kumain ka ng pandesal upang tugunan ang iyong pagkagutom at matapos ito, napawi ang iyong
pagkagutom. Ang pagkapawi ng ating gutom ay isang uri ng pagtugon sa ating pangangailangan
na nakapagdudulot ng kasiyahan sa atin.

2. Produktibo

Ang uri ng pagkonsumo na nagaganap kapag bumili tayo ng produkto upang gamitin sa paglikha ng
iba pang produkto o serbisyo. Halimbawa, ang pagbili mo ng karayom upang gamitin sa pananahi ng
damit na iyong isusuot.
3. Maaksaya

Ang uri ng pagkonsumo na ang pagbili at paggamit ng produkto ay hindi tumutugon sa


pangangailangan ng mamimili at hindi nagdudulot ng kasiyahan sa kanya. Maaaring ang ginawang
pagbili ay bunga ng mga salik na nakaiimpluwensya sa ating pagkonsumo. Halimbawa ng ganitong
uri ng pagkonsumo ay ang pagbubukas ng ilaw kahit maliwanag.

4. Mapanganib

Ang uri ng pagkonsumo ng mga bagay na maaaring magdulot ng sakit at perwisyo sa tao. Ang pagbili at paggamit ng mga
ipinagbabawal na gamot ay isang halimbawa nito dahil kahit nagdudulot ito ng kasiyahan sa gumagamit nito, ay nagsisilbing
banta rin sa kalusugan ng tao.
Ang uri ng pagkonsumo ng mga bagay na maaaring magdulot ng sakit at perwisyo sa tao. Ang
pagbili at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot ay isang halimbawa nito dahil kahit nagdudulot
ito ng kasiyahan sa gumagamit nito, ay nagsisilbing banta rin sa kalusugan ng tao.
Mga Paraan ng Matalinong Mamimili
1. Isaayos at itala ang bilihin ayon sa kahalagahan
2. Suriin ang kondisyon ng gamit bago bilhin.
3. Huwag bumili ng gamit na hindi kailangan.
4. Iwasan ang pagbili ng mga gamit na second hand.
5. Lagyan ng hangganan ang pamimili sa presyo.
6. Magtanung-tanong ng halaga sa ibang tindahan.
7. Piliin ang wastong panahon ng pagbili.
8. Piliin kung saan mahusay mamili.

• Masusing namimili sa mga


pagpipilian.
• Tinitignan ng mabuti ang
mga sangkap, presyo at
kalidad.

• Marunong humanap ng
kapalit na produkto na
makatutugon din sa
pangangailangan.
• Alerto at laging handang
itama ang mga pagkakamali
ng nagtitinda.
• Hindi nagpapadala sa
popolaridad ng produkto.
• Tinitimbang kung
kinakailangan niya ito o
hindi.
• Ang kalidad dapat ang
tinitignan hindi ang
kagandahan ng
pagaanunsyo.
• Hindi nagpapanic-buying.

You might also like