You are on page 1of 1

Ano nag Pang-Ugnay(Preposition)

Ito ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita, parirala, o sugnay.

Ang mga salitang ito ay inilalagay bago ang pangalan, tulad ng ang/si’, ‘ng/ni/kay’, ‘ayon sa/kay’, ‘para
sa/kay’, ‘hinggil sa/kay’.

Mga Halimbawa

Ayon sa balita, walang pasok ang buong kamaynilaan dahil sa malakas na bagyo.

Nabalitaan ko na kay Gemma pala ang relong yan.

Ang kanyang tula ay para sa kanyang minamahal na si Kristina.

Pangatnig(Conjunction) –ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o
sugnay na pinagsunodsunod sa pangungusap.

at, pati, saka o ni maging , subalit, kung, bago, upang, sana, dahil sa, sapagkat.

Pamukod

Halimbawa

Ang paglalaba ng damit at paglilinis ng bahay ang kanyang hanapbuhay.

Mahal kita maging sino ka man.

Paninsay-ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.

at, saka, pati, ngunit, maging, datapwat, subalit

Halimbawa

Gusto niyang bumili ng damit, ngunit wala siyang pera.

Naglilinis si Hannah, saka siya nagluto

Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita,parirala o sugnay.

Kung,kapag,upang,para,nang,sapagkat,dahil sa

Halimbawa

Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit.

Umaasenso ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap.

Ikinakabit ang –g sa nauunang salitang nagtatapos sa letrang n sa magkasunod na salitang naglalarawan


at inilalarawan.

Halimbawa: baying magiliw, mahinahong pakikipag-usap, makabuluhang Gawain, maalinsangang lugar,


pahayagang makatotohanan.

Ikinakabit ang –ng sa nauunang salitang nagllarawan sa patinig (a,e,I,o,u) sa magkasunod na salitang
naglalarawan at inilalarawan.

Halimbawa: magandang binibini, bagong bayani, mabuting anak, matinding takot, makataong pulitiko,
masayang naglalaro.

You might also like